KAHIT na puyat, maaga pa ring nagising si Cheryl. Napangiti siya nang mabungaran ng kanyang mga mata ang guwapong mukha ni Anton. Maingat siyang kumawala sa mga braso nito upang makabangon. Umungol ito at umiba ng posisyon ngunit hindi naman tuluyang nagising. Naghilamos at nagsepilyo siya sa banyo. Masiglang bumaba siya sa kusina. May nadatnan siyang ilang kawaksi roon na magalang siyang binati. Sinabihan niya ang mga ito na siya ang magluluto ng almusal ng mag-ama. Itinaas niya ang kanyang buhok bago siya humarap sa kalan. Iginawa niya ng masarap na sinangag ang mag-ama. Ipinaghanda rin niya ng babaunin si Enid sa eskuwela. Patapos na siya sa pagluluto nang biglang pumasok sa kusina si Anton. Tila nakahinga ito nang maluwag nang makita siyang naroon pa rin. “`Morning,” masiglang bat

