RUFFA:
NAPANGITI ako na gumanting niyakap ang mga magulang ni Sir Luke. Hindi ko rin maipaliwanag ang nadarama ko. Napakagaan ng loob ko sa kanila at parang napupunan nila ang malaking puwang sa puso ko na nakakulong ako sa mainit nilang yakap.
Ito ang unang beses na makita at makasalamuha ko silang mag-asawa. Pero parang may malalim na kaming connection sa isa't-isa. Napakasaya ko na hindi sila naiilang sa akin. At damang-dama ko ang sincerity sa kanilang pinapamita at pinapadama sa akin na pagtanggap dito sa kanilang tahanan.
"How are you, hija? You're so beautiful." Wika nito na hinaplos ako sa pisngi.
"I'm good po, Ma'am. Salamat po." Tugon ko.
"Don't call me Ma'am, sweetheart. You can call me Mo--uhm, Tita." Saad nito na kinalabit siya ni Sir Luke sa tagiliran.
Napangiti ako na tumango dito. "Ruffa, right?"
"Opo, Ma'am --uhm, I mean. . . T-tita." Sagot ko na bahagyang nautal pa sa pagtawag dito ng Tita.
Para akong hinahaplos sa puso ko na mapatitig sa mga mata nitong nagniningning at puno ng halo-halong emosyon na tumatagos sa puso ko.
"I'm Laura Payne." Pagpapakilala nito na humawak sa braso ng asawa nitong katabi nito. "And this is my handsome husband, Lucas."
Ngumiti ako na napatango. Napalinga pa ako sa paligid namin na maalala ang anak nilang babae. Gusto ko pa namang makilala ito ngayong gabi.
"Are you looking for someone, hija?" tanong ni Tito Lucas na ikinailing ko.
"Uhm, wala po, T-tito." Sagot ko na pilit ngumiti sa mga ito.
"Okay, that's enough." Pagpapagitna na ni Sir Luke. "Sweetheart, join our table ha?"
"Hindi po ba nakakahiya, Sir?" pabulong kong sagot na inakay na ako nito kasunod ang mga magulang niya.
Dito pa naman sa harapan ang table na nakalaan sa kanilang pamilya at nahihiya ako na mapabilang lalo na't nakamata sa amin ang mga bisita.
"Don't feel that way, sweetheart. You're a family to us. And please? Stop calling me Sir, from now on, okay?" sagot nito.
"Eh, ano pong itatawag ko sa inyo, S-sir?"
Ngumiti ito na inalalayan akong maupo, katabi ang Mommy nito.
"You can call me Kuya. Total para na rin kitang nakababatang kapatid." Sagot nito.
Hindi ko alam pero para akong hinaplos sa puso sa sinaad nito. Napatitig ako sa mga mata nito at kitang bakas ang sensiridad sa sinaad nito.
"That's my request, sweetheart." Paglalambing pa nito.
"S-sige kung iyan ang gusto mo. . . k-kuya." Utal kong sagot na ikinalapad ng ngiti nitong hinaplos ako sa ulo.
"Very good."
NAGING abala na si Kuya Luke sa pag-asikaso sa mga bisita nito kasama si Tito Lucas. Kami naman ni Tita Laura ang naiwan dito sa mesa nila at masayang nagkukwentuhan. May mga bisita din sila na lumalapit sa amin na bumabati na ini-entertain ni Tita. Nahihiya naman akong sumabat kaya nginingitian at binabati lang sila pabalik kapag pinapansin nila ako.
"Do you want anything, sweetheart?" malambing tanong ni Tita sa akin habang kumakain na kami.
Abala naman sina Kuya Luke at Tito na nakikipag-usap sa mga bisita na ayon kay Tita, mga investors sa kumpanya ang mga iyon.
"I'm okay na po, Tita. Kumain na rin po kayo," tugon ko.
Matamis itong ngumiti na hinaplos ako sa ulo.
"Hwag kang mailang ha? I love watching you eating," wika nito na ikinangiti ko.
"Okay lang po, Tita. Kung masaya naman kayo na panoorin ako," sagot ko.
Matapos naming kumain, muling bumati ang mga bisita kay Sir Luke sa kaarawan nito. Ang iba ay nagsimula na ring mag-inuman sa kani-kanilang mesa. At ang iba ay nagpaalam ng umuwi.
"Are you comfortable with your clothes, sweetie? Do you want to change? Baka nilalamig ka na," wika ni Tita na napahalukipkip ako.
Nilalamig na kasi ako lalo na't naka-expose ang likuran ko. Pero wala naman akong dalang extra clothes kaya umiling ako na ngumiti.
"Okay lang po, Tita. Don't worry about me." Sagot ko.
"No, let's go inside. May mga damit akong hindi pa nagagamit and I think, it suits you." Saad nito na inalalayan na akong tumayo.
