Malakas na itinulak ni Nadia si Cole, halos natumba ito pero mabilis ding nakabawi. Nanginginig sa galit at hiya ang babae.
“Idedemanda kita ng trespassing at s****l harassment!”
Ngunit tumawa lang si Cole, isang mababang, nakakainsultong halakhak.
“Sue me? Really, Nadia?” tugon nito, nakangisi. “Go ahead, let’s face each other in court. Do you really think you’ll win?”
Lumapit siya nang mas malapit, halos idikit ang labi sa tainga ng babae.
"When they find out the truth… that the so-called decent teacher is actually spreading her legs online, moaning, screaming my name…and a scammer!”
Napakagat-labi si Nadia, napaatras. “ hindi ako papayag na sirain mo buhay ko.”
Cole smirked, leaning even closer.
“Oh, but I don’t even have to destroy you, sweetheart. You’ll destroy yourself. File that case… and let’s see who loses first—me, or the teacher who’s about to lose her license forever.”
Natahimik si Nadia. Nanginginig pa rin ang dibdib niya sa galit at takot, pero hindi na siya nakasagot. Biglang bumuhos ang malakas na ulan, parang may bagyong paparating. Kumidlat, sabay kulog na ikinapikit ng mga mata niya.
Sa labas, narinig niya ang ingay ng mga tao—mga tauhan ni Cole—nagsisigawan habang nagsisilung-silong sa loob ng bahay.
Kaswal ang naging tinig ni Cole nang muling magsalita, para bang wala lang ang lahat ng tensyong kanina lang ay kumukulo.
“I think we stay here for the night,” aniya habang inaayos ang buhok.
Tumingin ito kay Nadia, diretsong nakatitig.
“Do you have a guest room?”.
Napatigagal si Nadia, hindi makapaniwala kung paano kayang mag-iba ng boses ng lalaki—mula sa mapanindak kanina.
“Kapal din ng mukha mo…” mahina ngunit mariin na sambit ni Nadia, habang pinipilit kontrolin ang sarili.
Cole just smirked,
“Relax, teacher. I won’t touch you… unless you beg me to.”
Tahimik si Nadia, mariing nakapikit at pilit na kumakalma habang dumadagundong ang kulog sa labas.
Pinagpapawisan ang kanyang palad kahit malamig ang hangin mula sa malakas na ulan.
Kaswal lang si Cole,
“So… guest room?” ulit nito, nakangisi habang nakatukod ang dalawang kamay sa gilid ng sofa.
Mahigpit ang pagkakatitig ni Nadia.
“May kwarto para sa bisita… pero doon ka lang. Kasama ng tauhan mo. Huwag kang lalapit sa akin.”
Ngumisi lalo si Cole, naglakad dahan-dahan palapit, halos hindi naririnig ang yabag dahil sa lakas ng buhos ng ulan.
“I’d rather stay… in your room.”
Matalim na titig lang ang pinukol ni Nadia.
Pagkatapos ay tinawag ni Nadia ang mga tauhan ni Cole.
“Doon kayo sa guest room,” madiin niyang sabi habang itinuturo ang direksyon ng silid.
Agad namang sumunod ang mga ito, naglakad papunta sa kuwartong nakalaan para sa kanila.
Napabuntong-hininga si Nadia, akala niya’y kasama na rin doon si Cole at tuluyan nang matahimik ang gabi.
Pero bago pa siya makalakad papasok sa sariling silid, narinig niya ang boses ng lalaki sa likod niya.
“No, I’m not staying there.”
Napalingon siya, kita niya ang tikas ng lalaki habang nakasandal sa pinto ng kanyang kuwarto.
“Anong ibig mong sabihin?!” inis na sigaw ni Nadia. “Doon ang guest room!”
Bahagyang ngumisi si Cole, parang nanunukso lang.
“Guest room is for them. But me? I prefer this room.” sabay turo sa kuwarto niya.
Lalong uminit ang ulo ni Nadia.
Pero mabilis ang hakbang ng lalaki, pumasok ito nang walang pag-aalinlangan.
“Come on, Nadia. It’s just one night. Don’t worry… I’ll behave.”
“Lumabas ka riyan!” sigaw ni Nadia habang hinahabol ito sa loob ng kanyang kuwarto. “Wala kang karapatan dito!”
Umikot si Cole, nakangising parang nag-eenjoy sa galit niya.
“Relax, teacher. I told you, I’ll just stay here for the night. I’m not going to hurt you… unless you want me to.”
“Bwisit ka talaga! Sinabi ko na sa guest room ka!” pilit siyang humaharang, pero mas matangkad at mas malakas ang lalaki.
“Guest room is too small… and boring. This room smells like you. I like it here.” bulong ni Cole.
Inikot ni Cole ang kanyang mga mata sa loob ng kuwarto ni Nadia, dahan-dahan at may halong pang-aasar. Napangiti siya nang makita ang bawat detalye—ang kama, ang mesa, at lalo na ang mga papers na nakakalat habang nagtatrabaho si Nadia.
“So this is your little world, huh?” bulong niya, halos parang naglalaro. “All neat… but messy enough to know where you’ve been busy.”
Napabuntong-hininga si Nadia, napangiti rin siya pero hindi sa tuwa—kundi dahil sa kaba.
Nang mapansin niya ang kama, tumigil si Cole, ngumisi ng mas malaki.
“And… this is where you let go in front of me,” bulong niya mababa, halos hindi marinig pero malinaw sa tenga ni Nadia. “… when you spread yourself for me. I remember every second, Nadia.”
Napahinto si Nadia, ang mga mata niya ay nagpakita ng galit, hiya, at kaba. Halos gusto niyang sumigaw, ngunit naipit ang salita sa lalamunan niya.
"Hindi nga ako iyon! Si Bridget iyon. habang wala ako pumasok siya siguro dito sa kwarto ko. At ginawa ang kalaswaan niyong dalawa!"
“You can deny it all you want,” sambit ni Cole, lumalapit pa, malamig at bastos ang tingin.
Napatalikod si Nadia, pilit na nagtatangkang panatilihing may distansya.
“Tumigil ka na nga… ano… sige, doon ka na matulog sa kama ko. Ako na lang dito sa sahig,” inis niyang sabi.
Ngumisi si Cole, parang nanunukso.
“Oh, you’re such a generous teacher, Nadia. I like that about you,” sabi niya habang dahan-dahang umupo sa gilid ng kama. “But don’t think you’re safe on the floor… your scent is everywhere here, baby. It’s intoxicating.”
Napabuntong-hininga si Nadia, ramdam ang mabilis niyang t***k ng puso. Alam niyang wala siyang magagawa kundi manatili sa harap ng lalaki at piliting kontrolin ang sarili.
"Sa labas na lang ako matutulog, sa sofa,” mariing sabi ni Nadia, pilit na kumukupot sa sarili.
Ngumisi si Cole, halatang hindi pumapayag.
“No, baby… I can’t let you sleep out there. What if you suddenly run away?”
Napabuntong-hininga si Nadia, halatang frustrated.
“Saan po naman ako magtatago kung tatakas ako, aber? Ayaw kong malaman ng buong mundo ang problema ko ngayon.”
“Then stay,” malamig na sabi ni Cole, halos nakangisi sa bawat salita. “Because the floor is too far from me… and I don’t trust you to stay away.”
Napatingin si Nadia sa lalaki, ramdam ang kaba at galit na sumasabay sa kanyang t***k ng puso. Alam niyang kahit gusto niyang lumayo, kontrolado pa rin ni Cole ang sitwasyon—at wala siyang ibang mapagpipilian.
Naimbyerna na si Nadia, halos sumigaw sa inis.
“Pwede ba tama na ang kakang-English mo? Alam ko bihasa ka na at pinanganak ka ng banyaga, pero nauubusan na ako ng English sayo! Marunong ka namang mag-tagalog.”
Napatingin si Cole, parang nagulat sa biglang pagsigaw niya, pero agad rin itong ngumisi ng malupit.
“Oh?” bulong niya, halatang pinapahirapan lang siya. “Galit ka? But I like it when you struggle.”
“Bweset!” sabay talikod ni Nadia at mabilis na lumabas ng kwarto, halatang naiinitan at naiinis.
Nakaramdam siya ng gutom, kaya dumiretso siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at sinilip ang laman—may natirang leftovers at ilang prutas.
Biglang napasigaw si Nadia nang pagsara niya ng ref at sa paglingon niya, nabangga niya ang lalaki.
“Ahhh!” sigaw niya, halos matumba siya.
Si Cole ang nakatayo sa harap niya, nakangisi. “Careful, teacher,” biglang nasalo siya ni Cole sa beywang. Halos dumikit na muli ang katawan nila, ramdam ni Nadia ang init at bigat ng lalaki.
"Bitawan mo ako!” sigaw niya, nanginginig sa galit at kaba.
Ngumisi si Cole, parang nahihirapan ngunit masaya sa sitwasyon.
“I won’t let you go, teacher… not yet. You think you can just walk away?”
Napahinto si Nadia, halos maipit sa presensya niya. Pilit niyang iniwasan ang mata ng lalaki, pero ramdam niya ang malapit na halik ng init ng katawan nito sa kanya.