Tahimik lamang ako habang naka tingin sa tatlo na nag uusap, halata kay Pavel na excited siya sa pag labas sa palasyo, habang sila Cynrad at Bael naman ay naguguluhan parin. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa ibang dereksyon, sa papaanong paraan ko sisimulan ang pag tuturo ko sa kanya ng mga masasamang gawain? Mahirap kumilos sapagkat kasama namin ang dalawang kaibigan niya na sigurado akong kokontrahin nila ang mga sasabihin ko kay Pavel. Mukhang mahihirapan pa ako dahil sa dalawang ito. "Ksara, anong dadalhin mo?" Sinamaan ko ng tingin si Pavel ng banggitin niya ang pangalan ko, ngumiti lang siya at napakamot sa kanyang ulo. "Pasensya na, ang ganda lang kasing banggitin ng pangalan mo." Sabi nya kaya napairap ako. "Wala akong dadalhin." Sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

