NATUWA si Cheryl nang makita niya ang kanyang mga bisita nang Sabado na iyon. Sina Anton at Enid ang nadatnan niyang naghihintay sa kanya. Kapwa may magandang ngiti na nakaukit sa labi ng mga ito. Pilit niyang sinasabi sa kanyang sarili na natutuwa lamang siya na makita ang kanyang pamangkin at hindi kasama sa katuwaan niya ang presensiya ng ama nito. Ilang araw rin niyang hindi nakita ang mga ito. Na-miss niya nang husto ang bata. Bukod sa trabaho, naging abala rin si Cheryl sa kanyang pamilya. Lagi siyang dumadalaw sa tunay niyang ina sa Tagaytay. Bumabawi sila nang husto sa isa’t-isa. Lagi rin niya itong kausap sa telepono at ka-text. Ang mga kuya niya ay palagi rin niyang nakikita. Labis siyang nag-e-enjoy sa pagkakaroon ng mga nakatatandang kapatid. Kaagad niyang niyakap si Enid a

