029 KIRA Habang nag kaklase ay hindi ko maiwasang maisip si Zach. Kailan kaya darating yung araw na magkaka-ayos kami? Pero mahalaga pa ba yun? Siya nga ang dahilan kung bakit ka nag aaral ng mabuti Kira di ba? Para mapalayo ka na sa kanya. Kaya bakit ko pa iniisip na mag kaayos kami? Hinding hindi na mangyayari yun dahil wala ng gamot sa topak ng bwisit na yun. Napatingin ako sa harapan ko ng maramdamang may mga matang nakamasid sa akin. Nag tama ang tingin namin ng kaklase kong si JC. Bigla kong naalala ang nangyari kahapon. Siya ang nag sabi sa akin na inilipat ang classroom namin sa lumang building. Ang lalaking ito! Siya ang punot dulo ng lahat ng nangyari kahapon. Matapos ang klase ay inaya ako ni Stephen na mag lunch pero tumanggi ako. Sabi ko may inuutos sa akin si Mrs. Santo

