RUFFA:
PARA akong lumulutang sa alapaap sa bilis ng mga pangyayari! Matapos kaming maabutan ni Kuya Luke na magkatabi sa kama at walang saplot ni Daven, nag-usap silang dalawa ng tungkol sa pagpapakasal namin.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Dahil kahit may parte sa isipan ko ang tumatanggi ay nanatiling tikom ang bibig ko. Nahihiwagaan na rin ako sa ikinikilos ni Kuya Luke. Daig niya pa kasi ang ama kung umasta. At kahit hindi kami magkaano-ano, parang ang laki ng respeto ni Daven dito nang magdesisyon itong pakasalan ako ni Daven.
Hindi ko alam kung dahil pabor kay Daven na makasal kaming dalawa kaya ito sumang-ayon sa agarang pagpapakasal namin. O nag-usap silang magkaibigan tungkol dito para i-set-up ako at walang kawala kay Daven.
Tahimik akong nanatili dito sa silid. Lumabas naman ang dalawa sa sala at doon nag-usap ng masinsinan.
Wala sa sariling tumayo ako at lumapit sa may pinto. Naririnig ko naman ang mga ito na nag-uusap. Kumpara kanina, mas kalmado na ang boses ni Kuya Luke.
"Sigurado ka bang mahal ka rin niya? Baka naman inipit mo lang siya na walang ibang pamilian kaya sinagot ka niya? Dude naman. Ngayon lang namin makakasama si Ruffa, kukunin mo pa?" wika ni Kuya Luke na bakas ang pagtatampo sa tono nito.
Napalunok ako na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakikinig sa pribadong pag-uusap nila. Natatakot ako na may malaman ako, pero hindi naman ako makakilos sa kinatatayuan para bumalik sa kama at hindi sila marinig.
"I saw it in her eyes last night, dude. Mahal din ako ni Ruffa. I can protect her, dude. Alam mong ligtas si Ruffa sa tabi. And I'm serious about her. About our relationship. Hindi ko naman siya paglalaruan." Sagot ni Daven na ikinangiti kong napasilip sa mga ito.
Nakaupo sila sa sofa. Napapahilot naman si Kuya Luke sa sentido nito na kitang problemado habang katabi nito si Daven na prenteng nakaupo at dekwatro ng binti.
"Anong sasabihin ko kila Mommy? Umaasa silang makakasama na namin si Ruffa, dude. Hindi mo ba nakita kung gaano kasaya ang mga magulang namin last night? Paano ko sasabihin sa kanila na ikakasal na kayo ni Ruffa ngayon?" problemadong tanong ni Kuya Luke dito.
"Pakakasalan ko lang naman siya, dude. Hindi ko naman siya ipagdadamot sa inyo eh. You're free to visit her here. Hindi ko naman kayo pagbabawalan. Kung gusto niyo siyang isama sa vacation? Papayagan ko siya. Hindi ko ipagdadamot si Ruffa sa inyo, dude." Sagot ni Daven dito na tinapik sa balikat si Kuya Luke.
"Ano bang pinag-uusapan nila? Bakit parang. . . napakahalaga ko naman yata kila Kuya Luke at mga magulang nito, gayong magkaibigan lang naman kami ni Kuya Luke." Nalilitong usal ko na pinagtatagpi-tagpi ang mga bagay-bagay.
Pero wala akong ibang maisip na dahilan para maging gan'to ka-concern sa akin ang pamilya Payne. At pakiramdam ko ay may alam si Daven na hindi nila sinasabi sa akin.
Tulala akong bumalik ng kama. Hindi ko na kayang makinig sa usapan nilang dalawa gayong narinig ko namang hindi nila ako sinet-up para maikasal ako kay Daven. At tama ng narinig kong totoong mahal ako ni Daven. Na hindi niya ako pinaglalaruan at handang protektahan ako.
ILANG minuto pa ay pumasok na ng silid si Kuya Luke. Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa akin na hindi ko masalubong. Nahihiya ako sa kanya. Dama ko namang concern lang ito sa akin. Na hindi na ako iba sa paningin niya. Na higit pa sa kaibigan ang turing niya sa akin. Pero heto at hindi ako nakinig sa habilin niya.
Napahinga ito ng malalim na umupo sa tabi ko. Kinuha pa nito ang kamay ko at marahang pinipisil-pisil iyon.
"Don't worry, Ruffa. Daven will take the responsibility about what happened to the two of you." Kalmadong saad nito.
"Okay lang naman po sa akin na manatili kaming--"
"No. I won't allow that happen, sweetheart. Hindi ako makakapayag hindi ka niya panagutan." Putol nito sa sasabihin ko.
"K-kakausapin ko po si Lola," sagot ko.
Napahinga ito ng malalim na tumitig sa akin.
"Ako ng bahala kay Lola. I'll talk to her. Get ready yourself. Magpapakasal kayo ni Daven. . . bukas."
Para akong tinambol sa dibdib sa narinig na ikinalingon ko ditong namimilog ang mga mata!
"Bukas? Ang bilis naman po!" bulalas ko.
"Maigi ng makasigurado akong paninindigan ka ng unggoy na 'yon. Isa pa, mukhang excited siyang pakasalan ka. Tss. Sinasabi ko na nga ba at matitipuhan ka ng unggoy na 'yon eh." Nagngingitngit ang mga ngiping wika nito na lihim kong ikinangiti.
Nakalarawan kasi ang inis sa gwapong mukha nito sa kaisipang ikakasal na ako sa matalik niyang kaibigan.
"Ayaw mo ba si Daven para sa akin, Kuya?" tanong ko dito na umasim ang mukha.
"Ayoko talaga. I've told you. May kaibigan akong mas bata at gwapo sa kanya na mas babagay sa'yo. Aba, ang tanda-tanda na ni Daven para sa'yo. Imagine, after twenty years, you're turning forty-five. Habang si Daven? Sixty-five na siya no'n. Senior na siya, sweetheart. Gagawin ka lang caregiver no'n eh." Pagmamaktol pa nitong ikinalapat ko ng labing nagpipigil mapahalakhak sa sinaad nito.
"Uugod-ugod na siya no'n. Paano ka niya matutulungan mag-alaga sa mga anak niyo kung nirarayuma siya?" pagmamaktol pa nito na ikinahagikhik kong nahampas ito sa braso na natawa na rin.
"Pero tiwala ka naman sa kanya, 'di ba?" tanong ko.
Napatikhim ito na nagseryoso na rin. Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa akin na hinaplos ako sa ulo.
"He's not perfect, sweetie. But I can assure you that you're safe with him. Kahit gago ang isang 'yon? Alam kong mapapabuti ka sa piling niya. Alam kong hindi ka niya pababayaan." Sagot nito na ikinangiti ko.
Napahalik pa ito sa noo ko na niyakap akong napasandal sa dibdib nito. Matapos naming makapag-usap ng masinsinan ni Kuya Luke, nagpaalam na rin ito. Kaya naman naiwan kaming muli ni Daven ng unit.
"I'm sorry, baby. May access kasi si Luke dito sa unit. Kaya malaya siyang maglabas pasok dito. Naabutan tuloy tayo na magkatabi sa kama.
Napangiti ako na pinaupo ako nito sa lap nito at yumapos sa baywang ko. Sumubsob ito sa balikat ko na parang batang nakanguso.
"I was planning to propose to you properly. Pero heto at namadali na ang pagpapakasal natin." Mababang saad nito.
Napangiti ako na humarap dito at hinaplos ito sa pisngi.
"Ang mahalaga naman sa akin ay kung sincere ka bang pakasalan ako, Daven." Saad ko.
"Of course I am, baby. Pero syempre, I want to give you the best. Because you deserve it." Malambing sagot nito na ikinangiti ko.
"Sapat na sa akin na maging tapat at mapagmahal kang asawa, Daven. At maging responsableng ama sa mga magiging anak natin," wika ko na ikinalamlam ng mga mata nito.
"I promise, I'll be one of the best husband and father to you and to our kids, baby. I won't disappoint you."
Nag-init ang mukha ko na hindi mapigilang mapangiti sa sinaad nito lalo na't matiim itong nakatitig sa akin.
"Kids agad?" tudyo ko na ikinasilay ng pilyong ngiti sa mga labi nito.
"Aha. Simulan na ba natin?" malanding anas nito na impit kong ikinairit.
"Daven!" tili ko na napasubsob sa balikat nitong malutong na napahalakhak.
"Why, hmm? Doon din naman ang bagsak natin, baby. Simulan ko na bang magpunla sa'yo?" tudyo pa nito na ikinainit lalo ng mukha ko.
"Magtigil ka nga," ingos ko ditong napahagikhik.
"Bakit? Kasal na kaya natin bukas."
"Hmfpt." Ingos kong ikinatawa nito na kinabig akong niyakap.
NANGINGITI akong pinapanood si Daven na naghanda ng agahan. Ang kulit kasi nito. Kaya hinayaan ko na lamang na siya ang maghanda ng agahan namin.
"Kasya ba sa atin? Parang isang serving lang naman 'yan, Daddy?" tanong ko.
Dalawang pancake na nilagyan nito ng honey syrup. Isang hotdog, omelette, ham at mashed potato with butter ang ginawa nito na nilagay sa isang tray.
"Aha. Ikaw lang naman ang kakain, baby." Saad nito na dinala sa harapan ko ang niluto nito.
Napalunok ako na masamyo ang mabangong aroma ng niluto nito. Sakto namang kumalam ang tyan ko na mahinang ikinatawa nitong kumuha ng kutsara at tinidor. Nagtimpla din ito ng hot choco na dinala sa harapan ko.
"Wala ka bang appetite?" tanong ko na nagsimulang kumain.
Gutom na gutom na rin kasi ako at talaga namang nakakatakam ang mga niluto nito. Nangingiti naman itong naupo sa tabi ko na pinapanood ako.
"Ayaw mo?" alok ko pa na sinubuan ito ng pancake na tinanggap nito.
"I've made it for you, baby. Para sa iyo talaga iyan," wika nito na uminom sa hot choco ko.
"Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko na ikinasilay ng pilyong ngiti sa mga labi nito.
"Natatakam. Kagabi pa nga eh. Kung hindi lang nanghina ang katawan ko. Pero ngayon. . . nakabawi-bawi na ang katawan ko, baby." Makahulugang saad nito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.
"May gusto kang kainin?" nagtataka kong tanong na ikinatango nito. "Iluluto ko?"
"No need, baby."
"Ha? Eh paano ka kakain?"
"Just open your legs for me, baby. I'll take care the rest," makahulugang saad nito na may halong landi.
Napalunok ako na napatitig ditong napangisi at hagod pa ng tingin sa aking kabuoan. At dahil shirt at boxer briefs nito ang suot ko ay nakalantad ang mga hita ko. Nakabakat din ang dibdib ko na wala akong suot na bra.
"I'm craving now," paanas pa nito na napadila sa ibabang labi.
"A-ano bang cravings mo?" utal kong tanong.
"Talaba mo, baby."
"Talaba ko?" naguguluhan kong tanong na ikinangisi nitong tumango. "Wala namang talaba dito, Daddy."
"Meron, baby. Nasa. . . pagitan ng mga hita mo." Paanas nito na ikinamilog ng mga mata ko!
"Daven Smith!"