"Pinapatawag ako ni ama? Bakit?"tanong ni Pavel kay Bael, nanatili akong naka tingin sa bracelet na suot ko na ibinigay sa akin ni Pavel sa labas ng palasyo. "Hindi ko alam, ang narinig ko lang 'Dumating na ang araw.' " dinig kong sabi ni Bael. "Araw? Anong araw ba ngayun?"tanong ni Pavel. "Sabado."sagot ko, naramdaman ko ang pag titig niya sa akin. "Sabado, anong araw ba ang inaabangan ni ama?"tanong nito kaya napa angat ako ng tingin at nakitang nag iisip siya. Umiiral na naman ang pagiging mangmang niya. "Baka araw sa solar system ang inaabangan niya, hindi kaya bababa dito ang araw?"tanong niya kaya napa pikit ako sa sobrang kamang mangan niya. "AHHAHAHAAH Pavel naman, gamitin mo naman isip mo." Sabi ni Bael kaya medyo napa ngiti ako, nag pout si Pavel at tumingin sa akin. "Ta

