DAKPIN SI HALEYA *** "Hindi ko maunawaan ang iyong nais Kalis, paano ko isusuko ang taong hinahanap mo gayong wala naman siya rito?" Ang sabi ni Datu Tarong na ikinalunok ko at para na akong naestatwa ngayon sa kinatatayuan ko. "Huwag ka ng magmaang maangan pa aking kapatid, nabatid ko na ang kanyang ngalan sa pamamagitan ni Datu Saram at siya ay si Haleya" Ang sabi ni Datu Kalis na ikinatigil ko at halos mabingi na ako sa kaba. "Haha napakapalad ko lamang sa pagka't mayroong nakapagsabi sa akin na dito raw naninirahan sa iyong banwa, ang Haleya na aking hinahanap" Ang sabi ulit ni Datu Kalis habang patawa tawa pa. "Holy s**t! I'm doom!" Napansin kong pasimple akong nilingon ni Ginoong lumad na tila alam niyang nasa likod lang nila ako. Nagtama ang mga tingin namin at kita sa mga mat

