Minulat ko ang aking mata, at madilim na paligid at uunting liwanag ang aking unang nakita. Umupo ako at pinagmasdan ang paligid. Wala kami sa kakahuyan, nasa loob ba kami ng kweba? Sinubukan kong alalahanin ang naganap kanina, ngunit wala akong maalala. Ang tanging huling nag pplay sa aking utak ay ang pag tawag ni Pavel sa aking pangalan. Napatingin ako sa kanya, tahimik at mapayapa siyang natutulog sa tabi ni Bael. Habang si Cynrad naman ay naka upo at naka sandal sa bato habang tulog. Sa mununtin apoy nag mumula ang mumunting ilaw namin. Nawalan ako ng malay kanina? Pero bakit nadamay pati ang kaluluwa ko? Sa mga ganong pagkakataon ay humihiwalay lamang ang kaluluwa ko sa katawang tao kapag napapagod ang katawang gamit ko. Maliban na lamang kung pati ang kaluluwa ko, ay pagod

