Chapter 22

1612 Words
RUFFA: "BITAWAN mo nga ako," madiing asik ko dito na nakapulupot na sa baywang ko ang braso nito. "Tumatapang ka na ah, porke't ba nandito ka sa teritoryo mo, hmm?" bulong nito na kinurot ko ang braso. "Bitaw sabi eh. Ayokong sumama sa'yo." "Ayoko. You're coming with me. Wether you like it? Or not." Maawtoridad nitong sagot na ikinaikot ng mga mata ko. "Aalis na kayo?" Napatigil kami na sumulpot si Kuya Luke. Hinihingal pa ito na hinabol kami dito sa parking lot ng mansion. "Yeah. Inaantok na rin ako eh. Pagod na pagod ang katawan ko. Happy birthday again, dude." Anito na nakipag-fist bump kay Kuya. "Kaya mo bang magmaneho, dude? Kasama mo si Ruffa," nag-aalalang tanong nito na bumaling sa akin. "Are you okay, sweetheart? Bakit ang pula mo?" Pilit akong ngumiti dito na tumuwid ng tayo. "I'm okay, Kuya. Happy birthday again." Sagot ko na yumakap ditong napangiting hinaplos ako sa likod at hinagkan sa ulo. "Thank you, sweetie. Hwag pasaway ha?" Tumango ako na nakanguso. Hinaplos pa ako nito sa ulo na napangiti. "Kaya ko, dude. Hindi ko naman ito ipapahamak," saad ni Sir Daven na umakbay sa akin. Tinabig ko ang kamay nito na ikinangisi ni Kuya Luke dito. "Hwag mo nga siyang chinachansingan. Pasimple ka rin eh," saway pa nito sa kaibigan na napangisi. "Parang akbay lang eh." "Kahit na." Nagkatawanan pa ang mga ito na napa-fist bump bago kami tuluyang umalis ng mansion nila Kuya Luke. Nakabibinging katahimikan ang naghari sa loob ng kotse habang pauwi kami. Nahihilo na rin ako sa dami ng wine na nainom ko kanina. Sa labas lang ng bintana ako nakamata. Nakapatay naman ang ilaw dito sa loob ng kotse. Maging ito ay napakatahimik na nagmamaneho. Dama kong panaka-naka ako nitong sinusulyapan pero hindi ko pinapansin. Aba, apat na araw kaya siyang hindi nagpakita tapos malaman-laman ko lang na kasama nito ang panibagong babae na naman niya. Ang landi niya talaga. Ang tanda na niya pero hindi na nagbago. Pagdating namin sa condominium, nauna na akong bumaba. Inaantok na rin kasi ako at sumasakit na ang ulo ko. Pasado alasdose na rin kasi ng gabi kaya naman inaantok na talaga ako. Idagdag pang ilang gabi akong puyat na hindi ito umuuwi. Hinabol naman ako nito na muntikan pa siyang mapagsarhan ng elevator. Hindi ako umimik na iniiwasang mapatitig sa mga mata nito. Habang paakyat ang elevator, pasimple nitong pinagdadaplis ang mga daliri namin at likod ng palad pero hindi ko pinapansin. Mahina pa itong natawa na nagpamulsa ako sa suot na coat para hindi niya nasasagi ang kamay ko. Ibang-iba kasi ang nararamdaman ko sa tuwing nagsasagi ang balat namin. Para akong kinukuryente at bumibilis ang t***k ng puso ko. Nang bumukas na ang elevator, nauna akong lumabas. Napasipol pa ito na sumunod sa akin at dama kong nakatitig ito sa akin. Hindi ko ito nililingon. Nagtuloy-tuloy ako sa unit nito at ako na rin ang nag-enter ng passcode. "Are you still mad?" tanong nito pagpasok namin ng unit. Hindi ako sumagot na tumuloy sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Sumunod naman ito na matiim na nakatitig sa akin. "Excuse me, Sir. Matutulog na po ako," walang emosyon kong saad na humarang ito sa may pinto. "Still mad?" malambing tanong nito. Napalunok ako na nanatiling sa ibang direction nakamata. Ayokong salubungin ang mga mata nito lalo na't malamlam na ang mga iyon at nangungusap. Hindi katulad noong huling gabi na nandito siya. Na napakadilim ng anyo ng mga mata niya. Nakakatakot at walang mababakas na emosyon. "Hindi po. Magpapahinga na ako, Sir." Sagot ko na hindi tumitingin dito. Napahinga ito ng malalim na kinuha ang kamay ko. Aapila pa sana ako nang hilahin na ako nito hanggang sa silid na ikinabilis ng t***k ng puso ko! "B-bitawan mo ako, Sir. A-ano ba?" kulang sa diin kong sikmat dito na pilit binabawi ang kamay kong hawak nito. Pero para lang itong bingi na walang narinig. Hinila niya ako sa kama. Pabalang itong naupo sa gilid. Sa lambot ng kama ay tumalbog pa ito. Mabilis ako nitong niyapos sa baywang na hinatak paupo sa kandungan nitong ikinasinghap ko! Napakahigpit ng pagkakapulupot ng mga braso nito sa baywang ko na parang sawa na nakalingkis sa akin! Hindi ako makakilos sa kinauupuan lalo na't dama ko ang hinaharap nitong nauupuan ko. "Don't you miss me?" pabulong anas nito na sumubsob sa balikat ko. "H-hindi." Utal kong sagot. "But I miss you, baby." Pabulong saad nito na ikinalabi kong namuo ang luha. Unti-unting namigat ang dibdib ko na hinayaan lang itong yakapin ako ng mahigpit. Dahil kahit naman itanggi ko, alam ko sa sariling mis na mis ko rin siya. Na masaya na akong nandidito na siya. Panatag na ang loob at isipan ko na kasama ko siya. "I'm sorry about last time, baby. Hwag ka ng magalit sa