012 Kira Pumasok ako ng maaga dahil gusto kong makausap ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Alianna. Namiss ko na rin sila kasi ilang araw ko na din yata silang hindi nakakasabay mag lunch. Baka mamaya nag tatampo na ang mga yun sa akin. Papasok pa lang sana ako ng school ng mahagip ng pandinig ko ang usapan ng dalawang babae sa may labas ng school. "Talaga binigyan ka ng necklace ni Zachary? Omo!!!" Napalingon ako sa dalawang babaeng nag kkwentuhan. Nang mapansin ako ng mga ito ay agad nila akong sinimangutan at pinag taasan ng kilay. "Anong tinitingin tingin mo?" Tanong ng isa sa kanila. Hindi ko na lamang ito pinansin at nag lakad na papasok ng school. Bagay na bagay sila ni Zach parehong bulok ang ugali. I'm laughing inside my head at that thought. Marunong naman pala pu

