HABANG binabasa ni Anton ang karagdagang report tungkol kay Cheryl Arpilleda na ibinigay sa kanya ng inupahan niyang private investigator ay lalong lumalayo siya sa posibilidad na maaaring si Cheryl at Chenie ay iisang tao lamang. Nakumpirma niya na hindi nagsisinungaling ang babae. She was born and raised in America. Nakarating lamang ito sa Pilipinas nang magtrabaho kay Vann Allen na regular kung umuwi sa bansa. Salamat na rin at sa isang sikat na celebrity nagtatrabaho si Cheryl dahil naging madali para sa kanya ang pagkalap ng mga impormasyon. Parehong purong Pilipino ang mga magulang ni Cheryl ngunit bago pa man ito ipinanganak ay sa Amerika na nakabase ang pamilya nito. He saw some of her pictures while growing up. Para niyang nakikita ang kanyang anak sa mga lumang larawan. Nakuha

