RUFFA:
NANGANGATAL ang kamay ko na marahang hinaplos ang ibabaw ng gaza nito.
"S-sana nagpadala ka na lang sa hospital." Saad ko.
Kinuha naman nito ang kamay ko na tumitig sa mga mata ko.
"I don't want to go there. Dito ko gusto. Because you are here. Ikaw ang gusto kong mag-alaga sa akin," sagot nito na napakaalumanay ng boses nitong may halong lambing at pakiusap.
Napalunok ako na napipilan. May parte sa puso ko na natutuwa na marinig sa kanya ang katagang iyon. Na ako ang gusto niyang mag-alaga sa kanya at hindi ibang tao. Pero may tampo pa rin ako dito. Kahit naman nagpaliwanag na siya kung bakit siya nawala ng ilang araw. At ang tungkol sa babaeng kasama niya kahapon.
Naiinis pa rin ako sa kanya na imbes na tumuloy siya sa akin kanina sa party, nagawa pang makipag landian sa ibang babae.
"Take care of me, please, my baby?" paglalambing pa nito na ikinagapang ng init sa mukha ko.
"Bakit ako? Ang dami mong babae. Sa kanila na lang," mahinang saad ko.
Dahan-dahan itong umupo na napahinga ng malalim. Kinuha nito ang dalawang kamay ko na matiim na tinitigan ako sa mga mata ko.
"Marami ngang babae ang naghahabol sa akin," wika nito na dinala sa tapat ng puso nito ang kamay kong ikinalunok ko. "Pero nag-iisa lang ang babaeng nandidito. At ikaw iyon, Ruffa. Ano bang kailangan kong gawin para maniwala kang mahal kita?" maalumanay nitong tanong na bakas ang sensiridad sa mga mata nito.
Napalabi ako na namuo ang luhang nakatitig dito. Para na naman niya akong hinihipnostismo sa uri ng tinging ginagawad nito sa akin.
"Mahal kita, Ruffa. Bigyan mo naman ng chance 'yong pagmamahal ko sa'yo. I promise you, you won't regret it. Kahit hwag mo akong mahalin ng katulad sa pagmamahal ko sa'yo. Sapat na sa akin. . . na nandidito ka sa tabi ko," madamdaming saad nito na nangungusap ang mga mata at tono.
"Kung gano'n umiwas ka sa mga babae mo. N-nasasaktan ako na may ibang babaeng naglalambing at nakakakuha ng attention mo eh. N-nag. . . n-nagseselos ako," mahinang sagot ko na napayuko at sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ko na naamin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Tumulo ang luha ko na nakahinga ng maluwag na sa wakas ay nasabi ko sa kanya kung bakit nag-aalangan akong sumugal sa pag-ibig nito.
Napapisil naman ito sa baba ko na iniangat ang mukha ko. Bumilis ang t***k ng puso ko na masalubong ang mga mata nitong nagniningning na matiim na nakatitig sa akin ng diretso. He genuinely smiles at me and caressed my cheeks.
"I'll do that. Just tell me what you want me to do. Kaya ko silang iwasan at hindi pansinin. Sabihin mo lang, baby ko." Malambing saad nito na ikinainit ng mukha ko.
"Gagawin mo? Hindi ka na mambababae?" nagdududa kong tanong.
Tumango ito na nakangiti sa akin. "Oo naman. Aanhin ko naman sila kung. . . kung nandidito ka," wika nito na napababa ang tingin sa mga labi kong ikinalunok ko.
"You are the most important to me, Ruffa. Can you trust me, baby?" malambing tanong nito.
Kusang umangat ang palad ko na napahaplos sa pisngi nito.
"I-iingatan mo ba ako?" nahihirapang tanong ko na ikinangiti nito.
"Oo naman, baby. Only if you allow me," sagot nito na ikinalabi ko.
"Ako lang?"
"Ikaw lang."
Namuo ang luha sa mga mata ko na matiim na nakipagtitigan ditong nakangiting nakatitig sa akin.
"G-gusto din kita, D-daven," nahihiyang pag-amin ko na nag-iinit ang mukha.
Hindi ko masalubong ang mga mata nitong nagniningning na matiim na nakatitig sa akin na nangingiti.
"Mapaninindigan mo ba, baby?" pabulong tanong nito.
Matapang kong sinalubong ang mga mata nito na ibang-iba ang kislap ngayon.
"O-oo. Dahil m-mahal kita," nahihiyang sagot ko.
"Fvck."
Napamura ito sa tuwa na kinabig ako sa batok at siniil sa mga labi na ikinapikit kong napakapit sa braso nito. Tumulo ang luha ko dala ng labis-labis na tuwa na buong pagmamahal tinugon ang halik nito. Hanggang sa ang mapusok nitong halik ay unti-unting naging masuyo at banayad.
Nasasabayan ko na rin ito na salitang sinisipsip ang mga labi ko at panaka-nakang kinakagat na ikinaaalpas ng mahinang ungol ko.
"I love you so much, my baby," anas nito na katulad ko ay naghahabol hininga sa malalim naming halikan!
"I. . . I l-love you too, my D-Daddy."
Napahagikhik ako na napairit pa itong hindi maitago ang saya at kilig na nadarama! Pulang-pula ang mukha nito na nagniningning ang kanyang mga mata sa tuwa. Para akong hinahaplos sa puso ko na makita itong gan'to kasaya ng dahil sa akin.
"Fvck! Is this for real?" bulalas pa nito na tila hindi makapaniwala.
Natawa akong napailing na napisil ang matangos niyang ilong.
"Opo, totoo po. Humiga ka na at pupunasan kita, Daddy." Natatawang saad ko na ikinalapat nito ng labi.
Humiga ito na sinimulan kong punasan. Mula sa mukha, leeg, dibdib at magkabilaang braso nito. Nangingiti lang naman itong matamang pinapanood akong pinunasan siya. Nang matapos ko na siyang punasan sa buong katawan, sinunod ko ang sugat nito. Maingat kong nilinisan ang sugat nito na bahagya pang dumugo at pinalitan ang gaza.
"Maghihilamos lang ako," pamamaalam ko dito matapos kong kumutan.
Malamlam na rin ang mga mata niya na kitang inaantok at pagod na pagod ito.
"Make it fast, my baby. I want to hug you," paglalambing pa nito na ikinangiti at tango ko.
Mabilis akong naglinis ng katawan. Paglabas ko ay nakapikit na ito na ikinangiti kong tumuloy sa dresser mirror nito at nagpahid ng moisturizer sa katawan bago tumabi dito. Naramdaman naman nito ang paglundo ng kama na ikinaunat nito ng braso.
"Come here, my baby." Paos nitong anas na nanatiling nakapikit.
Dahan-dahan akong humiga sa tabi nito na umunan sa kanyang braso. Napalapat ako ng labi na niyakap ako nitong ikinulong sa mainit niyang bisig na napahalik pa sa noo ko.
"I love you, baby. Let's stay like this, no matter what happens in the future, ha?" paglalambing pa nito na bakas ang antok sa boses nito.
"Opo. Nasa tabi mo lang ako, Daddy. Hwag ka lang magloloko," sagot ko na nag-angat ng mukha at hinagkan ito sa pisngi na napangiti.
"I won't do that, my little baby. I promise." Sagot nito na ikinangiti ko lalo.
"Hindi ka ba lalamigin? Wala tayong saplot," saad ko.
Napanty at bra lang kasi ako, habang ito ay naka-brief lang. Damang-dama ko tuloy ang init at tigas ng katawan nito na gustong-gusto ng katawan ko.
"Nope. Mas gusto ko nga na gan'to tayo. I can feel the warmth and softness of your body, baby." Pabulong sagot nito na ikinangiti kong nagsumiksik pa lalo sa dibdib nito.
"Masagi ko ang sugat mo, Daddy." Nag-aalalang saad ko na kinabig din ako nito at mas niyakap padiin sa katawan nito.
"It's okay, baby. May gamot naman ako. Hindi ko nga siya nararamdaman eh," sagot naman nito.
"Matulog na tayo?"
"Yeah. I'm really sleepy now, baby," sagot nito na napahikab pa.
Hinagkan pa ako nito sa noo na ikinangiti ko.
"Goodnight, baby. I love you."
Kinikilig akong nag-angat ng mukha na hinagkan ito sa mga labi. Kahit inaantok na ito ay nagawa pa rin naman akong tugunin na napapisil sa baywang ko.
"I love you too, Daddy. Goodnight." Anas ko na naghahabol hininga sa malalim naming halikan.
MAGKAYAKAP kaming natulog ni Daven. Panatag ang isip at puso ko na natulog kayakap ito sa kaisipang nandidito na siya kasama ko. Hindi ko namalayan ang oras. Napabalikwas na lamang kami nang dumagundong ang boses ni Kuya Luke na bagong dating!
"What the hell is going on here!?"
Napaupo kami ni Daven na marinig ang nanggagalaiting bulyaw ni Kuya Luke dito sa silid na ikinagising namin!
"Fvck!"
Napamura si Daven na hinila ang kumot at ibinalot sa akin. Nalihis na pala ang kumot namin kaya huling-huli kami ni Kuya Luke na hubo't-hubad at magkayakap na natulog!
Galit na galit ang mga mata nito na namumula na ang mukha!
"Kuya!"
Napatili ako na hinablot nito sa braso si Daven at hinila pababa ng kama! Mabilis nitong sinapak ng magkasunod sa mukha si Daven na hindi lumaban o umilag! Napasuksok ako sa headboard ng kama na mahigpit na nakahawak sa kumot na nakabalot sa katawan ko!
"Kuya, tama na, please!?" tili ko na napahiga na sa kama si Daven pero patuloy nitong sinusuntok!
Dumugo na rin ang ilong at labi ni Daven sa magkakasunod nitong suntok!
"You betrayed me! I've trusted you, Daven! Kahit mahirap ipagkatiwala sa'yo si Ruffa! How could you do this? Napakabata pa ni Ruffa!" nanggagalaiting bulyaw nito na naglalabasan na ang mga ugat sa leeg at kamay sa sobrang galit at gigil nito!
"Paninindigan ko siya. Anong problema doon?" sagot ni Daven na hilong-hilo pa rin.
Natawa ng pagak si Kuya Luke na napailing.
"Of course, Daven. Ginalaw mo si Ruffa. Marapat lang na pakasalan mo siya," madiing sikmat ni Kuya Luke dito.
Nanigas ako sa kinauupuan na natulala sa narinig. Bumangon na rin si Daven mula sa pagkakahiga nito na napapahid sa ilong at labi nitong dumugo.
"I will, Payne. I'm going to marry her. Kahit ngayon pa mismo. I love her, dude. I love her." Sagot ni Daven dito na napailing.
"Gago ka. May Katelyn ka! Agrabyado si Ruffa dito kapag bumalik na ang kasintahan mong pinangakuan mo ng kasal!" asik ni Kuya Luke na ikinatigil kong parang nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig!
"Paanong agrabyado? Si Ruffa ang mahal ko. I'm going to marry her as soon as possible. And one more thing, Payne. Matagal na kaming nagkalabuan ni Katelyn. Wala na kaming communication. I don't even consider her as my girlfriend now. Ilang buwan na kaming walang communication sa isa't-isa." Sagot ni Daven na ikinatulo ng luha ko.
Natahimik ang mga ito na sabay na bumaling sa akin. Lumamlam kaagad ang itsura ng mga ito na malingunan akong luhaang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
Sabay pang lumapit ang mga ito na naupo sa harapan ko.
"Hey, sweetheart. Don't be afraid, hmm?" pag-aalo sa akin ni Kuya Luke na ikinalabi ko.
Napahinga pa ito ng malalim na hinaplos ako sa pisngi.
"Sabing hwag kang maiinlove sa unggoy na 'to eh. Pasaway ka rin. Kita mo na? Napikot ka niya," pagalit pa nito na ikinahagikhik ng kaibigan pero kalauna'y unti-unting napalis ang ngiti.
"Hoy, Payne. Did you just called me. . . a monkey?"