“HI, Mama, Papa,” bati ni Ike sa mga magulang na sinadya pa niya sa Tagaytay pagkagaling niya sa building ng VA Corporation. Hindi niya maaaring ipagpabukas ang sadya. Hinagkan niya ang pisngi ng mga ito. “Hello, son,” magiliw na bati ng kanyang ina. “Nandito na po ba si Josh?” tanong niya. “I’m here.” Nilingon ni Ike ang nakatatandang kapatid. “What’s the rush, Ike? Bakit kailangan mong magdemand na kailangang narito ako ngayong gabi? May problema ba? I had to cancel a dinner meeting for this, so this better be good,” pormal na sabi ni Josh bago humalik sa pisngi ng mga magulang nila. Huminga muna nang malalim si Ike bago nagsimula. “I saw Chenie today. She’s alive.” Sinampal siya ng kanyang ina. Inasahan niya na gagawin nito iyon. “Hindi magandang biro `yan, Ike! Kahit na mataga

