Chapter 17

1915 Words
DAVEN: BAGSAK ang balikat ko na lumabas ng condo. It was the first time that I was rejected. Damn. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na kahit kinakastuguhan ko ang sarili ko ay hindi ko naman maawat ang puso ko. I am Daven Smith. What I want is what I've got. Pero dumating si Ruffa na kauna-unahang babaeng tumatanggi sa karisma ko. At the age of forty-five, ngayon ko lang naranasan ito. Ang mahulog sa isang babae. Akala ko, nahuhumaling lang ako sa kanya at alam kong malinis pa siya. But I was wrong. Habang napapalapit ako sa kanya. Unti-unti akong nahuhulog dito. At first I was just playing around. But then one day I woke up, I found myself thinking about her. For the first time, nakiusap ako sa isang babae. For the first time, naglambing ako at nag-effort para dito. But why she can't appreciate it? Akala ko we're okay now. Dahil tinugon niya ako kanina sa opisina at hinayaang halikan ko siya. Akala ko kami na. Pero nang dumating si Luke, bigla siyang nagbago. Nasapak pa tuloy ako ng gagong Payne na 'yon na hindi namin mahagilap ang kapatid nitong umalis. Akala ko ay nagpahangin lang ito sa rooftop. Pero nang tignan namin ang CCTV footage at mahigit isang oras na ay hindi pa rin ito bumabalik, napag-alaman naming lumabas siya ng kumpanya na tulala. Hindi ko naman maiaalis kay Luke na mag-alala sa kapatid niya. Dahil maging ako ay natakot na hindi ko siya mahagilap. For the first time ay nag-alala ako at nakadama ng takot para sa ibang tao. At 'yon si Ruffa. "Hey, Payne. I will be gone for a few days. Nandito sa condo ko si Ruffa. Ikaw na munang bahalang tumingin sa kanya dito." Saad ko habang kausap sa linya si Luke na tinawagan ko. "Why? Where are you going, dude?" nagtatakang tanong nito na ikinahilot ko sa sentido. "I have up coming clients from Russia, dude. Malaking pera ang dala nila para sa mafia. Hindi ko pwedeng palagpasin ito," sagot ko habang pababa ang elevator sa ground floor. Dinig kong napahinga ito ng malalim mula sa kabilang linya. "Do you need my help? You know that you can lean on me, dude. Magsabi ka lang." Napangiti ako sa sinaad nito. Kahit sinapak niya ako kanina at nainis siya sa akin sa pangungulit ko sa kapatid niya, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala para sa akin. "I'm fine, dude. Thanks. Si Ruffa ang alagaan mo. She needs you. Lalo na ngayon na ilang araw akong mawawala," sagot ko na lumabas na ng elevator. "Makakadalo ka naman sa birthday ko, right?" tanong pa nito. "Oo naman. I will be there." "What will I tell to her when she asks you?" tanong pa nito. "She won't look for me, dude. I'm pretty sure she'll be even happier that she won't be able to see me for a few days." Sagot ko na mapait na napangiting sumakay na ng black ducati ko. "Yeah. For sure." "Siraulo." Napahagikhik naman ito na ikinailing ko. "Sige na. Bye." "Bye, dude. Ingat. If you need my help, don't hesitate to call me, hmm?" "Yeah. Thanks, dude." Ibinaba ko na ang linya at nagsuot ng helmet. In-start ko na ang motor at pinaharurot palabas ng parking lot. TUMULOY ako sa abandoned warehouse na usapan namin ng mga kliyente ko mula Russia para magpalitan ng kargamento. Pagdating ko sa lugar, sinalubong ako ng mga tauhan ko sa pangunguna ni Estong. Ang kanang kamay ko sa mafia ko. "Boss, magandang gabi po!" sabay-sabay na pagbati ng mga itong ikinatango ko. "Kumusta dito?" tanong ko kay Estong na sinabayan akong pumasok ng warehouse. "Maayos naman, boss. Nasa loob na ang mga kliyente natin. Ikaw na lang ang hinihintay," pagbibigay-alam nito na ikinatango ko. "That's good. Nasuri niyo ba ang mga baril?" tanong ko pa habang papasok kami ng warehouse. "Yes, boss." Napatuwid ng tayo ang mga kliyente namin na malingunan akong parating. Sabay-sabay pang yumuko ang mga ito sa akin na ikinatango ko. Hindi naman na bago sa akin ang makipag negotiate sa mga banyaga. Pero kahit gano'n ay ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan. Dahil sa mundong ginagalawan namin ay hindi uso ang loyalty. Kahit maayos kaming mag-deal ay magkakatrayduran pa rin sa huli. Patalinuhan na lamang para manatili kang buhay. "Have you checked our products, Mr Miller?" tanong ko sa boss ng mga ito na umiling. "I trust you, Mr Smith. I know you're a good dealer." Sagot nito na ikinangiti ko. Sinenyasan naman nito ang mga tauhan na sumunod dito at magkakasunod na dinala sa harapan ko ang ilang attache case. Isa-isa nilang binuksan ang mga iyon na puno ng dollar. "You can check it, Mr Smith." Saad nito. Napanguso ako na isa-isang pinasadaan ng tingin ang nasa limang attache case sa harapan ko. Sa isang tingin pa lang ay masasabi ko na kung peke o totoong pera ang nasa harapan ko. Malakas ang kutob ko na may ibang magaganap ngayong gabi. Sinenyasan ko naman si Estong na kanang kamay ko na siyang sumuri sa pera. Habang sinusuri nito ang mga nasa ibabaw, pinapakiramdaman ko ang mga kaharap namin. Kita sa gilid ng mga mata ko ang pasimpleng paghahanda ng mga ito na ikinaalerto ko. "Boss, sabotage!" bulalas ni Estong! Mabilis kaming nakipag palitan ng putok sa mga ito. Ang iba ay dinampot ang mga storage kung saan nakasilid ang mga matataas na kalibre ng baril na tinda namin at dinala ito patakas. "Boss, umalis na kayo. Kaya na namin dito," wika ni Estong sa akin habang nakikipag palitan kami ng putok sa mga kalaban. "Hindi ko kayo iiwan, Estong. Isa pa, malaking pera ang mawawala sa atin kapag nakuha nila ang mga baril." Sagot ko na ikinailing nito. "Sige, boss. Tara." Sumusukong pagsang-ayon nito na ikinangisi ko. Sinundan namin ang mga may dala ng produkto namin na pumuslit dito sa likuran ng warehouse kasama ang boss nila. "Akin na 'yan," aniko kay Estong na kinuha ang sniper rifle nito na nakasukbit sa balikat nito. Pumwesto ako na isa-isang inasinta ang mga kalaban naming nasa ibaba namin. Isa-isang nagtumbaan ang mga ito hanggang sa ang boss na lang nila ang naiwan. Nagtaas ito ng kamay na binitawan ang baril nito. Lumapit kami ni Estong dito na bakas ang takot sa mga mata nito. "I thought you trust me, Mr Miller?" tanong ko na nagsindi ng sigarilyo ko habang palapit kami dito. Nakatutok naman ang baril ni Estong dito na mag-isa na lamang na naiwang buhay sa mga kasama. "I-I'm sorry, Mr Smith. Please, forgive me." Pakiusap nito na ikinailing ko. "I don't give a second chance, Mr Miller." Sagot ko na ikinalunok nitong namumutla sa takot. "Traitors deserve to die." Walang kakurap-kurap na kinalabit ko ang katilyo ng caliber ko na kinuha kay Estong na ipinutok sa ulo nito. MAG-UUMAGA na nang makarating kami sa headquarters namin ng mga tauhan ko. Dito na muna ako tumuloy at marami pa kaming kailangang asikasuhin sa mga pasugalan ko. Illegal ang mga pasugalan ko at mga binibenta naming baril kaya double ingat kami sa kilos at mainit kami sa mata ng batas. "Boss, coffee?" alok ni Estong na inihatid ako sa opisina ko dito sa headquarters. "I'm fine, Estong. Ihanda mo ang mga tauhan nating isasama natin sa Isla. Maaga tayong aalis mamaya," saad ko dito na tumangong yumuko. "Sige po, boss. Tawagan niyo lang po ako. Nasa baba lang po kami," sagot nito na ikinatango ko. Dinampot ko ang isang bote ng whiskey na dinala sa swivel chair ko. Binuksan ko ito na tinungga sa bote. Napatitig ako sa kamay kong may bahid pa ng dugo mula kay Mr Miller na malapitan kong pinasabog ang bungo. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nakalipas. It's been twenty years since that happened. The first time I killed people on my own hands. Ang mag-asawang. . . Jacinto at Trina Brionez. Flashback twenty years ago. "SIGURADO ba kayo sa information?" tanong ni Luke sa tauhan nito. "Yes, Sir. Nahanap na namin ang mag-asawang may hawak sa kapatid niyo. Nasa bakasyon sila ngayon sa probinsya ng Zambales. Kasama nila si ma'am Ruffa." Sagot nito. "Daven, what should I do? Kailangan ako nila Mommy sa hospital. But I need to save my sister." Baling nito sa akin. "Leave it to me, Luke. Ako nang bahalang magligtas sa kapatid mo," sagot ko na ikinahinga nito ng maluwag. "Are you sure, dude?" "Yup. Puntahan mo na sina Tita." Sagot ko. "Kill them, Daven. Save my younger sister," pakiusap pa nito na ikinatango ko. "I will, dude." Pinuntahan namin ng mga tauhan ni Daddy Devon ang bahay kung saan tumuloy ang mag-asawang Brionez. Dating magkaibigan ang pamilya nila Luke at Jacinto Brionez. Pero isang araw, trinaydor nila ang pamilya nila Luke dahil sa pera. Tinangay din nila ang nakababatang kapatid nitong babae na siyang ginagamit na panangga ni Mr Jacinto para hindi siya magalaw ng pamilya Payne. Sa dami ng kalaban nila sa negosyo, si Ruffa ang pinalabas nilang anak nila para maprotektahan ang totoong anak nila laban sa mga kalaban nila. Maraming illegal na gawain si Mr Jacinto katulad na lamang ng mga planta nito sa paggawa ng bawal na gamot. Kung kaya ingat na ingat ito sa bawat kilos. Baguhan pa lang ako sa larangan ng mafia. Ako, si Luke at ang isa ko pang matalik na kaibigan. Si Delta Madrigal. Sabay-sabay naming pinasok ang madilim na mundo ng mga mafia. Nahahati kami sa tatlong grupo at kaming tatlo ang namumuno sa bawat grupo namin. Ito ang unang beses na may mission ako. At iyon ay ang tapusin na ang masasayang araw ni Jacinto at asawa nito at mabawi si Ruffa na ginagamit nilang panangga para hindi mapahamak ang totoong anak nila. Kabado pa ako dahil kahit marunong na ako sa paghawak ng baril at pakikipag laban, hindi pa naman ako pumapatay. Nang magkaharap na kami ni Mr Jacinto, inakala nito na ako ang Daddy. Dahil bukod sa magkamukha kami ni Daddy, masyadong madilim sa basement ng rest house para mapansin nitong mas bata ako kay Daddy. Kaya naman tinawag niya pa ako sa pangalang. . . . Devon. Nagtagumpay kami sa pagpaslang sa mag-asawa. Pero biguan kaming mahanap si Ruffa. Wala ito sa rest house na tinuluyan nila Mr Jacinto. Kung kaya lumala pa ang depression ni Tita na bigo kong naibalik ang anak nila. Hindi kami sumuko ni Luke. Pabalik-balik kami sa lugar kung saan huling namataan si Ruffa. Kahit malaki ang posibilidad na kasama si Ruffa sa sumabog na bahay, hindi nawalan ng pag-asa si Luke na buhay pa ito. Hanggang isang araw, nahanap nito ang nawawalang kapatid. Akala ko ay nagbibiro lang ito. Pero tama siya. Buhay pa nga ang kapatid nito. Na nasa pangangalaga ng anak ni Manang Josie. Ang mayordoma namin sa mansion. NAIILING na lamang akong tinungga ang bote ng whiskey na hawak ko na maalala ang unang araw na makita ko si Ruffa sa mansion. I thought she's a spy. Dahil bago lang siya sa paningin ko at hindi pa nakasuot ng uniform. Kaya nasungitan ko ito. Pero biglang dumating si Luke sa mansion na binatukan ako at pinaalam sa akin na hindi spy ang dalaga kundi iyon si Ruffa. Ang nakababatang kapatid niya na matagal na niyang sinusubaybayan. Natawa ako na maalala ang pagbabanta nito sa akin. Na hwag na hwag kong gagalawin ang kapatid nito kundi malilintikan ako sa kanya. Pero heto at. . . nahuhulog na nga ako sa kapatid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD