Chapter 27

1533 Words
RUFFA: MATAPOS naming makapag paalam ng maayos sa pamilya namin ni Daven, inihatid na kami ng driver namin sa airport at tumuloy sa Switzerland kung saan ang napili kong pupuntahan namin. Dalawang linggo din ang itatagal namin sa bakasyon naming dalawa kaya hindi na ako makapaghintay makita ang bansang pinakapangarap kong mapuntahan! "Seems like you're so excited on our honeymoon, my wife." Bulong nito na hindi ko maitago ang saya at excitement na nadarama habang lulan kami ng eroplano. "Oo naman, Daddy. Ang dami kong gustong makita sa Switzerland at ngayon ay makikita ko na ng mga mata ko! Hindi na sa video lang," bulalas ko na ikinangiwi nito. "You mean. . . 'yong lugar ang excited kang makita? Hindi sa mga magaganap sa honeymoon natin?" tanong nito na ikinapilig ko ng ulo na inalisa ang tanong nito. "Anong ibig mong sabihin, Daddy? Syempre excited akong mamasyal tayo doon." Sagot ko na ikinalukot ng gwapong mukha nito. "Plano ko nga magkulong lang tayo sa silid eh," nakangusong reklamo nito na ikinakurap-kurap ko! "Siraulo ka ba? Anong saysay na pupunta tayo ng Switzerland kung magkukulong lang tayo ng silid? Eh 'di sana hindi na lang tayo nagpunta." Sagot ko dito na napakamot sa batok. "Kaya nga it's called honeymoon eh. Para sa mga bagong kasal," pagmamaktol nito na ikinangisi kong napisil ang matangos niyang ilong. "Tama ka naman. Para sa bagong kasal na nasa bakasyon. Para mamasyal at masolo ang isa't-isa." Wika ko na ikinabusangot nito. "Ikaw--puro kantutan yata ang nasa isipan mo?" paninita ko dito na namula ang pisngi! Nakurot ko ito na napahagikhik na pinipigilan ang kamay kong nakukurot ito kung saan-saan. "Ikaw, ang libog-libog mo talaga," ingos ko dito na natatawang niyakap ako. "Napakaganda, bata at sexy ba naman ng asawa ko. Paanong hindi ako lilibugan, wife?" tudyo nito na impit kong ikinairit na nahampas ito sa hitang natawa. "Tigilan mo ako. Hindi pa man ako ipinapanganak, malibog ka na. Tiyak na may mga naging girlfriend ka na noong pinagbubuntis pa lang ako ng ina ko," ingos ko na ikinatawa nito. "Grabe ka naman sa akin, baby. Isa lang naman naging girlfriend ko eh." Sagot nito na pinagsalinop ang mga daliri naming hinagkan ang palad ko. "Isa nga lang. Pero ang dami-dami mo na kayang binayo. Kung nababawasan lang 'yang sandata mo sa tuwing may babayuhin ka? Tiyak na naging pututoy na 'yan sa liit at napudpud na. Parang sa lapis na habang ginagamit mo? Nauubos." Saad kong ikinahalakhak nito na nakurot ko. "Mabuti na lang pala hindi nababawasan, baby. At kahit naman marami na akong naikama? I've always used protection. Kaya nakatitiyak akong malinis pa rin ako. . . at wala pang nabubuntis," sagot nito na ikinanguso kong napatitig dito. "Sigurado ka?" nagdududa kong tanong ditong tumango-tango. "Aha. 100% sure, baby." Puno ng kumpyansang sagot nito. "Eh 'yong ex girlfriend mo? Gumamit ka rin ba ng protection sa kanya?" tanong ko pa na maalala ang naging kasintahan nito. Nagseryoso naman ito na napatikhim. "No." Simpleng sagot nito na ikinalunok ko. Natahimik ako na sa labas ng bintana ibinaling ang paningin. Umakbay naman ito sa akin na pinasandal ako sa balikat nito at panay ang halik sa ulo ko. "We've never s*x, baby. Akala ko kasi ay siya na. That's why I've take care of her and treat her as my princess. Inuna niya ang pangarap niya and I'd let her go. Kaya sa tuwing nag-iinit ako noon ay sa ibang babae ako naglalabas ng init ng katawan." Saad nito sa mahaba-haba naming katahimikan. Hindi ako nakaimik na maalala ang unang araw na tumapak ako sa condo nito. Kung saan may binabayo itong babae noon at sarap na sarap silang dalawa. May babaeng sinasambit noon si Daven na sinasabi niyang 'sana ikaw siya.' At hindi na ako magtataka kung iniisip niya ang kasintahan nang mga sandaling iyon habang bumabayo ng ibang babae. Napalapat ako ng labi na pinagtatagpi-tagpi ang mga bagay-bagay. Namuo ang luha sa mga mata ko na nahihinulaan kung sino ang girlfriend nito dati. "Hindi kaya. . . ang nakababatang kapatid ni Kuya Luke ang kasintahan niya? Kaya hindi niya pa ito nagagalaw at iningatan dahil kapatid ito ni Kuya Luke? Si Katelyn nga kaya. . . ang dating kasintahan niya kaya galit na galit si Kuya Luke nang maabutan niya kami kahapon na magkatabi sa kama?" piping usal ko na maalala ang kapatid ni Kuya Luke na hindi ko pa nakikilala at palaging sinasabi ni Daven na gustong-gusto niya ang kapatid nito. "Hindi ko na siya mahal, baby. Let's