031 Kira "Gising na Kira, may gagawin pa tayo. Tumayo ka na dyan.". Dahan dahan akong nag mulat at laking gulat ko ng mapagtanto kong nasa kwarto na ako namin. Hinanap ng paningin ko si Zach. Wala naman siya dito? At bakit naman siya mapupunta dito sa kwarto ko? Pero teka lang. Panaginip lang ba ang mga nangyari sa aming dalawa ni Zach? Hindi ba totoo yun? I'm positive panaginip nga lang ang lahat. Pero bakit naman ako mananaginip ng ganun? Bakit naman si Zach? At teka nga muna sandali! Bakit ba tila pakiramdam ko nanghihinayang akong hindi totoo ang panaginip na yun? Pinakiramdaman ko ang t***k ng dibdib ko. Bakit ganun ang bilis pa din ng t***k nito kahit na nakahiga lang naman ako? Dahil ba ito sa napanaginipan ko? "Ano ka ba namang bata ka! Kanina pa kita kinakausap tulala ka la

