030 KIRA Habang sabay na nag lulunch kami ni Ethan ay siyempre lahat nanaman ng atensyon ay nasa amin. Hindi na ako mag tataka kung bakit. Siguro iniisip nanaman nilang malandi ako at si Ethan naman ngayon ang nilalandi ko. Wala naman ako sanang pake duon sa iisipin nila yun nga lang nang mapatingin ako sa katabing table namin nanduon yung mga babaeng nanakit at nag banta sa akin nung isang araw sa girl's room. Pare pareho silang nakatingin ng masama sa akin, agad akong nag iwas ng tingin. Hindi! Ayoko ng masangkot sa isa pang gulo! Ano ba namang klaseng buhay ito. Bakit ba ako napapaligiran ng mga taong ang lalakas ng topak sa ulo. Hindi ko naman masabi kay Ethan na ayoko ng sumabay sa kanya kumain kasi naka order na siya ng foods for us. Nakakahiya naman kung basta ko na lang siyang i

