RUFFA:
HINDI ako makatingin ng diretso kay Sir Luke nang bumaling ito sa akin. Pakiramdam ko kasi ay marami itong gustong itanong pero nananatiling tikom ang bibig na tila nag-aalangan itong tanungin ako.
"Sweetheart, can you make some coffee?" tanong nito na sa akin nakamata.
Pilit akong ngumiti dito na tumango at iniwan na muna silang dalawa. Dama kong kahit nakatalikod ako ay nakasunod sila ng tingin sa akin. Tumuloy ako sa pantry nitong opisina at gumawa ng kape nila.
"Ano bang pinag-uusapan nila?" usal ko na napapasulyap sa mga ito na seryosong nag-uusap.
Hindi maipinta ang mukha ni Sir Luke habang tila nagpapaliwanag naman si Sir Daven dito. Panay ang iling nito na panaka-nakang sinusulyapan ako dito sa pantry.
Napahinga ako ng malalim na napatitig sa dalawang baso ng kape na tinimpla ko. Kita ko naman kasing seryoso pa ring nag-uusap ang dalawa. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang sinaad ni Sir Daven kanina kay Sir Luke. Na malapit na niya itong maging brother in law.
"Kung gusto niya talaga ang kapatid ni Sir Luke, bakit niya pa ako pinakilala sa mga empleyado niya na girlfriend at magiging asawa? Bakit niya pa ako pinapaasa kung harap-harapan niya ring sinasabi na gustong-gusto niya ang kapatid ni Sir Luke?" usal ko na mapait na napangiti.
Kung kapatid iyon ni Sir Luke, tiyak na maganda iyon at isang high class na babae. Mas bagay sila ni Sir Daven kumpara sa akin na isang hamak na katulong lang. Isa pa, mukha namang hindi seryoso si Sir Daven sa kung anong meron kami. Hindi na nga ako magtataka kung pinapasakay niya lang ako para mahulog sa kanya at makuha niya ang p********e ko.
Kapag natikman na niya ako, matutulad lang din ako sa mga naging babae niya na ibabasura na niya matapos pagsawaan. Katawan ko lang ang habol niya. Dahil kung talagang mahal niya ako? Hindi siya magbibitaw ng salita na alam niyang masasaktan at magseselos ako. Katulad na lamang kung paano niya sabihin kay Sir Luke na gustong-gusto niya ang kapatid nito.
"Hey, what's wrong, sweetheart?"
Napaangat ako ng mukha na biglang sumulpot dito sa kinaroroonan ko si Sir Luke. Hindi ko napansin na nakalapit na pala ang mga ito. Maging si Sir Daven ay lumamlam ang mga mata nito na mapatitig sa akin. Huling-huli kasi nilang tahimik akong umiiyak dito sa pantry.
Pilit akong ngumiti nang pahirin ni Sir Luke ang pisngi ko na bakas ang lungkot at awa sa mga mata nito.
"Come here, sweetheart." Pag-aalo nito na niyakap akong ikinulong sa bisig nito.
Kahit pinipigilan ko ay patuloy ang pagtulo ng butil-butil kong luha habang nakakulong ako sa mainit na bisig nito.
"Stop playing around, Daven. You're hurting my sister's feelings. Binalahan na kita, hindi ba?" mahinang asik nito kay Sir Daven na hindi nakaimik na nakamata lang sa akin.
Kumalas na ako dito na nagpahid ng luha. Pilit ngumiti sa kanilang dalawa kahit hindi ko maitago ang sakit sa mga mata ko.
"Okay lang po ako, Sir. Kape niyo nga pala. Baka lumamig na," pag-iiba ko na pilit umaktong okay lang ako.
Nagkasukatan pa sila ng tingin ni Sir Daven na tila may iba silang pinag-uusapan na hindi ko alam.
"Umayos ka, Daven. Madadali ka talaga sa akin," pabulong pagbabanta pa ni Sir Luke dito na iniwan na kami dito sa pantry dala ang kape nito.
Napasunod kami ng tingin ni Sir Daven dito na nagtungo sa sala. Kitang seryoso at bad trip na rin ito na ngayon ko lang nakita. Sanay kasi ako na nakangiti ito at napaka aliwalas palagi ng mukha. Hindi katulad ngayon.
"Baby, what's wrong?" tanong ni Sir Daven sa akin na ikinalingon ko dito.
Malamlam ang mga mata nito na bakas ang takot at lungkot na nakamata sa akin. Ngumiti ako na umiling.
"May naalala lang ako. Si Nanay. Halos isang linggo na kasi akong nawalay sa kanya. Ngayon lang ako nalayo sa kanya eh," pagkakaila ko dito na nag-iwas ng tingin sa mga mata nito.
Sa galing niya ay tiyak akong mababasa niya sa mga mata kong nagsisinungaling lang ako. Napahinga ito ng malalim na inabot ang kape nito na napasimsim.
"Gusto mo ba talaga ako, Ruffa?" tanong nito na ikinatingala ko dito.
Sinalubong naman nito ang mga mata ko. "Ano bang klaseng tanong 'yan, Sir?"
"I told you, you don't have to call me Sir when we're in private." Saad nito na bakas ang lungkot sa boses at mga mata nito.
"I think it's better if we stay like this, Sir Daven. Boss kita, katulong niyo ako. Kahit saang anggulo ko kasi tignan. . . hindi ako nababagay sa'yo." Saad ko na ikinalunok nitong kitang nasaktan sa sinabi ko. "Ayokong umasa sa pagmamahal na sinasabi mo. Kung ibang-iba naman ang sinasabi mong gusto mo kapag nand'yan si Sir Luke."
Nag-iwas ako ng tingin na masulyapang napakuyom ito ng kamao at dumilim ang mga matang nakatitig sa akin.
"You always said na gusto mo ang kapatid niya. Na magiging brother in law mo na siya. Pero kapag tayong dalawa lang. Heto ka, nilalandi-landi mo ako. Binobola at pinapaikot-ikot sa palad mo. Hindi naman ako laruan, Sir. At hindi rin ako tanga para hindi malamang nakikipaglaro ka lang sa akin. Hindi kasi ako gano'ng uri ng babae, Sir Daven. Hindi ako katulad ng mga babae mong go with the flow. Makipag-s*x kung kani-kanino. Pinapahalagaan ko ang sarili at dangal ko, Sir. Kasi iyon lang ang meron ako na maipagmamalaki ko sa mapapangasawa ko balang araw. Ang kalinisan ko bilang babae." Saad ko na tinalikuran na ito.
Dama kong nakasunod sila ng tingin sa akin na lumabas ng opisina. Ang sikip-sikip ng dibdib ko sa mga sandaling ito. Alam ko naman na hindi ako nababagay sa kanya. Pero may parte pa rin sa puso ko na nasasaktan kasi hindi ako bagay sa kanya. At kahit itanggi ko, alam ko sa sarili kong nagugustuhan ko na rin siya. Na kahit naglalaro lang ito ay hindi ko pa rin mapigilang magkagusto sa kanya.
Hindi ko namalayan na sumakay ako ng elevator pababa. Tulala akong lumabas ng kumpanya na walang maski anong dala. Naglakad ako sa gilid ng kalsada. Walang alam na mapupuntahan. Dinala ako ng mga paa ko sa isang malapit na park.
Naupo ako sa isang bench na nalililiman ng puno. Sa harapan ko ay maraming bata ang naglalaro kasama ang pamilya nila. Ang saya nilang pagmasdan na nand'yan ang Mommy at Daddy nila na kalaro nila.
"Naranasan ko rin sana 'yan. . . kung hindi lang namatay ang mga magulang ko," usal ko na tumulo ang luha na maalala sina Mommy.
Napayuko ako na sunod-sunod tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Mommy, Daddy, patawarin niyo po ako. Nagiging marupok ako at sa tao pang posibleng pumaslang sa inyo. Napakasama kong anak na nagagawa ko pang makipag landian sa taong 'yon." Usal ko na kinakastuguhan ang sarili.
ILANG minuto akong umiyak nang umiyak. Hanggang sa may tumabi sa akin na ikinatigil ko sa paghikbi ko. Nag-abot ito ng panyo na ikinaangat ko ng mukha na napatitig dito.
"I think you need it," anito na kiming ngumiti.
Nahihiya akong inabot iyon at alam ko namang naghalo-halo na ang luha at uhog sa mukha ko. Napayuko ako na pinunasan ang mukha ko sa panyo nito.
"T-thank you, Sir." Saad ko matapos magpunas ng mukha.
Kimi itong ngumiti na bumaling sa harapan namin kung saan maraming pamilya ang masayang nagpi-picnic dito sa park.
"I envy them." Anito. "Ang sarap maging bata. Ang sarap maging masaya. 'Yong malaya ka at dama mong kumpleto ka. Na kampante ka kasi nand'yan ang mga magulang mong nakaalalay at handang protektahan ka." Dagdag nito na nakangiti.
Napatitig ako dito. Ibang-iba kasi ang bugso ng damdamin ko habang nakatitig dito. Pakiramdam ko ay may connection ako sa kanya. Damang-dama ko iyon sa puso ko.
Bumaling ito sa akin na mapansin nitong nakatitig ako dito. Maging ito ay naipilig ang ulo na matitigan ako sa mukha.
"Is there something on my face? May dumi ba ako sa mukha, ms?" tanong nito na nakangiti.
Umiling ako na pilit ngumiti at nag-iwas na rin ng tingin dito. Maya pa'y hinugot nito ang wallet sa bulsa na may kinuha doon.
"I'm Mario Brionez. Nice to meet you, ms." Saad nito na iniabot ang isang calling card sa akin.
Bumilis ang t***k ng puso ko na marinig ang pangalan nitong ikinaalala ko sa isang tao! Napababa ako ng tingin sa hawak nitong calling card kung saan nakalagay ang pangalan, number at address ng isang kumpanya.
"M-Mario Brionez?" usal ko na nanginginig ang boses.
Nangangatal ang kamay ko na inabot iyon na ikinangiti nito.
"Yeah. Why, do you know me?" nangingiting tanong nito.
Para akong tinambol sa puso ko na mapatitig ditong nakangiti sa akin.
"Would you mind if I ask you something personal, Sir?" tanong ko na ikinatango nito.
"Sure, ms. What is it?" sagot nito.
"Are you related to mrs Trina and Jacinto Brionez?" kabado kong tanong na ikinamutla nitong nalunok.
"W-why do you know my. . . my parents? Who are you?" tanong nito na ikinatulo ng luha kong niyakap itong nanigas sa kinauupuan!
"K-kuya Mario. . . ikaw nga."
"W-what?"