RUFFA:
NAPAHAGULHOL ako sa balikat ni Kuya Mario na makumpirmang siya nga ito! Pakiramdam ko ay umayon sa akin ang tadhana kung kailan kailangan ko ng masasandalan, ay dinala siya sa akin.
"R-Ruffa, is that you?" nanginginig ang boses na tanong nito.
Kumalas ako dito na ngumiting tumango-tango kahit panay ang tulo ng luha ko. Nagliwanag ang mukha nito na tumulo na rin ang luha na sumapo sa magkabilaang pisngi ko.
"Ikaw nga?"
"Oo, Kuya. Ako ito, si Ruffa. Ang kapatid mo," luhaang sagot ko na nakangiti dito.
"Fvck!"
Napamura ito na bakas ang tuwa sa tono at mukha na mahigpit akong niyakap! Ilang minuto kaming nagkaiyakan habang magkayakap hanggang sa kusa din naming napatahan ang sarili.
"What happened, Ruffa? Kung buhay ka, is this mean. . . buhay din ang Mommy at Daddy? Nasaan sila? Nasaan ang mga magulang natin, Ruffa?" magkakasunod nitong tanong na bakas ang tuwa sa tono.
Mapait akong napangiti na ikinapalis ng ngiti nito. Unti-unting naglaho ang kinang at kasabikan sa mga mata nito na mapatitig sa aking matiim na nakatitig sa kanya.
"R-Ruffa," sambit nito.
"Wala na sila Mommy at Daddy, Kuya. Matagal na." Pag-amin ko na ikinatulo ng butil nitong luha.
Kinuha ko ang kamay nito na marahang pinipisil-pisil iyon.
"Pinatay sila, Kuya. Mabuti na lang at hindi ka namin isinama noon sa bakasyon namin. Sinugod kami ng mga armadong kalalakihan sa rest house. Pinatago ako nila Mommy noon sa basement ng bahay. Nagkulong ako sa isang aparador doon. Nagkataon na doon dinala ng mga lalakeng armado sina Mommy at Daddy. Hinahanap pa nila ako noon pero hindi ako itinuro nila Daddy. Pinatay sila, Kuya. Walang awa na magkasunod silang binaril sa ulo. At sinunog. . . ang rest house." Pagkukwento ko na ikinayuko nitong napahagulhol.
Niyakap ko ito na hinahagod-hagod sa likuran. Hinayaan ko lang itong umiyak nang umiyak hanggang sa kusa din itong tumahan.
"Forgive me, Kuya. I was too young then, so I couldn't do anything to protect our parents. Nailigtas ko ang sarili ko. Pero hindi ko na nakuha ang katawan nila Mommy at Daddy na kasamang natupok sa rest house." Saad ko.
Nagpahid ito ng luha na muli akong niyakap nang sobrang higpit. Napangiti ako na naisandal ang sarili ditong hinahagod-hagod ako sa likod ko.
"What happened to you after that?" tanong nito.
Katulad ko ay mugtong-mugto na rin ang mga mata nito. Namumula ang ilong at pisngi dala ng pag-iyak. Umiling ako na pilit ngumiti ditong matiim na nakatitig sa aking mga mata.
"Naging palaboy ako sa plaza ng ilang araw. Natutulog sa children's park at tinitiis ang gutom. Humahalungkat ako ng mga tinatapong pagkain sa basurahan. Para maitawid ko ang gutom ko sa araw na iyon. Tinitiis ko ang lamig ng gabi habang sa nakabaluktot sa isang bench na nalililiman lang ng puno. Hanggang isang araw, may lumapit sa aking ginang at inampon niya ako. Si Nanay Gemma. Siya ang nag-aruga sa akin." Pagkukwento ko na ikinangiti nitong hinaplos ako sa ulo.
"I'm sorry, Ruffa. Hindi kita nahanap. Ang nalaman ko kasi ay ang nasunog ang rest house natin kung saan kayo natutulog at kasama kayo sa mga natupok. Kung alam ko lang na buhay ka, hinanap sana kita." Wika nito na ikinangiti ko.
