034 Hapon na ng maisipan ni Zachary na ipasyal ako. Hindi naman kami talaga namasyal dahil dinala niya lang ako sa isa sa mga sikat na kainan dito at kumain lang kami pagkatapos inuwi na din niya agad ako. Ganun po siya kaboring na tao. Akala ko pa naman mamamasyal talaga kami. "May balak ka pa bang bitawan ang kamay ko?" Tanong ko. Kanina pa niya kasi hawak ang kamay ko kahit nuong kumakain pa kami. Hindi ko nga din alam kung bakit hinahayaan ko lang siyang hawakan iyon kanina pa. Siguro nalalamigan lang ako kaya okay lang nahawakan niya ang kamay ko para naman mainitan iyon kahit papaano. "Malamig eh." He just said at inalalayan na ako makapasok ng sasakyan. Pasakay na din sana siya sa driver seat ng biglang may sumulpot na babae sa tabi niya. "Zachary!" Tili ng babae at agad na y

