“ARE you okay?” nag-aalalang tanong ni Anton kay Cheryl. Katutulog lang ni Enid. Naglambing pa kasi ang bata na samahan nila ito sa paggawa ng assignments. Nang matapos sila ay hinayaan nilang maglaro ito sa computer. Nakipaglaro pa sila nang kaunti bago nila inutusan ang anak na matulog na. “Yeah, I’m okay,” sagot niya. “Galing daw dito sina Joshua kanina.” Tumango siya. “Everything’s okay. Panahon na para magkabati-bati kayo. It would be healthy for Enid. I already talked to them and they’re giving you another chance.” Niyakap siya nito at hinagkan sa mga labi. “Thank you so much.” Ngiti ang naging tugon niya. Inihatid siya nito hanggang sa pintuan ng guest room na tinulugan nila kagabi. Akmang bubuksan na nito ang pinto ngunit pinigil niya. Ginagap niya ang kamay nito at inakay pa

