037 Nang ibalik ko ang tingin ko kay Stephen ay bakas na bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha. Hindi makapaniwalang umiling ito at tumalikod sa akin upang balingan si Zachary. Nagulat ako ng bigla niya itong kuwelyohan. "YOU ASS! What did you do to her?!" Galit na sigaw ni Stephen kay Zach sabay pakawala ng isang malakas na suntok sa mukha nito. Agad akong pumagitna sa kanila ng makitang balak pang gumanti ni Zach. May pasa pa siya sa mukha dahil sa pagkakasapak sa kanya ni Caleb tapos ngayon mukhang madadagdagan nanaman yun dahil naman kay Stephen. Damn it! "Gago ka Walcott! Saan mo siya dinala? Anong ginawa mo sa girlfriend ko?! FVCK!" Nagwawalang sabi ni Stephen. Inilagay ko ang kanang kamay ko sa dibdib ni Stephen at pinigilan siya ng tangkang susunggaban nanaman niya si Zachary.

