RUFFA: NANGANGATAL ang kamay ko na tinawagan ang number na nag-message dito. Habang hinihintay na sumagot ito ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko! "Hello, Daven?" Napasinghap ako na napababa ng tingin kay Daven na nahihimbing nang marinig kong. . . si Katelyn nga ang nag-message dito! Kaagad kong ibinaba ang linya na ibinalik sa mesa ang cellphone nito. "Nakipagkita ka sa kanya? Bakit?" usal ko na panay ang pagtulo ng luha. Masama ang loob kong lumabas ng silid namin at kinatok si Kuya Luke sa silid nito. Kaagad naman ako nitong pinagbuksan at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto na makita ako. "What's wrong, sweetheart?" tanong nito. "Kuya," sambit ko na parang batang nagpapasaklolo ditong niyakap ito. Natigilan naman ito na kalauna'y niyakap ako pabalik at hinila ng

