HINAGKAN ni Stefano ang kamay ng asawa na si Virginia. She looked disturbed even in her sleep. He kissed her forehead. Kalalabas lamang ng doktor sa silid nilang mag-asawa. Maayos naman daw ang kalagayan nito. Nagkamalay na ito kanina ngunit kailangan turukan ng sedative dahil hysterical ito. Alalang-alala siya sa kalagayan ng asawa. Kasabay niyon ay natatakot siya sa pagbubulgar ng sekretong akala niya ay dadalhin na niya sa hukay. Talaga nga yatang walang sekretong hindi nabubunyag sa takdang panahon. Ang akala niya ay napagtagumpayan niya—nila—na itago ang lahat. Sa mga nakalipas na taon, hindi na sinubukan ni Stefano na makipag-ugnayan kay Ephraim. Parte ng kasunduan nila na hindi na sila magpapakita sa isa’t-isa habang-buhay, na mananatili silang naninirahan sa magkabilang panig n