not talk about her. She's already out of the frame. Tayong dalawa na ang mag-asawa ngayon. You are mine. And I am yours, Ruffa. There's no other woman can take me away from you," seryosong saad nito na matiim na nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako sa sinaad nito lalo na't bakas ang kaseryosohan dito. Hindi naman ugali ni Daven na magsinungaling kaya tiyak akong nagsasabi siya ng totoo. May parte sa puso ko na natuwa na malamang walang namagitan sa kanila ng dating kasintahan niya. At ako na ang nagmamay-ari sa kanya ngayon. Pero may parte din sa puso ko ang nakakadama ng selos na nauna siyang dumating sa buhay ni Daven kaysa sa akin. Minahal siya ni Daven at inalagaan. Kaya kahit asawa ko na siya at ako na ang mahal niya ngayon, may parte pa rin sa puso ko na nagseselos sa kanya. Sa lahat ng babaeng dumaan kay Daven, sa kanya ako threatened. Hindi ko alam pero, may takot sa puso ko kahit isipin ko pa lang pangalan nito. Wala silang maayos na break-up ni Daven. Nagkalabuan lang sila at nawalan ng communication sa isa't-isa. May takot sa puso ko na baka isang araw ay bigla na lamang itong lumitaw at bawiin si Daven mula sa akin. Kahit ako na ang mahal ni Daven ngayon, may pangamba pa rin sa puso ko na baka manumbalik ang pagmamahal ni Daven sa kanya at iwanan ako. Lalo na kapag pagtatawanan na siya ng lahat dahil isang hamak na katulong lang ang napangasawa niya. "What's wrong, wife?" nag-aalalang tanong nito na mapansing napakatahimik ko. Sumandal ako sa balikat nito para ikubli ang pagtulo ng luha ko na sinisilip nito ang mukha ko. "Wala. Nakakaantok pala ang mahabang flight natin," kaila ko na pilit pinatatag ang boses. Napahinga ito ng malalim na marahang pinipisil-pisil ang kamay kong hawak-hawak nito na napahalik sa ulo ko. "Sleep first if you're sleepy, baby. We still have a long way to go," saad nito na niyakap akong pinasandal sa dibdib nito. Hindi na ako sumagot na ipinikit ang mga mata. Ayokong masira ang magandang mood ko na mapupuntahan ko na ang mga naggagandahang tanawin sa Switzerland. Na pangarap kong makita dati pa, dahil lang sa dating kasintahan nito. MADILIM na nang makarating kami sa Switzerland. Sinalubong kami ng apat na lalakeng nagbigay galang pa sa aming dalawa ni Daven at umalalay sa amin. Kinakausap sila ni Daven sa German language na hindi ko naman maintindihan. Magkatabi kami sa backseat nitong kotse ni Daven. May dalawa kaming kasama dito, ang driver at isa pang nakaupo sa front seat katabi ang driver. Nakaakbay naman sa akin si Daven na panaka-naka akong hinahalikan sa ulo. "Are you cold, wife?" bulong nito na napahalukipkip ako. Winter na kasi dito sa Switzerland. Napupuno na nga ng snow ang paligid. At kahit nasa loob kami ng kotse, nanunuot pa rin sa buto ko ang lamig ng klima dito. "Okay lang ako, Daddy," sagot ko dito. Ilang minuto din ang itinagal namin sa byahe bago narating ang bahay kung saan kami tutuloy ni Daven. Akala ko ay sa hotel kami pero hindi. Pagkahatid sa amin ng mga tauhan nito sa bahay kung saan kami tutuloy, umalis na ang mga ito. Napagala ako ng paningin sa paligid na nababalot ng snow. Mag-isa lang ang bahay dito na gawa sa salamin ang dingding kaya kita mula dito sa loob ang paligid sa labas. Napangiti ako na yumakap ito mula sa likuran ko at nagsumiksik sa leeg ko habang nakatayo kami sa harapan ng glass wall dito sa silid namin. "Are you tired, wife?" bulong nito na ikinatango ko. Totoo namang pagod na pagod ang katawan ko sa mahaba-haba naming byahe. Gusto ko na ngang magpahinga pero dahil ito ang unang beses na nakapunta ako sa bansa na may snow at sa dream place ko pa, gising na gising pa rin ang diwa ko. Umuulan ng snow sa labas at kahit nababalot na ng snow ang paligid namin, nagagandahan pa rin akong pagmasdan ang tanawin mula dito sa loob. "Do you want to eat, wife?" muling tanong nito na nagsimulang humaplos ang kamay nito na nakapulupot sa puson ko. Napalunok ako na bumilis ang kabog ng dibdib ko lalo na't napapahalik na rin ito sa leeg ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili na makadama ng init at pananabik sa ginagawa nitong paghalik sa leeg at batok ko habang humahaplos ang kamay nito sa baywang ko. "H-hindi ako gutom, Daddy." Nauutal kong sagot. "Pwes ako gutom, baby. . . gutom na gutom na ako. . . sa'yo." Malanding anas nito na bumaba pa sa kaselanan ko ang kamay nitong ikinasinghap ko! "D-Daven."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD