Ngayun lang ako... nakaramdam ng sobrang takot na nag mumula kay Pavel. Damang dama ko ang takot sa kanyang dibdib habang yakap yakap ako kanina, hindi maalis sa aking isipan kung paano niya ako yakapin, pakiramdam ko ay nangayre na ito noon, kung paano niya ako yakapin kanina ay ganon din ang pakiramdam na parang nangyare na ito. Pero bakit nararamdaman ko na nangyare na ito kung unang beses pa lang naman namin mag kita ni Pavel, ito din ang unang beses na yakapin niya ako ng sobrang higpit na para bang natatakot ito na bitawan ako dahil baka mawala ako. Nakahanda na kami upang umalis sa simbahan na nasa harap ko, sa totoo lang ay hindi ko na maatim na mag tagal sa lugar na ito, naaalibadbaran ako habang nakikita ko ang mga anghel na kaaway namin. Tumingin ako kay Cynrad ng bigla niya