Wala na akong nagawa nang akayin niya ako palabas ng garden. Napalinga ako nang maramdamang tila may mga pares ng matang nakasunod ng tingin sa amin ni Tita. Pero sa dami ng bisita nila ay hindi ko na nahanap kung sino iyon na ipinagsawalang bahala ko na lamang.
Namamangha akong naigala ang paningin habang paakyat kami ng fully carpeted nilang hagdanan. White and gold ang kulay dito sa loob. Maski ang mga gamit at display nila ay mix white and gold na ikinaaliwalas ng paligid.
"Tita, would you mind po if I ask you something personal?" tanong ko habang paakyat kami ng hagdan.
"Sure, sweetheart. What is it?" tanong nito na may ngiti sa mga labi.
"Uhm, may nababanggit kasi si Sir Daven na nakababatang kapatid na babae ni Sir--uhm I mean, Kuya Luke. Wala po ba dito ang anak niyong babae?" tanong ko.
Napalunok ito na ilang segundo akong tinitigan sa mga mata. Bumilis ang t***k ng puso ko na hinaplos ako nito sa pisngi na halo-halong emosyon ang nababasa sa mga mata nitong malamlam.
"Soon, hija. When the right time come, makikilala mo din siya." Sagot nito na ikinatango ko.
Pumasok kami sa master's bedroom kung saan ang silid nilang mag-asawa. Napalaki nito na triple pa sa laki ng unit ni Sir Daven! May sala at theater room din sila dito.
Sumunod ako dito na pumasok sa isa pang silid na napaawang ng labi. Wardrobe lang ito pero ang laki at kumpleto sa lahat! Mula sa mga branded shoes, clothes, bags at accessories!
"T-tita, hwag na lang po. Nakakalula gamitin eh!" pigil ko na namili na ito sa kanyang mga damit na naka-hanger.
"It's okay, sweetheart. Ano ka ba?" nakangiting saad nito na humugot ka ng damit.
Isang white sleeveless dress at white coat ang kinuha nito na hapit sa kurba ko.
"Here, sweetie. I think this will suits you." Saad nito na iniabot sa akin ang damit.
Nahihiya akong inabot iyon na alam kong isang limited edition mula sa Celine brand.
"T-tita, ibabalik ko rin po ito ha?"
"Hwag na, sweetie. Masasaktan ako kapag ibinalik mo 'yan sa akin. Isipin mo na lang, regalo ko na 'yan sa'yo. So please? Isuot mo, hmm?" malambing saad pa nito na nangungusap ang tono at mukha.
Hindi ko alam pero napatango na lamang ako na hindi matanggihan ang hiling nito. Para akong hinahaplos sa puso sa tuwing nakikiusap ito sa akin na hindi ko matanggihan.
NAPANGITI ako na pinakatitigan ang sarili sa salamin. Bumagay naman sa akin ang damit na bigay ni Tita. At aminado akong ang komportable nitong suot. Hindi na ako nilalamig at naiilang na naka-expose ang likod at mga braso ko, katulad kanina.
Maging si Tita ay napangiting makita ako na napasuri pa sa kabuoan ko. Nagniningning ang kanyang mga mata na hinaplos ako sa ulo.
"You're so beautiful, sweetheart." Papuri nito na magaan akong niyakap. "I'm really happy to see you, Ruffa. Dumalaw ka palagi dito ha?" paglalambing pa nito.
"Salamat po, Tita. Masaya rin ho akong makilala ko kayo." Sagot ko na hinagod ito sa likod.
Napatitig ako dito. Hindi naman ako bulag para hindi mapansin na malaki ang pagkakahawig namin. Para nga kaming magkapatid kung titignan. Bata pa kasi ang itsura nito. Pero ayoko namang mag-isip ng mga bagay-bagay na alam kong imposible.
"Napakaganda niyo rin po, Tita."
Lalo itong napangiti sa sinaad ko. Wala sa sariling napahaplos ako sa pisngi nito na napahawak sa kamay ko at hinayaan lang akong haplusin siya sa pisngi. Habang nakatitig ako sa kanya na nakapikit na may ngiti sa mga labi, para akong hinahaplos sa puso ko. Halo-halong emosyon ang nadarama ko na hindi ko na mapangalanan pa. Basta isa lang ang sigurado ako.
Napakasaya ko na makilala at kasama ito. Ibang-iba ang dating nila sa puso ko na para nilang kinumpleto at pinunan ang malaking puwang sa puso ko.
Magkahawak kamay kami ni Tita na bumaba sa party. Abala na ang lahat na nagkakasiyahan. Napangiwi ako na malingunan si Kuya Luke na nasa kumpunan ng mga supistikadang babae. Napaka-sexy ng mga ito sa suot nilang halos lumabas na ang kanilang hinaharap!
Nag-iinuman ang mga ito na nagkakasiyahan. Iiwas na sana ako ng tingin sa kanila nang may mahagip ang paningin ko na pamilyar na mukha! Naningkit ang mga mata ko na inaaninag ito at baka nagkamali ako pero. . . tama ako. Nandito siya. Si Sir Daven. Pero nakipaglalandian na naman sa ibang babae!
Nagsalubong ang mga mata namin na nagawa pa nitong kumaway sa aking inirapan ko at hindi pinansin. Sumunod ako kay Tita na inakay ako pabalik sa kanilang mesa kung saan naghihintay si Tito Lucas sa amin.
Napangiti itong sinalubong kami ni Tita nang malingunan kaming parating.
"You look stunning, my dear," wika nito na napasuri sa kabuoan ko.
"I agree. She's so beautiful, isn't it?" pagsang-ayon ni Tita na yumapos sa baywang ng asawa nitong napaakbay dito na hinagkan pa sa ulo si Tita.
"Just like her Mom, honey." Bulong nito na narinig ko pa rin naman.
Napahagikhik pa si Tita na nakurot itong halatang kinikilig na inakay na kami ni Tito sa mesa namin.
"Wanna drink, sweetheart?" alok sa akin ni Tita ng wine.
Tatanggi sana ako pero nang malingunan ko si Sir Daven na masayang nakikipag bulungan sa dalawang babaeng katabi nito na pinagigitnaan siya, inabot ko ang wine glass na ngumiti kay Tita.
"Hindi po ako malakas uminom, Tita ha?" wika ko na nakipag-toss sa mga ito na napangiti.
"That's fine, sweetheart. Wine lang naman 'yan." Sagot nito.
Napangiwi ako na malasahan ang wine. Hindi naman kasi talaga ako umiinom. Pero dahil kita ko namang masaya si Sir Daven sa ibang babae, parang may nag-uudyok sa aking uminom.
Hindi ko namamalayan na napaparami na pala ako ng naiinom na wine. Tinatamaan na rin ako at nagiging maingay. Tawang-tawa naman si Tita na sinasabayan akong magkwento.
"Excuse me po, Tito, Tita." Wika ng baritonong boses na ikinatigil namin ni Tita na bumaling sa lalakeng nagsalita sa harapan namin.
"Oh, Daven. Hindi kita napansin na dumating," wika ni Tita na tumayo at bumeso dito na inirapan ko.
Nagsalin ako ng wine ko na muling tinungga iyon. Pilit kong kinakalma ang puso kong kay bilis na naman ng t***k na nandidito na sa harapan ko ang malanding unggoy na 'to.
"Busy ho kasi kayo kanina, Tita. Kaya hindi na ako lumapit." Dinig kong sagot nito.
"Tita, lumayo-layo po kayo d'yan. Babaero 'yang unggoy na 'yan." Wala sa sariling ismid ko na narinig ng mga ito.
Napakurap-kurap pa sila ni Sir Daven na bumaling sa akin. Habang si Tito ay napabungisngis na siyang unang nakabawi-bawi.
"Hey, are you drunk?" anito sa akin na tinaasan ko ng kilay.
Hindi ko alam pero bigla akong tumapang sa mga sandaling ito.
"Hindi ako lasing. Ikaw, lasing ka na ba? Dala-dalawa ang babae mo doon ah. Ang landi-landi mo talaga. Hindi ka na nagbago. Ang tanda-tanda mo na pero kay landi mo pa rin," ingos ko ditong natawa at iling.
"Oh, my dear Ruffa. You're so cute while scolding Daven. Are you jealous, sweetheart?" tudyo ni Tita na ikinagapang ng init sa mukha ko.
"H-hindi po, Tita." Tanggi ko pero kitang hindi sila naniniwala.
"Tita, Tito, pasensiya na po ha? It's getting late na rin kasi. Pwede ko na bang iuwi si Ruffa?" pamamaalam pa nito na kitang ikinalungkot nila Tita.
"Dadalaw naman kayo dito, 'di ba?" ani Tita dito na tumango.
"Oo naman po, Tita. Saka, you're free to visit her. Nasa condo lang naman po kami," sagot nito na bumeso na kina Tita.
"I will miss you, sweetheart. Ang hirap mo namang pakawalan," wika ni Tita na niyakap ako kasunod si Tito.
Napangiti akong humalik sa mga ito na kita ang kakaibang kinang sa kanilang mga mata.
"Salamat po sa pagpapatuloy, Tito, Tita. Goodnight po," saad ko na ikinahaplos ng mga ito sa ulo ko.
"Goodnight, sweetie." Panabay nilang saad na humalik sa noo ko. "Daven, ingatan mo siya ha?" paalala pa ni Tito dito habang niyakap ako ni Tita..
"I will, Tito. No worries po. I'll take care. . . of our princess."