Chapter 20

1829 Words
RUFFA: MAGHAPON akong nakahilata sa kama. Wala din naman akong gagawin ngayong araw. Malinis at maayos ang buong unit. Nakapaglaba na rin ako at bagong palit din ang mga kurtina, carpet at kumot. Mamayang hapon pa ako susunduin ni Sir Luke para sa birthday party nito na magaganap sa mansion nila. Kabado ako at excited para mamaya. Hindi ko alam pero nasasabik akong makilala ang pamilya ni Sir Luke. Gusto ko ring makita ang kapatid niya. Ang babaeng gustong-gusto ni Sir Daven. Kung gaano ito kaganda at sexy. Napahinga ako ng malalim na napatitig sa cellphone kong naka-off. In-on ko na ito at tanghali na. Baka mamaya ay tawagan ako ni Sir Luke ay hindi niya ako ma-contact. Napanguso ako na maalala na naman si Sir Daven. Kung bakit kasi tinawagan ko pa eh. Kahit alam ko namang nasa ibang babae na naman siya, na kinumpirma din ni Sir Luke. May bahagi pa rin sa puso ko ang umaasa na hindi iyon totoo. Na naging abala lang siya sa trabaho. Kaya hindi siya umuuwi ng apat na araw. Pero kagabi? Para akong pinagsakluban ng langit at lupa na marinig mismo na may kasama siyang ibang babae at mukhang masayang-masaya pa nga ito. "Wala akong halaga sa kanya. Dahil kung totoong may gusto siya sa akin? Hindi niya hahayaang masaktan ako ng gan'to," usal ko na nakamata sa cellphone number nito. Namuo ang luha sa mga mata ko na unti-unting namigat ang dibdib sa mga naiisip. Pinapaasa niya lang ako. Dahil ba isa lang akong katulong at probinsyana ay pinapaikot-ikot na niya ako sa palad niya? Gano'n ba ako kababa sa paningin niya? Ano bang tingin niya sa akin, tanga? "I hate you. Hindi na kita gusto," ingos ko na sa inis ay in-blocked ko ang cellphone number nito sa akin. Bumangon na ako at nagtungo sa kusina. Kumakalam na rin kasi ang tyan ko na kaninang umaga pa walang laman. Tinatamad kasi akong bumangon kaya kahit kumain ay hindi ko ginawa. Nakahilata lang ako sa kama na parang pagod na pagod ang katawan. Nagtimpla lang ako ng gatas at gumawa ng sandwich na siyang kakainin ko. Tinatamad akong magluto kaya ito na lang ang kakainin ko. Hindi ko alam pero sobrang tamlay ko ngayon kahit pinipilit kong kumilos. Matapos kong kumain ay naglinis na ako ng katawan. Pasado alassingko na rin kasi ng hapon at sabi ni Sir Luke, by six o'clock pm ay nandito na siya para sunduin ako. Napahinga ako ng malalim na nakatulala habang nakababad sa bathtub. Napag-isip-isip ko na rin na bumalik na ng mansion pagkatapos ng party ni Sir Luke. Sa mansion na lang ako magpapahatid sa kanya mamaya. Mas gusto ko naman doon at kahit paano, nandoon si Lola at mga kasama kong katulong. Hindi ako mababagot at 'di hamak namang mas maganda sa mansion. May garden at pool na pwede naming tambayan kapag wala na kaming gagawin. May mga kasama akong pwede kong kakwentuhan kapag natapos na ang trabaho. Hindi katulad dito na para akong nakakulong. Ni walang ibang makausap lalo na ngayon na ilang araw ng hindi umuuwi si Sir Daven. Inabot ako ng thirty minutes na nakababad sa bathtub bago lumabas ng banyo na nakasuot lang ng roba. "Sir Luke?" bulalas ko na mabungaran itong nandito sa loob ng silid. "There you are. I've been calling you but your number is unattended. Are you okay?" nag-aalalang tanong nito na napasuri pa sa kabuoan ko. Napangiwi ako na nagkamot sa kilay. "Okay lang po, Sir Luke. In-off ko po kasi kagabi ang cellphone ko sa inis ko. Pasensiya na po," sagot ko. Nagsalubong naman ang mga kilay nito na naipilig pa ang ulo. "Nainis ka? Bakit? Ako lang naman ang nakasama mo kahapon. You mean, nainis ka sa akin?" tanong nito na ikinalapat ko ng labing nag-init ang pisngi. "Hindi po sa gano'n, Sir. Hindi po kayo." Sagot ko na ikinapilig nito ng ulo. "If it's not me? Then who? Oh, si monkey, right?" anito na mukhang nahinulaan ang dahilan. Nag-iwas ako ng tingin dito na napangising tila nakahinga ng maluwag. Hinaplos pa ako nito sa ulo na ikinanguso ko. "Don't fall in love with that monkey, ha? Ayoko sa kanya. Hwag na siya. Marami pa d'yang iba. Ang tanda-tanda na kaya niya para sa'yo," anito na niyakap akong napalapat ng labing nagsumiksik sa dibdib nito. Hinagod-hagod pa niya ako sa likuran bago kumalas na may ngiti sa mga labi. "Let's go, nasa labas ang make-up artist na mag-aayos sa'yo," wika nito na ikinangiti ko. "Salamat po, Sir Luke, at. . . happy birthday po." Saad ko na napatingkayad at hinagkan ito sa pisngi na napangiting nagningning ang mga mata. "Thank you, sweetheart. You have no idea how happy I am right now that you are here now. . . with us." Sagot nito na inakbayan akong hinagkan sa ulo habang palabas kami ng silid. May dalawang babae akong naabutan dito sa sala na napatayo na makita kami ni Sir Luke. Bumati at yumuko pa ang mga ito sa amin bago ako inasikaso. Matyaga namang naghintay si Sir Luke sa gilid habang inaayusan ako ng dalawang babae. Hindi ko mapigilang ma-excite sa itsura ko. Kabado ako dahil ito pa lang ang unang beses na mag-aayos ako ng gan'to. Baka mamaya ay hindi bumagay sa akin ang mag-make-up. "We're done. Tulungan na lang po namin kayong isuot ang damit niyo, Ma'am. Para hindi masira ang pagkakaayos ng buhok niyo," saad ng isa na ikinangiti ko. Napalingon ako sa gawi ni Sir Luke at kitang may kausap ito sa cellphone. Nakatalikod ito sa amin na nakaharap sa glass wall kaya naman pumasok na kami ng silid para makapagbihis na ako. Isang maroon strapless silky dress ang isinuot ko na pinaresan ng black stilleto. Naiilang pa ako at backless ito pero kitang bumagay naman sa akin lalo na at naka-make-up ako ngayon. Kinulot din ang mahaba kong buhok na nakalugay na lalo kong ikinaganda. "Let's go, Ma'am?" "Bagay ba talaga sa akin? Parang hindi naman," nakangiwing tanong ko na ikinangiti ng mga ito. "Bagay na bagay po, Ma'am. Lalo nga po kayong gumanda eh." Sagot ng isa na sinang-ayunan ng kasama nito. "Oo nga naman, Ma'am. Napakaganda niyo po. Tiyak na mapapalingon ang lahat sa inyo mamaya sa party," saad ng isa na ikinangiti ko. Kahit paano ay gumaan ang kaba ko sa pagpapalakas loob ng mga ito sa akin. "Ngumiti ka lang po, Ma'am. Mas gumaganda po kayo na nakangiti kayo eh." "Salamat." Sagot ko na nagpatianod na sa mga itong inakay ako palabas ng silid. Sakto namang tapos na si Sir Luke sa makipag-usap na napalingon sa amin at natigilan pang mapatitig sa akin. Bakas ang kamanghaan sa mga mata nito na walang kakurap-kurap na lumapit sa akin. "Okay lang po ba, Sir?" tanong ko na ikinakurap-kurap nito. "Woah. Muntik na kitang hindi makilala, sweetheart. Akala ko tuloy ay ang younger version ng Mommy itong kaharap ko," bulalas nito na ikinangiti ko. Naglahad ito ng kamay na inabot ko. Sumunod naman sa amin ang dalawang make-up artist na isinama nito dito sa unit. Habang pababa kami ng ground floor, hindi ko maiwasang kabahan at ma-excite. Gusto ko sanang tanungin si Sir Luke kung makakadalo ba si Sir Daven sa party nito pero nanatili na lang akong tikom ang bibig. Sumakay kami ni Sir Luke sa nakaparadang white limousine nito. Namamangha ako na napagala ng tingin dito sa loob ng limou. Ito ang unang beses na makakita ako ng gan'to sa tanang buhay ko at nasakyan ko pa! "Sir, tayo lang po ang sasakay?" tanong ko na isinarado na ng driver ang pinto. "Aha." Anito. "Paano po 'yong dalawang kasama mo?" tanong ko pa. "May sarili silang masasakyan, sweetheart. Ang trabaho lang nila, ay ayusan ka ngayong gabi. Hindi sila dadalo sa party ko," sagot nito na ikinatango ko. Muli kaming natahimik habang patungo sa mansion nila. "Are you okay?" tanong nito na ikinatango ko. Pumasok ang sinasakyan namin sa isang exclusive subdivision na ikinabilis ng kabog ng dibdib ko! Para akong maiihi sa sobrang kaba habang palapit kami nang palapit sa kanilang tahanan. Hindi ko alam pero, hindi ko na maipaliwanag ang nadarama ko sa mga sandaling ito. Lalo na't kita kong maging si Sir Luke ay nasasabik at halatang excited ito sa pagdating namin. Napakapit ako sa kamay nito nang pumasok na ang sinasakyan namin sa isang white mansion. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang pinakamalaki at magarang mansion sa mga nadaanan namin. "Hey, relax, sweetheart. You're shaking," bulong nito na pinagsalinop ang mga daliri namin at marahang pinipisil-pisil ang kamay ko. "Pasensiya na po, Sir. Kinakabahan po kasi ako," pag-amin ko dito na napangiti. Inalalayan ako nitong makababa ng limou. Marami na ring bisita ang nandito na katulad namin ay bagong dating. "Welcome home, Ruffa." Bulong nito na inakay na ako papasok ng garden. Fully decorated na ang buong garden. Maayos ang pagkakahilera ng mga mesa at upuan dito na fully covered ng tablecloth. White and maroon pa ang tema na katerno ng suot namin ni Sir Luke. Maroon kasi ang dress ko habang ito ay naka-formal white tuxedo. Kabado man ay pinilit kong umaktong normal na nakamata sa amin ang lahat. Pumapalakpak na nakangiting binabati si Sir Luke. Ang iba ay nagbubulungan na tinatanong kung sino ako. "Come, sweetheart. I'll introduce you to our parents," bulong nito. Napapilig pa ako ng ulo na baka namali ako ng dinig dahil sa background music namin. Hindi na lamang ako umimik na nagpatianod dito. Napabuga ako ng hangin habang papalapit kami sa mag-asawang abala sa pag-entertain sa mga bisita. Bumilis ang kabog ng dibdib ko habang nakamata sa kanila na hindi kami napapansin at dim light ang ilaw dito sa garden. "Excuse me, Ma'am, Sir." Ani Sir Luke na ikinalingon ng mga kausap ng magulang nito sa amin. Ngumiti ang mga ito na bumati sa aming dalawa na sinuklian ng ngiti ni Sir Luke. Nang umalis na ang mga ito at kaming apat na lang ang naiwan, inalalayan ako ni Sir Luke na makalapit sa mga magulang nito. "Good evening, Mom, Dad." Anito na bumeso sa mag-asawa. "Good evening, honey." Bumaling ang mga ito sa akin na ikinalunok kong magtama ang mga mata namin. Para akong hinahaplos sa puso ko na mapatitig sa mga itong lumarawan ang halo-halong emosyon sa kanilang mga mata. "Mom, kalma ha?" bulong pa ni Sir Luke dito. "G-good evening po, Ma'am, Sir." Utal kong pagbati sa mga ito na nagkatinginan sa isa't-isa. "Good evening too, hija. At last. We're so glad to finally meet you," madamdaming saad ng ama ni Sir Luke na siyang unang yumakap sa akin. Natuod ako sa kinatatayuan na maramdamang humikbi ito sa balikat ko habang yakap-yakap ako. "Honey, I want to hug her too." Saad ng asawa nito. Hindi pa man ako nakakabawi ay mahigpit na niya akong niyakap na napahagulhol sa balikat ko. Naguguluhan naman akong napatingin kay Sir Luke na kitang emosyonal ding nakiyakap sa amin ng mga magulang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD