Chapter 16

1623 Words
RUFFA: PAGDATING ko sa unit, naabutan ko si Sir Daven na palakad-lakad dito sa hallway sa tapat ng unit nito. Hindi ito mapakali na nakalarawan ang pag-aalala sa mga mata nito. Napahinto ito na malingunan akong bagong dating na. Napasuri pa ito sa kabuoan ko na malalaki ang hakbang na nilapitan ako. "Where have you've been?" pagalit nito na hinapit ako sa baywang at mahigpit na niyakap. Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang itong yakapin ako hanggang kusa din itong kumalas. May bahid ng lungkot ang mga mata nito na napatitig sa akin at alam kong alam nitong umiyak ako dahil sa pamumugto ng mga mata ko. Napahaplos ito sa pisngi ko na bakas ang lungkot at pag-aalala sa mga mata nito. "Saan ka galing? You have no idea how you made us worried," mababang saad nito. "Us? Bakit po, Sir? Kawalan po ba ako sa inyo? Ang dami niyo namang katulong. Kung sakali man at may nangyari sa aking masama, marami namang papalit sa akin. Hindi ako kawalan sa inyo," sagot ko na tinalikuran na ito. Sumunod naman ito na pinagbuksan ako ng pinto. "What's happening to you, baby? Bakit nagkakaganyan ka? Galit ka ba?" magkakasunod nitong tanong habang sinasabayan ang hakbang ko. "Hindi po ako galit, Sir. Bakit naman ako magagalit?" sagot ko. "Then why are you so cold to me?" pangungulit pa nito na sinundan ako dito sa sala at umupo sa tabi ko. Hindi ko siya sinagot. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ang katawan at puso ko sa mga nangyari sa maghapon. Gusto ko na lamang matulog ngayon. "I'm tired. Pwede bang magpahinga muna, Sir?" aniko. Napalunok ito na kitang nasaktan sa sinaad ko. Hindi ito nakaimik na marahang tumango. Humiga ako sa mahabang sofa. Isa lang naman kasi ang silid dito sa unit niya. At ayoko namang sa kama niya matulog. "Uhm, ayaw mo ba sa kama?" tanong nito. "Ayoko po. Hindi ako hihiga sa kama mo na napakarumi sa dami ng babaeng kinatalik mo at pinatulog doon," sagot ko. Hindi ito nakasagot. Hindi na rin ako umimik pa. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa kinikilos niya. Ibang-iba siya kapag kaming dalawa lang. Na pinaparamdam niya sa aking mahalaga ako sa kanya. Na gusto niya ako at mahal niya ako. Pero kapag nakaharap si Sir Luke, palagi nitong bukambibig ang kapatid ni Sir Luke. Na gustong-gusto niya ito. Hindi ko alam kung inaasar niya lang ang kaibigan niya. Pero hindi ba siya aware na masasaktan ako at magseselos na marinig mula sa kanya na may iba siyang babaeng nagugustuhan maliban sa akin? Lihim akong napangiti na napahinga ito ng malalim. Tumayo ito na pumasok sa silid. Ilang segundo lang ay bumalik din ito na kinumutan ako at hinagkan sa pisngi na nagtutulog-tulugan ako. NAGISING ako na maramdaman ang pagyugyog nito sa balikat ko. Naniningkit pa ang mga mata ko na napatingala ditong nakayuko sa akin na ginising ako. "Bakit po?" namamaos kong tanong na inalalayan akong maupo. "It's already ten o'clock in the evening. Uhm, let's have dinner first. Matulog ka na lang ulit mamaya. Kumakalam na kasi ang sikmura mo," saad nito na ikinalunok kong saktong kumalam ang tyan ko. Napahilamos ako ng palad sa mukha na sumunod na ditong nagtungo ng kusina. Nakapambahay na rin ito na lihim kong ikinangiti. "Nagluto kaya siya?" piping usal ko na makitang may nakahain ng pagkain sa mesa. "Imposible. Siya magluluto? Nagpa-deliver kamo." Uminom na muna ako ng tubig na damang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Tahimik naman itong binuksan ang mga pagkaing nakahain. Kumuha din ito ng dalawang plato at kubyertos na dinala sa mesa. Walang imikan sa aming dalawa na magkaharap na kumain. Siya pa ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Beef steak at buttered shrimps ang nakahain at masasabi kong napakasarap ng pagkakaluto nito. Napakalambot ng steak at lasang-lasa mo ang linamnam nito. May potato fries din at lettuce salad na inihanda ito. Napatitig ako dito na tahimik na kumakain. Hindi ko kasi napansin kanina na may pasa ito sa pisngi at pumutok din ang ibabang labi nito. Napalunok ako na parang kinurot sa puso na makitang may pasa ito. "Anong nangyari d'yan?" hindi ko na nakatiis na tanong. Saka lang ito nag-angat ng mukha na kiming ngumiti. "Sinuntok ng Kuya mo." Sagot nito. "Ha?" Napainom ito ng tubig na napatikhim. "I mean, sinapak ako ni Luke kanina. Ilang oras ka kasing nawawala at hindi namin alam kung saan ka nagpunta na lumabas ka ng kumpanya." Saad nito. Napalunok ako na napipilan sa sinaad nito. Kahit naman may kutob akong Si Sir Luke ang may kagagawan no'n ay hindi ko pa rin maiwasang makadama ng guilt. Nasaktan tuloy siya ng kaibigan dahil sa akin. Pero bakit? Ano naman kay Sir Luke kung umalis ako kanina? Bakit masyado yata siyang nagiging protective sa akin gayong kaibigan ko lang naman siya. "I'm sorry." Mababang saad ko na nag-iwas ng tingin dito. "It's okay. Hwag mo na lang ulit ulitin iyon." Kalmadong sagot nito na nagpatuloy na rin sa pagkain. "Ang alin?" "Ang bigla-bigla na lang umaalis. Kung galit ka, pwede mo naman akong sigawan. Sampalin, saktan. Magwala ka sa harapan ko. Ilabas mo ang galit o inis mo sa akin. Pero hwag na hwag kang aalis. Pwede ka kasing. . . mapahamak kapag umaalis ka na wala kang kasama." Wika nito na ikinapipi ko. Matapos naming kumain, ito na ang naghugas ng plato. Nagpaalam naman akong makikigamit ng banyo nito na ikinatango nito. Pagpasok ko sa silid nito, napapilig ako ng ulo na makitang. . . bago ang kamang nandidito. Napalunok ako na sinuri ang kama. Halatang bago nga. Natatandaan ko pa naman ang design ng headboard no'ng huli. Kaya nakakasiguro akong bago ang kama nito maging ang comforter at mga unan. Tumuloy ako ng banyo na naglinis ng katawan. Maya pa'y kumatok ito sa may pinto na ikinalunok kong bumilis ang t***k ng puso. Nagsuot ako ng roba nito bago pinagbuksan ito ng pinto. "Bakit po?" "Uhm," napakamot ito sa ulo na tila hindi alam ang sasabihin. "Can we. . . uhm--sleep together?" nahihirapang tanong nito. "Po?" Namula ito na hindi masalubong ang mga mata ko. "G-girlfriend kita, 'di ba? Kahit nagalit ka kanina sa hindi ko malamang dahilan, you're still my girl." Anito. Napasulyap ako sa kama nito na bago. "No worries, our bed is new. Pinatapon ko na 'yong luma. I'll buy a new condo for us. Para na rin. . . hindi ka mailang." Saad pa nito. Napakurap-kurap ako na napatingala ditong ngumiti kahit kita ang pag-aalangan sa mga mata nito. "Bakit mo ito ginagawa?" "Ang alin?" "Ito. Hindi mo naman kailangang gawin ang mga ito, Sir. Sinabi ko naman na. Manatili na lang po tayo bilang mag-amo. Ikaw ang boss, ako ang katulong." Saad ko na tinalikuran na ito. Humabol naman ito na yumapos sa baywang kong ikinasinghap ko na bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ako makakilos at makaimik na mahigpit ako nitong niyakap mula sa likuran. "You're killing me softly, Ruffa. Ano bang problema, baby? Maayos naman tayo kanina bago dumating si Luke ah," anito na bakas ang pagtatampo sa tono. Sumubsob pa ito sa balikat ko na mas niyakap ako. "Please, don't avoid me. Damn. Hindi ko na alam ang gagawin at dapat sabihin para hindi ka magalit. Para na akong mababaliw, Ruffa. Hwag mo naman akong paglaruan dahil alam mong. . . dahil alam mong mahal kita," nahihirapang anas nito na mas niyakap pa ako. "I love you, baby. I really do. Please, don't avoid me." Napalunok ako na nangilid ang luha sa pakiusap nito. Heto na naman kasi ang puso ko na umaasang totoo ang pinapakita at pinapadama nito ngayon na kaming dalawa na lamang. Pero pag nakaharap na naman si Sir Luke, panay na naman ang pagbukambibig nito sa kapatid ni Sir Luke. Kung gaano niya iyon kagusto. Napahinga ako ng malalim na kumalas na dito. "Matulog na po tayo, Sir." "Magtabi tayo ha?" paglalambing pa nito na hinawakan ang kamay ko. "Ayoko po. Sa sofa po ako, Sir. Dito ka sa silid mo." Sagot ko na binawi ang kamay ko ditong napalunok na kitang nasaktan sa sinaad ko. "Please, baby?" pakiusap pa nito na nangungusap ang mga mata. "Goodnight po, Sir." Tinalikuran ko na ito na lumabas ng silid nito. Laking pasalamat ko na hindi na ito sumunod sa akin. Nagtungo ako sa mahabang sofa dito sa sala at dito nahiga. Maya pa'y bumukas ang pinto na ikinalunok ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko na makitang nakabihis ito ng casual. Naka-pokerface na rin ito katulad ng nakasanayan na napakadilim ng anyo. Binundol ako ng kakaibang kaba at takot sa dibdib. Nawala na kasi ang maamo at maaliwalas na aura nito. Maski ang kanyang mga mata ay napakadilim at misteryoso muli. "S-saan ka pupunta?" utal kong tanong na hinarang ito. "It's none of your business. You're just my maid, right?" malamig nitong saad na ikinalunok kong napipilan. Nag-iwas ako ng tingin na binitawan ang kamay nitong hawak ko. Hindi naman na ito umimik pa na parang haring naglakad palabas ng unit. Namuo ang luha sa mga mata ko nang maiwan akong mag-isa ng unit nito. Nanghihina akong napaupo sa sahig na nakamata sa may pinto. Kanina pa nakaalis si Sir Daven pero heto at paulit-ulit pa ring nagri-replay sa utak ko ang sinaad nito. Hindi ba't ito naman ang gusto ko? Ang bumalik kami sa dati. Na amo ko siya at katulong niya ako. Ako ang nagsabi no'n sa kanya. Pero bakit ngayong sumang-ayon na siya. . . nasasaktan naman ako. Alam ko namang kaya niya akong palitan anumang oras. Pero bakit. . . ang sakit tanggapin na mapupunta na siya sa iba. "M-mahal ko na ba siya? M-mahal ko na siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD