RUFFA:
MAGDIDILIM na nang bumalik kami ni Sir Luke sa unit. Namasyal din muna kasi kami sa mall matapos naming kumain. Napasarap ang paglalaro naming dalawa sa arcade games at nanood din ng sine kaya hindi na namin namalayan ang oras.
"Okay ka lang ba dito?" tanong nito matapos dalhin ang mga damit ko sa silid.
"Okay lang po, Sir. Saka. . . nand'yan naman po sa labas ang ilang bodyguard ni Sir Daven eh. Kaya wala po kayong dapat ipag-alala." Sagot ko.
Lumamlam ang mga mata nito na hinaplos ako sa ulo. Hindi ko alam pero, may lungkot sa mga mata nito habang matiim na nakatitig sa akin.
"You're coming home soon, sweetheart. For now, dito ka na muna kay Daven. Ayoko sanang nandidito ka eh. Kasi si Daven ang kasama mo. Pero kilala ko din naman ang isang iyon. Oo, gago siya at maloko pero, nakakasiguro naman akong hindi ka niya pababayaan. Ligtas ka sa tabi niya," saad nito na tila may malalim itong ibig ipahiwatig.
Pilit akong ngumiti na humawak sa kamay nitong sumapo sa pisngi ko.
"Hindi po ako lalabas ng unit, Sir Luke. Dito lang po ako. Kaya wala kayong dapat ipag-alala." Sagot ko ditong napangiti.
"That's good to hear, sweetheart. It's a relief for me."
Napangiti ako na humalik pa ito sa noo ko at magaan akong niyakap.
"Anyway, I bought you something," anito na may hinugot sa bulsa.
Napakurap-kurap ako na makita ang cellphone na iniabot nito sa akin.
"Binili ko kanina. I already saved my number on your contact just in case you need my help or need someone to talk. You can call or text me anytime. May simcard at load na rin iyan," nakangiting saad nito.
Napalabi ako na nangilid ang luhang niyakap ito.
"Salamat po, Sir Luke. Naiwan ko po kasi ang cellphone ko sa mansion eh."
"You're welcome, sweetheart." wika nito na ikinangiti ko. "I'll pick you up here tomorrow, okay? Mommy and Daddy are excited to see you." Dagdag nito na hinagkan ako sa ulo.
"Sige po, Sir. Excited din po akong makilala ang mga magulang mo." Sagot ko.
"Really?"
Napangiti ako na makitang nagniningning ang mga mata nito sa sinaad ko. Napalapat ako ng labi na marahang tumango ditong napalapad ang ngiting muli akong niyakap.
"Sige na, it's getting late. Magpahinga ka na ha?"
"Sige po, Sir. Mag-iingat po kayo."
"I will, sweetheart. Thanks. Goodnight." Sagot nito na hinaplos ako sa ulo.
"Goodnight din po, Sir Luke. At salamat ulit sa araw na ito."
Tumango ito na inakbayan akong inihatid ko sa may pinto. Nang makalabas na ito, ini-lock kong muli ang pinto at pumasok na sa silid ni Sir Daven.
Inayos ko sa bakanteng closet nito ang mga gamit kong pinamili namin ni Sir Luke kanina bago nagtungo ng banyo at naglinis ng katawan. Kumain naman na kami kanina ni Sir Luke sa labas ng hapunan kaya matutulog na lang ako.
Pagkahiga ko ng kama ay naaalala ko na naman si Sir Daven na ikinamigat ng dibdib ko. Napadantay ako ng braso sa noo na namuo ang luha sa mga mata kong nakapikit.
"Nakakainis ka talaga. Pinalitan mo nga ng bago ang kama mo, hindi ka naman umuuwi. Mabuti sana kung nasa mansion ako ng hindi naman ako mukhang tanga dito na naghihintay ng pag-uwi mo." Inis kong bulong na sunod-sunod tumulo ang butil-butil kong luha.
Naiinis ako na hindi manlang niya maisip na mag-isa ako dito. Na naghihintay ako ng pag-uwi niya. Ilang minuto akong umiyak hanggang gumaan ang bigat sa dibdib ko at nakalma ang sarili.
Nagpahid ako ng luha na pilit winawaglit sa isipan si Sir Daven. Inabot ko na lamang ang bagong biling cellphone ni Sir Luke sa akin.
"Monkey?" usal ko na mabasang may isa pang number ang naka-save sa contact list ko.
Wala sa sariling tinawagan ko ito at halos tumalon palabas ng ribcage nito ang puso ko na marinig na sumagot ang pamilyar na boses!
"Yes, hello?" anito.
Bumilis ang t***k ng puso ko at biglang nagising ang diwa ko na marinig ang boses nito.
"Hello? Who's this?" tanong pa nito.
"Hey, Daven. Hurry up."
Nanigas ako sa kinauupuan na marinig ang isang malanding boses mula sa kabilang linya.
"Tss. I'm coming, Roselle. Can't wait?" natatawang saad pa nito.
Napalunok ako na marinig na may iba pa silang kasama doon na nagkakatuwaan.
"Hello? Sino ito?" muling tanong nito na ikinababa ko ng linya.
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko na makumpirmang nasa babae niya nga ito. At tiyak na panibago na naman ang babae nito ngayon.
"Mahal mo ako? Mahal mo ako pero lumalandi ka na naman sa iba habang nandidito akong naghihintay sa'yo!" sigaw ko sa sobrang bwisit ko!
Sa inis ko ay napa-text ako dito na namura ito at ini-off na ang cellphone ko. Hindi ko mapigilang mapahagulhol na niyakap ang unan sa sobrang sama ng loob ko.
DAVEN:
PAUWI na ako ng unit dahil kababalik ko lang ng Manila mula sa Isla nang tumawag ang kaibigan kong si Delta. Nag-aya itong sumama ako sa party ng inaanak namin kaya sumama na ako.
Pagdating ko sa resort, nandidito na ang mga ito. Nakangisi pa sina Delta Madrigal at Chloe Montereal na mga matalik kong kaibigan mula pagkabata na dumating ako.
"How's life, dude? Mukhang enjoy na enjoy ka sa buhay single mo ah?" tudyo ni Chloe sa akin na magkasunod silang nakipag-fist bump sa akin ni Delta.
Palibhasa ay may kanya-kanya na silang pamilya. Apat kaming magkakaibigan. Pero si Chloe lang ang hindi pinasok ang mundo ng mafia at maaga itong nag-asawa. Napangasawa nito ang isang kapatid ni Delta na naging kaibigan ko na rin noon, si Roselle. Habang ang nakababatang kapatid ko namang si Jenelyn, napangasawa nito ang nakababatang kapatid ni Delta na si Noah. Kaya naman hindi lang kami basta matalik na magkakaibigan. Dahil konektado ang pamilya namin sa isa't-isa. At ngayon ay kami naman ni Luke.
Kahit tinatanggi niya na ayaw niya akong maging brother in law, alam ko naman na mapapapayag ko rin ito lalo na kapag nagpakasal na sa akin si Ruffa.
"Tss. Baka magulat na lang kayo isang araw, may asawa na ako." Ingos ko sa mga itong nagkatinginan pa na napangising bumaling sa akin.
"Really? Sino naman itong kawawang babae na papatol sa tanders na Smith?" tudyo ni Delta sa aking pabiro kong nasuntok sa tyan na natawang napadaing.
"Gago. Para namang hindi bata 'yong asawa mo. Eh mukhang tinakot mo lang si Yumi para pakasalanan ka eh. Mukha nga kayong mag-lolo eh." Banat kong ikinamilog ng mga mata nito habang si Chloe ay napahagalpak ng tawa.
"Gago, sobra ka naman. 'Yong mag-ama, pwede pa. Pero mag-lolo? Sobra ka naman." Ingos nitong ikinahagikhik namin ni Chloe na nag-apiran.
Hindi masyadong nakakasama si Chloe sa mga lakad namin nila Delta at Luke. Dahil abala ito sa mag-iina niya at nakatutok din siya sa kumpanyang pinamumunuan nito. Kaya naman hindi nakapag tatakang kabilang ang kumpanya nila sa mga nangunguna sa bansa. Sa aming apat na magkakaibigan, masasabi kong ang pamilya nila Chloe at Delta ang mas tanyag at kilala ng publiko kumpara sa amin ni Luke. Pumapangalawa lang kami sa yaman at kasikatan ng pamilya Montereal at Madrigal.
Napatuwid kami ng tayo na lumapit na sina Yumi at Roselle sa amin na dala pa ang mga bunso nila.
"Daven. Mabuti naman at nagpakita ka." Ani Roselle na yumakap at beso sa akin.
Kasunod nito si Yumi na nahihiyang bumeso din sa akin. Nagmano naman ang mga anak nila sa akin na ikinangiti kong hinaplos ang mga ito sa ulo at hinagkan.
"Pauwi na nga dapat eh." Sagot ko dito na napanguso.
"Daddy." Pagtawag ng mga bata sa kanilang ama na nagpakarga.
Kinarga naman nila Delta at Chloe ang mga ito na sumenyas na pumasok na kami ng resort. Inakay na rin ni Delta ang asawa nito na ikinailing kong inakbayan niya ito. Para kasi silang mag-ama na napakabata ni Yumi. Idagdag pang may kaliitan itong babae na hanggang kili-kili lang ni Delta.
"Kumusta ka na, Daven?" ani Roselle na kasabay kong pumasok ng resort.
"I'm good. Eh kayo ni Chloe? Tuluyan na bang tumino ang Montereal na 'yon?" tanong ko na ikinangiti nito.
"Aha. And I'm very happy that he proved himself to me." Sagot nito. "Pero maiba tayo, mag-aasawa ka na nga?" tanong pa nito.
Napakamot ako sa batok na alanganing ngumiti.
"Oo sana eh."
"Oo sana? What do you mean?" naguguluhang tanong nito.
"Hindi pa kasi sigurado. I mean, hindi ko pa siya natatanong ng tungkol doon at bago pa ang relasyon namin. Idagdag pang mukhang hindi pa siya sigurado sa relasyong meron kami. Mukhang hindi pa siya handang. . . magtiwala sa akin ng buo." Pagkukwento kong ikinatango-tango naman nito.
"Pero mahal mo?"
"Sobra."
Napangiti ito na tinapik ako sa balikat. "She's so lucky to have you, Daven. I'm pretty sure, you're going to be one of the best husband for her." Saad pa nito.
"Salamat, Roselle."
Napahinto ako na mag-vibrate ang cellphone ko at nakakunotnoong mabasang new number ang caller. Hindi naman nagkalat ang number ko kaya sinagot ko ito at baka importante.
"Yes, hello?"
Hindi ito sumagot na lalong ikinasalubong ng mga kilay ko. Hindi ko alam pero bumilis ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay itong sumagot.
"Hello?" untag ko pa na napakatahimik naman nito sa kabilang linya. "Hello? Who's this?"
"Hey, Daven, hurry up!" pagtawag ni Roselle sa akin na hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan at hinihintay sumagot ang caller.
"I'm coming, Roselle. Can't wait?" natatawang sagot ko na humakbang na palapit ditong hinihintay ako.
"Hello? Sino ito?" muling tanong ko sa caller pero ibinaba na nito ang linya.
"Who called you? Importante ba?" tanong nito na ikinailing ko.
"Wala. Mukhang wrong number ang tinawagan. Let's go." Sagot ko na inakbayan na ito pero nag-text ang unknown number na binasa ko.
"Bwisit ka talaga! Hwag ka nang magpapakita sa akin! D'yan ka na lang sa babae mo. Magsama kayong dalawa!" galit nitong text.
Napapilig ako ng ulo na iniisip kung sino ito at bakit gan'to siya magsalita sa akin. Wala pa namang nangangahas na pagsalitaan ako ng gan'to, maliban sa isa. Si Ruffa.
"Fvck!" bulalas ko na bumilis ang t***k ng puso!
Tinawagan ko ito pero bigo lang ako na unattended na ang number nito.