BUMILIS nang husto ang t***k ng puso ni Cheryl habang nakatingin sa bahay na pinaghatiran niya kay Enid. They were right in front of an old English-style house. The exterior of the house was elegant and lovely. The house was achingly familiar. Hindi alam ni Cheryl kung saan niya iyon unang nakita. Hindi niya maalala kung may nakita na siyang bahay dati pa na may ganitong istilo. Malamang na nakakita na siya ng ganitong istilo ng bahay sa mga tour ni Vann Allen sa iba’t-ibang bansa. “Bumaba po muna kayo,” yaya sa kanya ni Enid. “Ahm...” Nais tumanggi ni Cheryl. Gabi na rin at kailangan na nitong magpahinga. Isa pa, ayaw niyang makitang muli ang ama nito. Ngunit hindi niya mapahindian ang bata. Tila ayaw pa nitong mahiwalay sa kanya. Siya man ay ganoon din kaya sumama pa siya sa driver

