“THANK you,” nakangiting wika ni Cheryl kay Anton nang iparada nito sa harap ng mansiyon ng mga Balboa ang sasakyan. “Ako ang dapat na magpasalamat sa `yo,” tugon ni Anton. Maingat nitong kinuha mula sa mga braso niya ang natutulog na si Enid. Nakatulog na ang bata sa kotse. Napagod marahil sa maghapong pamamasyal. “I had a good time. Hindi ko akalain na mag-e-enjoy ako na kasama kayong mag-ama,” ani Cheryl. Parang ayaw pa niyang bumaba. Nais pa niyang makakuwentuhan si Anton. Nais pa sana niyang pagmasdan ang natutulog na si Enid. She wanted to tuck the little girl into bed. Pagkatapos ng nangyari sa boutique ay bahagya silang nakailangan ngunit dahil kay Enid ay unti-unti ring nawala iyon. Nginitian siya nang masuyo ni Anton. “I’m glad to hear that. I know how hard it is for you. W

