10

1872 Words
NAGISING si Anton dahil sa matinding p*******t ng kanyang ulo. Napaungol siya at dumilat. Ang pamilyar na kisame ng kuwarto nilang mag-asawa ang unang nasilayan niya. Nakauwi pala siya ng bahay nang nagdaang gabi. Nanigas siya nang may maramdamang malambot na katawan sa tabi niya. May mga brasong nakayakap sa kanya. Nanuot sa ilong niya ang isang pamilyar na amoy. He panicked. Hindi iyon ang amoy ng kanyang asawa. Hindi si Chenie ang babaeng kasama niya sa ibabaw ng kama. Imposible na si Chenie ang babaeng nasa tabi niya at nakayakap sa kanya. Nasa Tagaytay ang kanyang mag-ina. Kahapon pa naroon sina Chenie at Enid dahil kaarawan ng biyenan niyang lalaki. Mamayang gabi pa ang uwi ng mga ito. Dapat ay kasama siya sa pribadong selebrasyon ng pamilya, ngunit may isang kaibigan siya na dumating sa kanyang opisina. Matagal na niya itong hindi nakikita dahil sa ibang bansa na nakabase. Nagyaya ang kaibigan na lumabas naman sila bago ito umalis ng bansa. Nagpaunlak siya dahil kinabukasan na kaagad ang flight nito at ayaw naman niyang magtampo ito. Tinawagan niya si Chenie at nagpaalam na kung puwede ay sumama muna siya sa mga kaibigan niya. Nangako siyang babawi na lang siya sa mga ito. Dahil likas ang kabaitan ng kanyang asawa, pumayag kaagad si Chenie. Ano ang nangyari kagabi? Ang naaalala ni Anton ay nagkakasiyahan sila ng mga kaibigan niya sa isang bar. Naparami ang inom niya. Ang huling naaalala niya ay hilung-hilo siya dahil sa kalasingan. Hindi nga niya alam kung paano siya nakauwi. Now, he was naked with another woman. The woman purred. Mariing naipikit ni Anton ang mga mata nang mapagtanto kung sino ang kasama sa kama nilang mag-asawa. It was Andrea. Unti-unting gumalaw si Andrea. Kaagad bumangon si Anton mula sa pagkakahiga. Ngunit bago pa man siya ganap na makababa sa kama ay naramdaman na niya ang pagyakap nito sa kanya mula sa likuran. Ramdam na ramdam niya ang hubad nitong dibdib. Kung dati ay apektado siya sa pagdadaiti ng kanilang mga katawan, ngayon ay hindi na. “We’re through, Andrea,” aniya sa mahina ngunit galit na tinig. Ang kapal ng mukha nito na gawin ang bagay na iyon. Mabuti na lamang at wala ang kanyang asawa, kung hindi ay masisira ang pag-uumpisa nila. “Hindi `yan ang gusto mo kagabi,” ani Andrea habang naglilikot na ang mga kamay nito. Those hands were already travelling south. Kahit na nagi-guilty si Anton sa naganap, hindi niya magagawang magsabi kay Chenie. They were starting again. Ang nais sana niya ay lumaki si Enid sa isang normal at masayang pamilya. Kailangan niyang tigilan na ang lahat ng kanyang mga kalokohan. His wife didn’t deserve that. Kahit na sapilitan ang nangyaring pagpapakasal nila, hindi naman nangangahulugan na hindi na sila maaaring maging normal na mag-asawa. Anton realized that he already loved his wife. Sino namang lalaki ang hindi mahuhulog sa katulad ni Chenie? She was a great woman. Dito niya lamang naranasan ang pag-aasikasong hinahanap-hanap niya. Mahal na mahal din siya ng asawa. Ayaw niyang maghirap pa ang kalooban nito dahil sa kanya. He hated himself for screwing up again. Dapat ay nagtuloy na siya sa Tagaytay kahapon upang hindi na ito nangyari. Inalis ni Anton ang kamay ni Andrea sa kanyang katawan. “You should go,”sabi niya. Tumayo na siya at napagtantong wala talaga siyang kahit na anong saplot sa katawan. Magtutungo na sana siya sa banyo nang bigla siyang hilahin ni Andrea pabalik ng kama. Nabigla siya at nawalan ng panimbang. Bumagsak siya sa kama, sa ibabaw ni Andrea. Napangiti si Andrea. Ipinaikot nito ang mga braso