akin, please?" malambing bulong nito na mas niyakap pa ako. Hindi ako sumagot na nagbabadyang tumulo ang luha sa mga mata ko. Gusto ko siyang sigawan eh. Gusto ko siyang sabunutan at sampalin. Naiinis at nagagalit ako sa kanya na ilang araw siyang hindi nagparamdam at iba-ibang babae na naman ang kinalantari. Gusto ko siyang sumbatan. Komprontahin kung ano ba talaga ako sa kanya. Nang sa gano'n ay alam ko kung saan ilulugar ang sarili ko. Pero lahat ng iyon ay nanatili sa isipan ko. Kaya sobrang bigat ng dibdib ko na hindi ko mailabas ang mga nararamdaman ko. "I was busy at work this past few days, baby. Hindi ako nambabae kung 'yon ang iniisip mo," pabulong saad nito na ikinatulo ng luha ko. "Hwag mo akong gawing tanga, Sir. Hindi ako naniniwala sa'yo." Sagot ko na pinahid ang luha ko. Napahinga ito ng malalim na mas lumuwag na ang braso nitong nakapulupot sa baywang ko. Nanatili naman itong nakasubsob sa balikat ko. "She's just my bestfriend. May asawa at mga anak na rin iyon. Si Roselle," anito sa ilang minuto naming katahimikan. "Dalaga na nga 'yong panganay nila na inaanak namin ni Luke eh. Si Chloe, kaibigan na namin sila since childhood. Nakilala ko naman si Roselle when we're in college. Maaga silang nagpakasal at the age of twenties. Kaya dalaga at binatilyo na ang mga anak nila kumpara sa aming mga kaibigan nila. Apat kaming magkakaibigan. Si Delta, si Chloe at ang Kuya mo, si Luke." Pagkukwento nito. "Naunang nag-asawa si Chloe, naging malapit din kami ni Roselle pero hindi ko naman siya naging babae. Para ko lang siyang nakababatang kapatid. Hindi lang naman si Roselle ang kasama ko kahapon sa Batangas. Nandoon din ang mag-aama niya, si Delta at mag-iina niya. Alam ni Luke iyon. Hindi nga siya nakadalo dahil abala sa preparation ng party niya ngayon." Saad nito na pinihit ako paharap dito. Napalabi ako na mapatitig sa mga mata nitong nangungusap at walang bahid ng pagsisinungaling. Napahinga ito ng malalim na nanatiling nakayapos sa baywang ko ang mga braso nito. "Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko soon." Saad pa nito na ikinalunok ko. "Ayaw mong maniwala na galing akong trabaho?" tanong pa nito na hindi ako umiimik. Muli itong napahinga ng malalim. Kita ang pagod at antok sa mga mata nitong nangungusap na matiim na nakatitig sa akin. "Hubaran ko ako para maniwala ka." Saad nito na ikinamilog ng mga mata ko. "Siraulo ka ba!?" asik ko na mahinang ikinatawa nito. "I know you are tired and sleepy. But can you take care of me first, baby?" pakiusap nito na ikinalunok ko. Napababa ang tingin nito sa mga labi ko na napalunok. Para akong maiihi sa halo-halong emosyong nadarama ko nang umangat ang kamay nito na marahang hinaplos ako sa pisngi. "I miss your lips, baby." Pabulong anas nito na dahan-dahang inilapit ang mukha. Akmang sasayad na ang mga labi nito nang matauhan ako at napaiwas ng mukha kaya sa pisngi ko dumapo ang mga labi nito. "P-punasan na kita. Inaantok na po ako," pag-iwas ko na tumayo na mula sa kandungan nito. Napahinga ito ng malalim na nakasunod ng tingin sa aking pumasok ng banyo. Kumuha ako ng basin, bimpo at maligamgam na tubig. Paglabas ko, nakahiga na ito sa kama. Pero maski sapatos ay hindi manlang hinubad na nakalaylay sa gilid ng kama ang mga binti nitong kay haba. Napahinga ako ng malalim na inilapag sa bedside table ang dala ko. Una kong hinubad ang sapatos at medyas nito. Tahimik lang naman ito na nakamata sa kisame habang nakadantay sa noo ang isang braso. Tila malalim ang iniisip nito na hindi ko na lamang pinansin. "Uhm, h-huhubarin ko lang ang suot mo, Sir." Pamamaalam ko. Hindi naman ito umimik na hinayaan akong hubarin ang white coat nito. Napalunok ako na dahan-dahang kinalas ang mga butones ng white long sleeve polo nito hanggang tumambad na sa aking paningin ang malapad niyang dibdib. Lihim akong napangiti na napasuri sa dibdib, leeg at panga nito. Wala naman siyang kissmark na ikinadiwang ko sa isipan. Napababa ang tingin ko sa tagiliran nito na ikinanigas kong makita ang puting gaza nito doon na may bahid pa ng dugo! "T-teka. . . a-anong nangyari dito?" utal kong tanong na napatitig ditong nakamata lang sa kisame. "D-Daven?" utal kong untag na hindi ito sumagot. Napalunok ako nang dahan-dahan itong bumaling ng tingin sa akin na malamlam ang mga mata. "Nabaril ako eh. Sabi ko naman sa'yo, abala ako sa trabaho nitong nakaraan. Tatlong araw akong tulog kaya hindi na ako nakauwi sa'yo. Do you believe me now?" mahinang tanong nito na ikinalabi kong napasulyap sa sugat nito. "B-bakit ka nabaril?" "I'm a mafia boss. Marami talaga akong kalaban na gusto akong patayin." Sagot nito na matiim na nakatitig sa mga mata ko. "A-ano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD