014 Kira Nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako sa pwesto ni Zachary. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya upang icheck ang lagay niya. Dinamdam ng likod ng palad ko ang leeg niya. Mygad! Inaapoy siya ng lagnat. Duon na ako lalong nataranta. Naghari ang takot sa buong sistema ko at halos hindi ko na malaman ang gagawin. Marahan ko siyang tinapik-tapik upang gisingin. Kailangan na talaga niyang madala sa hospital. "Zach." "Zachary gising! Hey!" Napapalakas na ang pagtapik ko sa kanya upang magising lang siya pero kahit anong gawin kong pag tapik sa kanya ay hindi siya nagigising. Bumilis ang t***k ng puso ko na akala mo ay tumakbo ako ng napaka bilis. Mygad! Naihilamos ko ang parehong palad ko sa mukha ko. Parang sasabog na ang isip at ang dibdib ko at hindi ko na malaman ang gagawin k

