032 Kira "Bakit po hindi niyo kami hinanap ni nanay?" Umiiyak na tanong ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak ng tuluyan. Umupo sa tabi ko si Caleb at marahang tinapik tapik ang likod ko habang hinhintay kong sumagot ang nasabing ama ko. Nakita kong lumungkot ang mukha niya sa tanong ko. "Nasaktan ko ang mom mo ng sobra Yakira tinanggal niya lahat ng ano mang bagay na nag uugnay sa amin. Hindi ko na siya makontak kahit anong gawin ko. Pinilit ko siyang hanapin pero naisip kong baka hindi na niya talaga ako gustong makita kaya sumuko na lang ako. Umaasa na lang akong isang araw kusa siyang babalik sa akin upang patawarin ako pero mapahanggang ngayon walang bumabalik at isa lang ang ibig sabihin nun hindi pa niya ako napapatawad." Halos maluha luhang kwento nito. "And Ki