sa kanyang leeg. “You can’t get away from me, Anton. Ako ang mahal mo, hindi ako naniniwalang mahal mo na ang asawa mo. Natatakot ka lang na mawalan ng mamanahin sa mga magulang mo kaya mo siya pinakasalan. Hindi mo siya kailanman magagawang mahalin dahil ako lang ang nasa puso mo.” “I love her, Andrea. I’ve fallen in love with her. I’ve fallen for her, hard and deep. Tinapos ko na ang lahat sa atin. Hindi na ako malaya. Humanap ka na ng ibang lalaking mas karapat-dapat na mahalin,” aniya habang inaalis ang mga braso nitong nakapulupot sa kanyang leeg. “Liar,” galit na sabi ni Andrea. Bago pa man siya makahuma ay napagdikit na nito ang kanilang mga labi. Kasabay ng pagdidikit ng kanilang mga labi ay ang pagbukas ng pintuan ng silid. Kaagad humiwalay si Anton kay Andrea. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kanyang asawa sa may pinto. Wala siyang mahagilap na akmang salita upang ilarawan ang hitsura ni Chenie nang mga sandaling iyon. Hurt was evident in her tear-filled eyes. Kaagad na bumaba si Anton sa kama at nilapitan ang asawa. “Chenie—” “Don’t touch me!” singhal ni Chenie sa kanya nang akmang aabutin niya ito. Her eyes were full of pain and hatred. Noon lamang niya nakita ang matinding pagkasuklam sa mga matang iyon. Nanginginig ang asawa sa sobrang galit. She was crying already. “Chenie, let me explain,” pagsusumamo ni Anton. “What is there to explain?” sabat ni Andrea na tila walang pakialam kahit na nakabuyangyang ang hubad nitong katawan sa kanila. “Kung ano ang nakita mo ay iyon na, Chenie.” Nais niyang sakalin si Andrea nang mga sandaling iyon. He felt so helpless. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Hindi niya alam kung paano niya mapapaniwala ang kanyang asawa na hindi niya sinasadya. “Shut up, Andrea!” sabi ni Anton sa babae. Kung ayaw siya nitong tulungan, dapat ay manahimik na lamang ito roon. “Ayoko,” anito sa mariing tinig. “Tapusin na natin ang lahat ng ito dahil nakakasawa na. Ikaw, Chenie, wala ka namang karapatang magalit sa `min, eh. Ano, pakiramdam mo, inagawan ka? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nang-agaw sa `kin ng lalaki. Akin naman talaga si Anton. Pinikot mo lang siya para pakasalan ka niya. Hindi ba at sinadya mo pang magpabuntis para lamang matali siya sa `yo? Nakakaawa ka kasi kahit na ikaw ang pinakasalan, akin pa rin ang puso at kaluluwa niya.” “Shut up!” singhal ni Anton. Ngunit nagpatuloy pa rin si Andrea na tila walang narinig. “Kahit na kasal na kayo, akin pa rin siya. Hindi naputol ang relasyon namin kahit na kasal na siya sa `yo. Kapag nakabawi na ang mga negosyo ng mga Quan, hihiwalayan ka rin niya. Bibigyan ko rin siya ng anak para hindi mo magamit si Enid. Hindi siya kailanman magiging sa `yo. Akin lang siya, Chenie. Akin!” Patakbong nilisan ni Chenie ang silid. Mabilis isinuot ni Anton ang pantalon na nakita niyang nakakalat sa sahig. “Iyan ang bagay sa `yo,” narinig niyang sabi ni Andrea. Mariin niyang hinawakan ang braso nito. Nag-aapoy na rin siya sa sobrang galit. “Hinding-hindi kita mapapatawad kapag tuluyang nawala sa `kin ang mag-ina ko,” galit na banta niya rito. Hindi na niya hinintay na makatugon pa si Andrea. Mabilis niyang sinundan ang kanyang asawa. Naabutan niya si Chenie sa may garahe. Akmang sasakay na ito sa sasakyan nito nang pigilan niya ito sa braso. Kaagad nitong nahampas ang kanyang mukha. “I hate you!” “Chenie, magpapaliwanag ako. Nagsisinungaling si Andrea. Hindi totoo ang mga sinabi niya. I love you. Please believe me.” Muli sinampal ni Chenie ang mukha niya. Hindi inalintana ni Anton ang sakit. Alam niyang mas matindi ang sakit na idinudulot niya sa asawa. Kahit na saktan nito ang buong katawan niya, hahayaan lamang niya. “Wala akong ibang lalaking minahal kundi ikaw lang,” ani Chenie sa pagitan ng mga luha at paghingal. Tila dinudurog ang puso ni Anton sa nakikita niyang anyo ng asawa. She looked so broken.  He had broken her. The mere thought that he had done that broke his heart also. Bakit kailangang mangyari iyon sa kanila? They were just barely starting. “Hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang lalaking minahal ko,” pagpapatuloy ni Chenie. “Kung maibabalik ko lamang ang lahat, hindi ko na hahayaan ang sarili ko na mahalin ang isang katulad mo. Ano ba ang nakita ko sa `yo? Ang sabi mo, susubukan mo akong mahalin. Ang sabi mo, magiging isang tunay na pamilya na tayo. Inasahan ko ang pangako mong iyon. I believed in you. I believed that you’d love me someday. Kung hindi mo ako kayang mahalin, fine! Sana lang ay hindi mo na ako sinasaktan dahil wala kang karapatan kahit pa sabihing pinikot lang kita para pakasalan ako. Mambababae ka na rin lang, sana ay ibinahay mo na lang siya. Bakit kailangan n’yong magtampisaw sa kasalanan sa mismong kuwarto natin, sa mismong kama natin?!” Tumingin si Chenie sa kanilang bahay. “This is my home. Bawat munting bagay sa bahay na iyan ay ako mismo ang namili. Masusi kong pinag-isipan ang bawat detalye—mula sa kulay ng pintura hanggang sa pinakamaliit na figurine. Ang gusto ko kasi ay masiyahan ka sa tuwing uuwi ka sa bahay na ito. Ang gusto ko, lumaki ang anak ko sa isang masayang tahanan at maayos na bahay.” Humagulhol si Chenie sa palad nito. “Hirap na hirap na akong mahalin ka, Anton. Pagod na pagod na akong maghintay ng araw na maiisipan mong mahalin din ako. Durog na durog na ang puso ko. Lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay, ibinigay ko na sa inyo ni Enid. Wala nang natira para sa sarili ko. I’m just twenty, Anton! I’m at the prime of my life. Pero dahil mahal kita, kinalimutan ko ang mga pangarap ko. Mas pinili kong maging isang full-time mother at asawa. Hindi ko binalikan ang pag-aaral ko para may mag-aalaga sa anak mo at para may maghanda ng pagkain at mga gamit mo. Ganito lang ang mapapala ko ngayon? Sana... sana hindi na lang kita minahal.” Niyakap ni Anton ang asawa. Buong lakas itong nagpumiglas. Upang hindi na nito masaktan ang sarili, hinayaan na lang niya itong makawala. He realized he was also crying. Ngayon lamang niya nalaman na napahirapan niya nang husto ang kanyang asawa. “Siguro, walang saysay kung sasabihin ko ngayon na tapos na tayo dahil wala namang ‘tayo’ in the first place. I was never your wife, I was just the girl you married.” Sumakay si Chenie sa kotse nito at pinasibad iyon palayo. Wala siyang nagawa kundi ang panoorin ang paglayo nito. Nais niyang sumunod, ngunit baka hindi mapabuti kung mapapansin nitong nakasunod siya. Baka lalo itong mapahamak. Sa mga kapatid nito siguro pupunta ang asawa. Doon lamang naman ito nagtutungo sa tuwing may problema. Kailangan muna siguro niyang bigyan si Chenie ng kaunting space upang makapag-isip-isip, upang kumalma nang kaunti. Kailangan muna niyang asikasuhin ang lahat ng gusot upang pagbalik nito ay maayos na ang lahat. Magpapaliwanag si Anton. Magmamakaawa siya na bigyan pa siya ni Chenie ng isa pang pagkakataon. Hindi niya maaaring sukuan ang kanyang pamilya. Hindi niya maaaring basta na lang isuko ang pagmamahal niya. Kung kinakailangan niyang manligaw habang-buhay, gagawin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD