033 Gigil na bumalik ako sa klase. Wala pa naman si ma'am nang bumalik ako kaya naupo na ako sa tabi ni Stephen. Si Zachary nawala nanaman sa upuan niya kanina. Nag cutting nanaman for sure. "Where have you been?" "Huh? Sa CR." I answered. Okay lang naman sigurong mag sinungaling paminsan minsan. "May problema ba? Ang tagal mo naman yata sa CR?" "Huh? Marami kasing tao." Ayan Kira natututo ka na ding magsinungaling ngayon? Maya maya lang ay dumating na si Ma'am at hindi na din nag tanong pa si Stephen sa tabi ko. Natapos ang klase namin ng umagang yun nang hindi pa din bumabalik si Zach. Tsk! Hanggang sa mag uwian ay hindi ko na nakita pa si Zach. Saan nanaman kaya nag suot ang isang yun? At bakit ko pa ba kasi iniisip ang mokong na yun? Hinatid na ako ni Stephen sa bahay nila Za