"Wala kang kasalanan, Kuya. Kung may tao mang dapat managot sa nangyari sa mga magulang natin? Siya iyon, ang taong. . . pumaslang sa kanila." Saad ko na nagngingitngit ang mga ngipin na maalala na naman ang gabing iyon.
Napalunok ito na matiim na nakatitig sa akin. Curiosity draw on his face. Nagtatanong ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
"What do you mean, Ruffa? You saw them? Do you recognize them?" tanong nito na ikinatango ko.
"Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. At ang pangalang itinawag sa kanya ni Daddy. Nakiusap ang Daddy na hwag na niyang idamay ang mag-ina ni Daddy. Na si Daddy na lang ang patayin niya. But he didn't listened. Wala siyang awa na pinaslang ang Mommy. Kung hindi lang ako nakatago noon ay maging ako, pinatay nila." Puno ng pait kong turan na tumulo ang luha.
"Sino, Ruffa? Sino ang demonyong pumaslang sa mga magulang natin? Sabihin mo sa akin, Ruffa. Malalaki na tayo. Kaya na nating. . . singilin ang taong pumatay sa mga magulang natin. Tell me, Ruffa. Who is he?" tanong nito na nakalarawan ang galit sa mga mata nito.
"Si. . . si Devon. Devon Smith. Devon ang tawag sa kanya ni Daddy noon. Pero, Kuya." Aniko na humawak sa kamay nitong napalunok. "Nagtatrabaho ako sa mga Smith. Nakilala ko na si Sir Devon. He's so kind. Wala sa vocabulary niya ang pumatay." Saad ko na napailing. "Pero ang anak niya. Malakas ang kutob kong siya ang lalakeng pumaslang sa mga magulang natin. Dahil tuso siya at walang puso sa mga tauhan niya. Kinakatakutan din siya ng lahat. Kaya malakas ang kutob kong. . . hindi si Sir Devon ang pumaslang sa mga magulang natin kundi. . . si Sir Daven iyon."
Namutla ito sa isiniwalat ko na napalunok. Napakuyom din ng kamao na naningkit ang mga matang nababalot ng galit at hinagpis. Mapait akong napangiti na nangilid ang luha. Muntik na akong mahulog sa kanya. Sa taong posibleng pumaslang sa mga magulang namin ni Kuya.
"Magbabayad siya. Pagbabayarin ko siya. Sino man sa kanilang mag-ama ang pumaslang sa mga magulang natin, malalagot pa rin ang sinoman sa kanila. Ipaparanas ko rin kung paano mawalan ng mahal sa buhay." Puno ng galit nitong anas na halos magsarado na ang mga mata nitong naniningkit.
ILANG minuto kaming natahimik sa mga napag-usapan. Nakasandal ako sa balikat nito habang nakaakbay naman ito sa akin at inaalala ang nakalipas.
Twenty years ago, Brionez mansion:
MASAYA akong sinalubong sina Daddy Jacinto at Kuya Mario na bagong dating mula sa America. Si Kuya Mario kasi ay sa America nakatira. Inaalagaan siya ng personal yaya nito doon. Habang kami naman ay nandidito sa Pilipinas.
Hindi ko alam pero, tinatago nila Mommy at Daddy si Kuya Mario. Hindi nila ito pinapakilala sa publiko. Ang alam din ng lahat, mag-isa lang ang anak nila. At ako iyon. Hindi alam ng publiko na may Kuya ako. At kung anong dahilan kaya siya tinatago nila Daddy, hindi ko na alam.
Minsanan lang dumalaw si Kuya sa mansion. Maging ang mga katulong ay akala nila, pinsan ko lang ang kapatid ko. Kami lang nila Mommy, Daddy, Kuya at ang personal yaya nito ang nakakaalam na magkapatid kami ni Kuya Mario.
Hindi kami gano'n ka-close ni Kuya. Dahil minsanan lang naman kami magkasama. Hanggang sa dumating ang araw na nagbakasyon kaming tatlo nila Mommy sa probinsya. Kung saan nangyari ang trahedya. Magmula noon, nawalan na rin ako ng communication kay Kuya Mario. Dahil hindi ko naman alam kung paano babalik sa amin. At kung paano siya kokontakin.
"Anyway, Ruffa. Do you want to live with me?" tanong nito na ikinabalik ng ulirat ko.
Ngumiti ako na umiling. "As much as I want to, pero mas makakabuti na nasa poder ako ng mga Smith, Kuya. Para mabantayan din natin ang kilos nila." Sagot ko.
Napanguso ito na napatango-tango. "A'right. Update me anytime na may malaman kang bago tungkol sa kanila." Saad pa nito na ikinatango ko.
Tumayo ito na naglahad ng kamay. "Let's go. Kumain na muna tayo. I want to know you more. Hindi tayo masyadong nagkakilala noong mga bata pa tayo." Wika nito.
Napangiti ako na inabot ang kamay nito at yumakap sa braso nito. Nangingiti naman itong inakay ako sa kanyang kotse at tumuloy sa isang kilalang restaurant.
Masaya kaming nananghalian ni Kuya Mario. Nagkwento din ito ng mga nangyari sa kanya. Ayon dito, ngayon lang siya muling bumalik ng bansa. Dahil kailangan na niyang imanage ang kumpanya ng pamilya namin. Ang Brionez corporation. Hindi ito kasing tanyag ng kumpanya nila Sir Daven. Pero ang mahalaga, unti-unti na itong napapalago. Lalo na ngayon na si Kuya na ang magma-manage nito.
Napag-usapan din namin ang tungkol sa paninilbihan ko sa mga Smith. Ayon dito, mas magandang mapalapit ako kay Sir Daven kung ito ang sa tingin kong pumaslang sa mga magulang namin. Ika nga, keep your friends close. And your enemies closer. Para alam mo ang bawat kilos nila. Alam mo kung paano maghanda.
HINDI ko namalayan ang oras. Napasarap ang kwentuhan namin ni Kuya. Matapos kasi naming mananghalian, bumalik kami sa park at dito muling nagkwentuhan ng mga nangyari sa amin.
"Saan kita ihahatid, Ruffa?" tanong nito habang nakasakay kami sa kotse nito.
"Uhm, sa kumpanya na lang, Kuya. Baka nandoon pa sila Sir Daven." Sagot ko na ikinatango nito.
"I'll take some research about him, Ruffa. And please, take good care of yourself, hmm?" saad nito na ikinangiti at tango ko.
"I will, Kuya. Salamat. You too ha? Mag-iingat ka." Sagot ko.
Ngumiti ito na tumango habang nagmamaneho. Inihatid ako ni Kuya sa kumpanya ni Sir Daven. Pasado alassingko na rin ng hapon. Sana lang ay nandidito pa ito.
Pagpasok ko sa kumpanya ay may sumalubong sa aking lalake na naka-uniform ng katulad sa mga bodyguard ni Sir Daven.
"Ma'am Ruffa?" anito.
"Yes, Kuya?" tugon ko.
Bahagya pa itong yumuko sa akin na inakay akong palabas ng kumpanya.
"Kanina pa po kayo pinapahanap ni Sir Daven, Ma'am. Umuwi na po siya sa condo. Ihahatid ko na po kayo doon," magalang saad nito.
Inakay niya ako sa kotse na may tinawagan. "Sir, this is Joma, kasama ko na po si Ma'am Ruffa. Ihahatid ko na siya d'yan," wika nito.
Hindi na ako umimik na alam kong si Sir Daven ang kausap nito sa linya. Napahinga pa ito ng malalim na tila nakahinga ng maluwag.
"Let's go, Ma'am?" tanong nito na ikinatango ko.
"Sige po, Kuya."