013 Kira After that incident kanina sa cafeteria ay hindi na pumasok pa ng klase si Stephen. Hindi ako nakapag focus sa inilelecture ng aming teacher dahil sa sobrang daming bagay na tumatakbo sa isip ko. First, ang mga kaibigan ni Stephen. I saw kung paano sila nag react kanina nuong ipinakilala ako sa kanila ni Stephen bilang girlfriend. What the hell is wrong with me, para magalit sila ng ganun kay Stephen? Dahil ba iba ako sa kanila? Dahil ba anak lang ako ng katiwala nila Zach? The world is so unfair. It's beautiful, surely it is but it's not fair. It was never fair. Because, if it is, then sana wala ng mahirap at wala na ring mayaman. Second, si Liah. She's my best friend pero nasaktan ko siya. Kitang kita ko kung gaano siya nasaktan nang malaman niyang kami na ni Stephen. Gusto

