RUFFA:
MAGDAMAG akong naghintay kay Sir Daven kahit alam kong malabong uuwi ito. Hindi rin naman kasi ako dalawin ng antok na iniisip ito. Hindi ako mapakali. Kung ano-ano nang naiisip ko. Kung saan ito nagpunta at sinong mga kasama.
Para akong pinipiga sa puso ko sa kaisipang nagpunta ito ng Bar at may ibang babaeng kalandian na naman. Kahit walang kasiguraduhan ay iyon ang nagpaparamdam sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko. Kung hindi ako nagmatigas sa paglalambing niya sa akin kanina, hindi siya lumabas.
Napakadilim pa naman ng anyo niya kanina. Na naglahong parang bula ang makulit at malambing na Daven na nagustuhan ko. Bumalik na naman siya sa dati na nakakatakot ang itsura at mga mata nito.
Mataas na ang sikat ng araw nang makaidlip ako dito sa sala kakahintay kay Sir Daven. Sobrang nanlalata ang katawan ko na wala akong tulog sa magdamag. Hindi ko mapigilang tumulo ang luha na naiisip ito sa pagtulog ko at piping nagdarasal na sana. . . sana umuwi na ito.
DAYS passed. Walang Sir Daven ang umuwi ng condo. Ni hindi ito tumatawag dahil wala naman akong cellphone at naiwan sa mansion. Nandito naman sa labas ng unit ang apat na bodyguard nito. Nagbabantay sa akin kaya hindi ako makaalis-alis ng condo.
Isang umaga. Habang abala ako sa paglalaba ng mga maruming damit namin ni Sir Daven dito sa laundry room ay narinig ko ang pag-beep ng pintuan. Hudyat na may nagi-enter ng passcode.
Napangiti ako na bumilis ang t***k ng puso sa kaisipang umuwi na si Sir Daven! Taranta akong lumabas ng laundry room na hindi alintana kahit puro sabon na ang kamay ko at basa na rin ang short at damit ko.
"Sir Daven--"
Natigilan ako na unti-unting napalis ang ngiti ko na makita ang bagong dating. Si Sir Luke. Napasuri pa ito sa kabuoan ko na naipilig ang ulo.
"Hindi pa umuuwi si Daven?" tanong nito na lumapit.
"Kayo pala, Sir Luke. Hindi pa po nakakabalik si Sir Daven eh." Sagot ko na pilit ngumiti dito.
"Are you busy?" tanong nito.
"Uhm, hindi naman po masyado, Sir Luke. Naglalaba po kasi ako pero 'yon lang naman ang gagawin ko ngayong araw," sagot ko na ikinatango nito.
"Tulungan na kita para matapos ka na."
"Ha? Hwag na po, Sir. Nakakahiya."
"No, I insist."
Hindi na ako nakaangal nang naghubad ito ng polo at sapatos na nagtungo sa laundry room. Sumunod ako dito na napangiting seryoso nga siya.
"Marunong po ba kayo, Sir?" tanong ko na tinulungan itong magkusot ng mga damit namin ni Sir Daven.
Halos puti kasi lahat ng long sleeve polo ni Sir Daven kaya kinukusot ko ito nang mabuti.
"Oo naman, Ruffa. My Mom teach me when I was young." Sagot nito na ikinangiti ko.
"Holy fvck! Pati ang mga ito?" bulalas nito na madakma sa loob ng basin ang ilang underwear ni Sir Daven na kulay puti din.
Nag-init ang mukha ko na napalapat ng labi na mapatitig ito sa akin na namimilog ang mga mata.
"Uhm, hindi naman po pwedeng hindi ko labhan ang mga iyan, Sir." Nahihiyang sagot ko.
Napapikit ito na ilang beses huminga ng malalim na tila kinakalma ang sarili.
"Damn. I can't believe this. Hwag mo ngang kusutin ang mga brief niya. Itapon mo na lang."
"Po? Hindi pwede, Sir."
"Haist. Pasaway ka rin eh." Ingos nito na naiiling na mabilis kinusot ang mga brief ni Sir Daven para hindi na ako ang magkusot ng mga iyon.
Nangingiti ako habang magkatulong kami ni Sir Luke na naglaba hanggang sa pagsasampay. Hindi ko alam pero, hindi naman ako naiilang sa kanya kahit dalawa lang kaming nandidito sa loob ng condo.
Matapos naming maglaba, naghanda ito ng meryenda namin. Pinaligo naman na niya ako dahil lalabas daw kami. Hindi na ako umangal dahil nababagot na rin naman ako dito sa unit na mag-isa lang ako. Ni wala akong ibang makausap. Wala naman akong pera at cellphone na magagamit kaya nakakulong lang ako dito.
Kapag wala na akong gagawin, manonood ako ng TV o kaya ay matutulog. Hindi kasi ako nakakatulog sa gabi na hinihintay ang pagdating ni Sir Daven. Pero heto at umabot na ng apat na araw ay wala pa rin ito. Naiinis na nga ako na hindi manlang niya iniisip na naghihintay ako sa pagdating niya.
Simpleng jeans at black blouse lang ang suot ko na lumabas ng silid. Wala din naman kasi akong masyadong gamit dito at maski lipgloss ay wala akong dala. Napanguso pa itong napasuri sa kabuoan ko na kalauna'y napangiti.
"You're still beautiful even you're only wearing simple clothes and no make-up, sweetheart." Saad nito na ikinangiti ko.
"Hindi po ba nakakahiya, Sir?"
"Nah, of course not. Masaya akong kasama ka. At hindi kita kinakahiya, Ruffa." Sagot nito na inakay na ako palabas ng unit.
Napangiti ako na yumapos sa baywang nito habang nakaakbay naman ito sa akin.
"Saan po tayo pupunta, Sir?"
"Uhm, ikaw. Saan mo gustong pumunta?" balik tanong naman nito.
Napakamot ako sa ulo. Wala naman akong ibang maisip na mapuntahan.
"Wala po akong maisip eh. Bago lang po kasi ako dito sa Manila, Sir." Sagot ko.
Napanguso naman ito na nanatiling nakaakbay sa akin. Pagdating namin sa ground floor, inakay ako nito sa kinaroroonan ng kotse nito.
"Gusto mo ba sa mall? Bukas na kasi ang birthday ko eh. May maisusuot ka na ba?" anito.
"Uhm, wala pa po, Sir. Nakakahiya nga pong dumalo sa birthday mo eh. Bukod sa wala akong regalo sa'yo, tingin ko ay hindi ako nababagay doon." Sagot ko dito.
Inalalayan pa ako nitong makaupo ng kotse nito at marahang isinarado ang pinto. Umikot ito sa harapan na sumakay sa driver side at nagsuot ng seatbelt.
"Don't say that, sweetheart. You are the most important visitor for me tomorrow. Kahit iyon na lang ang regalo mo sa akin. Kapag dumating ka bukas sa birthday ko? I will be the happiest birthday celebrant tomorrow."
Pilit akong ngumiti sa sinaad nito. Kita at ramdam ko namang sincere ito sa sinaad nito. Magaang kausap si Sir Luke at dama mong hindi ka niya niloloko. Masaya siyang kausap at hindi presko. Nakakahawa din ang mga ngiti nitong kay tingkad at ang maaliwalas nitong aura.
"Sige po, Sir. Kung 'yan ang gusto mo." Sagot ko.
TUMULOY kami sa malapit na mall. Lihim akong napapangiti na hawak-hawak pa nito ang kamay ko kahit pinagtitinginan kami ng mga tao. Nakapalibot naman sa amin ang mga bodyguard nito na pino-protektahan kami.
Tumuloy kami sa women's store section ng mall. Kaagad naman kaming sinalubong ng manager at ilang staff para iassist kami ni Sir Luke.
"Sweetheart, get all the clothes you want. Don't worry about the price, okay?" saad nito na ikinatango ko.
Naupo ito sa sofa na dumampot ng magazine na binabasa habang namimili naman ako ng mga damit. Naiilang ako damit ang gaganda ng mga damit dito at kay mamahal ng presyo. Maganda ang tela, malambot at comfortable sa balat. Pero ginto naman ang presyo sa mahal ng mga ito.
"Ma'am, do you need help?" tanong ng manager sa akin. "Kami na lang po ang pipili ng babagay sa inyo," magalang saad nito.
"O-okay lang po ba? Hindi po kasi talaga ako makapili," sagot ko na ikinangiti ng mga ito.
"Of course, Ma'am. We got you." Kindat pa nito na ikinangiti ko.
Pumili ang mga ito ng mga dress na iba-iba ang kulay at disenyo. May turtleneck, sleeveless at strapless. Abot din hanggang tuhod ko ang manggas ang mga pinili nila at hindi masyadong revealing.
"Ang dami naman yata?" wika ko.
"Hindi po, Ma'am. Sakto lang 'yan. Subukan niyo pong isukat sa fitting room kung kasya sa size niyo. May mga size naman po tayo sa mga damit dito para makuha natin ang kasya sa'yo," saad ng manager na ikinatango ko.
Nilingon ko si Sir Luke na napangiting tinanguhan akong nginitian ko. Pumasok ako ng fitting room dala ang mga dress na pinili nila para sa akin. Nalulula pa ako sa presyo ng mga ito pero aminado naman akong masaya ako at excited isuot ang mga ito.
Una kong dinampot ang purple strapless silky dress na may ribbon pa sa baywang nito. Slim naman ang pangangatawan ko kaya hindi mahirap isuot ang mga ito na kasyang-kasya sa akin.
Napangiti ako na pinakatitigan ang repleksyon ko sa salamin. Bagay naman sa akin ang dress. Lumitaw ang kurba ng katawan ko maski ang malusog kong hinaharap ay bumakat. Nasisilip ang cleavage ko pero hindi naman masyadong naka-reveal.
Binuksan ko ang pinto nang kumatok si Sir Luke na napaawang pa ang labi na mapasadaan ang kabuoan ko.
"Sir, tingin mo po?" tanong ko.
"Perfect! It suits you, sweetheart." Sagot nito na bakas ang kamanghaan sa mga mata.
"Talaga po?"
"Aha."
Napangiti ako na kumuha ng iba. Hinawi naman nito ang kurtina na hinayaan akong magsukat ng iba pang damit. Lahat ng damit na isinukat ko ay sinusuri nito kung bagay sa akin. Lihim akong napangiti na binayaran nito lahat ng damit na isinukat ko.
Maging sandals, bags at makeup kit ay binilhan ako nito. Hindi naman ako makatanggi na ito ang nasusunod.
"Are you hungry?" tanong nito na napasulyap sa wristwatch nito at pasado alasdose na ng tanghali.
"Medyo, Sir."
"Tara, kumain na muna tayo." Saad nito na inakbayan akong hinila sa nadaanan naming restaurant.
Lihim akong napangiti na sinenyasan din nito ang mga bodyguard namin na kumain na rin. Hindi man sila nakisalo sa mesa namin, dito naman sila kumain sa restaurant kung saan kumain ang amo nila.
Habang kumakain kami ay naalala ko na naman si Sir Daven na ilang araw ng hindi nagpaparamdam.
"Uhm, Sir?"
Napatingin ito sa akin na nagtatanong ang mga mata.
"Uhm. . . alam niyo po ba kung nasaan si. . . si Sir D-Daven?" nahihiyang tanong ko.
Nag-iinit ang mukha ko na hindi masalubong ang mga mata nito na sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito.
"Bakit mo siya hinahanap? Don't tell me namimis mo na ang kumag na 'yon?" tanong nito na lalong ikinainit ng mukha ko.
"Hindi naman po sa gano'n, Sir. Ilang araw na din po kasing hindi siya umuuwi. Mag-isa lang ako sa condo niya kaya nababagot ako." Sagot ko.
Napanguso naman ito na napatango. "Busy iyon. Sa babae niya."
"Po?"
Natawa ito sa naging reaction ko. Kahit naman may duda na akong nasa ibang pugad na naman si Sir Daven, hindi ko pa rin maiwasang masaktan na malamang abala nga ito sa ibang babae niya.
"Tsk. Babaero talaga." Bubulong-bulong kong ismid na ikinahagikhik nitong tila narinig ang sinabi ko.
"Hwag kang magkakagusto sa kumag na 'yon ha? May iba akong kaibigan na tiyak kong magkakagustuhan kayo. Mas gwapo, mas matino at mas bata kaysa sa Daven na 'yon. Okay?" anito na ikinangiwi ko.
"Ayoko po sa iba, Sir." Wala sa sariling sagot ko na ikinakurap-kurap nito.
"What? So, are you saying me that. . . you're falling in love with that monkey?"
"Po?"