038 Maagang lumabas ng klase si Stephen kahit hindi pa man ito natatapos. Nag paalam lang siya kay ma'am na mag ccr pero hindi na siya bumalik ulit. Hindi ko pa din maiwasang isipin siya lalo na't napaka bilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay bigla na lang nag bago lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Sa isang iglap ay nawala ang pag aalinlangan kong iwan siya. Hinawakan ni Zachary ang kamay ko ng palabas na kami ng room. Kami na ang huling tao sa room kaya hinayaan ko na lang. Natigilan kami ng bumungad sa amin si Caleb pag labas namin sa room. Nakasandal siya sa pader ng maabutan namin. Biglang sumeryoso ang mukha niya ng mapadako ang tingin sa magkahawak na kamay namin ni Zachary. Agad na bumitiw ako sa mga kamay ni Zach pero hinawakan niya lang iyon uli. "Zach bitaw." Mahinang

