RUFFA:
KABADO ako habang patungo kami ni Nanay Gemma sa simbahan na napili ko kung saan kami ikakasal. Nagulat na lang ako kanina na dumating si Nanay sa unit at siya ang kasama kong sumakay ng bridal car.
Ang sabi ni Nanay, katulad ng hiling ko ay simple at pribado ang kasal namin ni Daven. Nasa simbahan na rin ang lahat at kami na lang ang hinihintay. Maging ang suot kong gown ay simple lang din ang disenyo. Sakto lang ang haba nito na abot sa tuhod ko, silky ang tela at sleeveless ito na elegante tignan.
"Ikakasal ka na, anak. Ang bilis naman," wika ni Nanay na malapit na kami sa simbahan.
Napangiti ako na napatitig sa hawak kong white roses bouquet ko.
"Nabibilisan nga rin ho ako, Nay. Pero napakasaya ko po na maikasal sa kanya." Sagot ko na ikinangiti nito at ibang-iba ang kinang sa kanyang mga mata.
"Sigurado ka naman sa kanya, anak?" tanong pa nito na ikinatango ko.
"Opo, Nay."
"Basta kapag nagkaproblema ka, nandidito lang si Nanay ha? Kapag napagod ka na o gulong-gulo ka sa lahat, nakabukas ang pintuan ng bahay natin. Nandoon lang ang Nanay na naghihintay sa'yo. Kahit magkaroon ka na ng asawa at mga anak? Mananatili kang anak ko. Nakabukas palagi ang pintuan ng bahay natin para sa'yo," wika nito na may kakaibang lungkot sa kanyang mga mata.
Napangiti ako na hinawakan ang kamay nitong nangilid ang luhang matiim na nakatitig sa akin.
"Maraming salamat po, Nay. Kung hindi dahil sa inyo, baka wala na po ako ngayon. Utang na loob ko sa inyo ang pangalawang buhay ko. Napakaswerte ko po na natagpuan ko kayo at maging ina kayo, Nay Gemma." Sagot ko dito na tumulo ang luhang niyakap ko.
"Ang bilis ng panahon. Hindi pa kita kayang pakawalan, anak. Kukunin ka na nila sa akin," humihikbing saad nito na ikinangiti kong namuo ang luha sa aking mga mata.
"Anak niyo pa rin ako kahit magkaroon na ako ng sarili kong pamilya, Nay. Walang makakapalit sa'yo sa puso ko. Nanay ko pa rin kayo kahit mag-iiba na ang apelyedo ko," sagot ko na hinagod-hagod ito sa likuran.
Nang makalma na ni Nanay ang sarili, kumalas na ito na pinahid ko ang luha. Kakaiba ang lungkot sa kanyang mga mata na matiim na nakatitig sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko na pilit ngumiti.
"Alam ko namang nakikihati lang ako sa'yo, anak. Pero sana hwag kang magbago anuman ang mangyari sa hinaharap. Sana hindi mawala ang Ruffa na minahal at pinalaki ko. Kasi ang kabutihan sa puso mo, 'yan ang totoong yaman mo, anak ko. Hwag sanang mawala ang kabutihan sa puso mo, Ruffa. At sana. . . sana kalimutan mo na ang itinanim mong paghihiganti at poot d'yan sa puso mo sa taong pumaslang sa nakagisnan mong mga magulang," madamdaming saad nito na ikinapilig ko ng ulo.
"Kinagisnang mga magulang?" ulit kong tanong na ikinatikhim nito.
"Ahem! Ang ibig kong sabihin, ang mga magulang mong namayapa na." Pagtatama nito na nag-iwas ng tingin sa mga mata ko.
Ngumiti ako na tumango-tango. "Subukan ko po, Nay. Susubukan ko po." Tanging sagot ko.
Gusto ko sanang sabihin kay Nanay na nahanap ko na ang taong pumaslang sa mga magulang ko. At ang Kuya Mario ko. Pero ayoko nang maging alalahanin niya lalo na't magkakalayo na naman kami.
PAGDATING namin sa simbahan, nakaabang naman si Kuya Luke sa labas. Kapansin-pansin na walang masyadong tao dito ngayon. Pero may mga naka-standby na bodyguards sa buong simbahan.
"Are you ready, sweetheart?" tanong nito na inalalayan kami ni Nanay makababa ng bridal car.
Ngumiti ako na tumango dito. "Opo, Kuya. Medyo kabado pero handa na po." Sagot ko.
"Ngumiti ka lang, anak. Mas maganda ka kapag nakangiti ka," wika ni Nanay na ikinatango ko.
"Salamat po, Nay."
"Let's go?" ani Kuya na ikinatango ko dito.
Napabuga ako ng hangin na kinakalma ang puso ko habang palapit kami sa nakasaradong pintuan ng simbahan. Dinig pa namin ang pag-anunsyo ng wedding coordinator na nasa harapan na kami.
"Here comes the bride!" masiglang anunsyo nito kasabay ng pagbukas ng pintuan.
Pumailanlang ang malamyos na musika na pinili ko sa pagpasok namin ng simbahan. Namuo kaagad ang luha sa mga mata ko habang dahan-dahan kaming humakbang papasok ng simbahan.
Nasa kaliwa ko si Nanay habang si Kuya Luke naman sa kanan ko. Silang dalawa ang umakay sa akin na kasama kong naglakad ng red carpet na puno ng mga rose petals.
Para akong hinahaplos sa puso ko na mapatitig sa napakakisig at gwapong lalake na nakatayo sa harapan ng altar. Nakangiti itong bakas ang halo-halong emosyon sa mga mata habang nakatitig sa akin ng diretso. Mas lalo pa yata itong naging gwapo ngayon na naka-tuxedo ito ng all white. Bagong gupit at ahit din ito na bumagay sa kanya at mas bumata pa ang itsura. Hindi nga halatang forty-five na siya sa itsura niya lalo na ngayon.
"Infairness. Gwumapo ang unggoy," bulong ni Kuya Luke na ikinalapat ko ng labing nagpipigil matawa sa sinaad nito.
"Masama pa rin ba ang loob mo, Kuya?" pabulong kong tanong dito.
"Oo naman, sweetheart. Para mo na kaya siyang ama. He's too old enough for you," sagot nito na mahinang ikinahagikhik namin ni Nanay.
"Naku, Sir Luke ha? Kaedaran mo rin si Sir Daven, 'di ba? Alalahanin mong wala ka pang asawa. Baka naman mamaya ay mahulog ka rin sa bata, katulad ng kaibigan mo." Tudyo ni Nanay ditong napangiwi.
"Hindi po ako mahilig sa bata, Tita. Parang nakakakunsensiya namang magmahal ng parang anak mo na. Matibay kasi ang sikmura ng unggoy na 'yon eh. Nagawang kumain ng bata," palatak nito na ikinahagikhik namin ni Nanay.
"Kuya ha? Tatandaan ko 'yan. Kapag ikaw talaga nahulog sa kaedaran ko." Tudyo ko.
"That won't happen, sweetheart. Hwag na lang akong mag-asawa kung bata lang din naman." Sagot nito na kumpyansado sa tinuran.
Pagdating namin sa harapan, nagkasukatan pa sila ng tingin ni Daven bago ako nito tuluyang ibinigay kay Daven na pangisi-ngisi sa kaibigan.
"You won this time. But I'm still watching you. Don't you dare to hurt my little sister, Smith." Mahina pero may kariinang pagbabanta ni Kuya Luke dito.
"I won't do that, Payne. I'll take care of her." Sagot nito na tinapik sa balikat si Kuya Luke.
Napangiti akong yumapos sa braso nito na tuluyan na akong ipinaubaya ni Nanay at Kuya Luke dito. Nangingiti naman ang pamilya namin na nandidito at bakas ang tuwa sa kanilang mga mata na nakamata sa amin ni Daven.
"Are you ready to become my wife, baby?" bulong nito na inakay na ako sa gitna kung saan naghihintay ang pari na siyang magkakasal sa aming dalawa.
"Oo naman, Daddy. Hindi na nga ako makapaghintay eh." Sagot ko.
"Me too, baby."
"Totoo?"
"Aha. I can't wait to marry you. . . and to make love with you on our honeymoon after this, baby." Pilyong bulong nito na impit kong ikinairit na nakurot ang tagiliran nitong napahagikhik.
"Honeymoon agad? Wala naman sa usapan nating may honeymoon tayo ah," saad ko dito na napangisi.
"Are you saying me that we should skip the exciting part of being married, hmm?" bulong nito na ikinagapang ng init sa mukha ko.
"Wala tayong napag-usapan na may honeymoon tayo." Mahinang sagot ko na ikinasilay ng pilyong ngiti sa mga labi nito.
"Hindi iyon mawawala, baby. That is what I've been waiting for." Bulong naman nito na hinapit na ako sa baywang.
"Kainis 'to. Hindi pa ako handa para doon."
"You still have one hour to ready yourself, baby."
Napairit ako na nakurot itong natawa na hinagkan ako sa ulo na nagseryoso na rin na humarap na kami sa pari.
MATAPOS ang kasal namin, tumuloy kami sa exclusive restaurant nila Daven at dito nananghalian. Pinasarado pa nila ang buong restaurant para walang ibang makakapasok.
Sa isang araw ay naramdaman kong kumpleto ako. Nandidito sina Nanay at Lola. Ang buong pamilya ni Daven. Maging si Kuya Luke at mga magulang nito. Dumalo din ang dalawa pang matalik na kaibigan ni Daven na ipinakilala nito sa akin kanina. Sina Sir Chloe Montereal at Delta Madrigal kasama ang kanilang mga asawa at anak.
Napapilig ako ng ulo na mapansin ang dalagang anak nila Sir Chloe. Tama nga ang sinabi ni Daven sa akin noong nakaraan. Malaki na ang mga anak nito dahil maaga itong nag-asawa kumpara sa kanila nila Sir Delta at Kuya Luke.
Kanina ko pa kasi sa loob ng simbahan napapansin ang dalagang anak nila Sir Chloe na panay ang pagsulyap kay Kuya Luke na hindi umaalis sa tabi ko. Babae rin ako at alam ko kapag gano'n makatingin ang isang babae sa isang lalake. Siya rin ang nakasalo ng bouquet ko kanina na napangisi pa na nilingon si Kuya Luke.
"Kuya, ilang taon na nga ulit 'yong anak ni Sir Chloe na dalaga?" bulong ko kay Kuya Luke habang kumakain kami.
Napalingon ito sa mesa nila Chelsea na matamis na ngumiti sa aming nginitian din pabalik ni Kuya.
"She's just eighteen, sweetheart. Why?" sagot nito na ikinatango-tango ko.
"Inaanak niyo siya, tama?" tanong ko na maalalang sinabi ni Daven sa akin na Ninong sila ng anak ni Sir Chloe.
"Aha." Sagot nito na patuloy sa pagkain.
"At napakaganda niyang bata."
"Indeed, sweetie. Pinaghalong Montereal at Madrigal 'yan," bulong nito na napasulyap sa gawi nila Chelsea at sunod-sunod napaubo na nasamid itong kinindatan ng inaanak!
"Okay ka lang, Kuya?" tanong ko na nakatatlong baso ito ng tubig na hiningal.
Namumula din ang pisngi at tainga nito na pinaningkitan ang inaanak nitong napakagat ng ibabang labing tila inaasar ang Ninong nitong nabilaukan.
"I'm okay, sweetheart." Sagot nito na sa inaanak nakamata. "Ang pilya talaga."