KAHIT na may ideya na si Cheryl sa mangyayari sa pagtungo niya sa Tagaytay kasama sina Joshua at Ike upang makaharap ang mga magulang ng mga ito ay wala pa ring nakapaghanda sa kanya sa nangyari. Hindi niya maipaliwanag ang bugso ng damdaming nadama habang nakatingin sa babaeng sinasabi ng mga ito na nagluwal sa kanya. Tila hindi rin nito alam kung ano ang madarama. The woman was looking at her with tears on her eyes. Natutop ng kamay nito ang bibig at tila nagpipigil lamang na mapahagulhol. Cheryl felt like sobbing to her heart’s content, too. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Tumakbo siya patungo rito at yumakap nang mahigpit. She felt like home. Pakiramdam niya ay matagal siyang nangulila sa babae. Tila ayaw na niyang lumayo at kumawala sa mga bisig nito. “Mama...” she cr

