Chapter 20 - Bukol

1390 Words
Nakatitig si Cole kay Nadia. Kahit siya mismo ay hindi maintindihan kung bakit, parang may misteryosong lakas na humihila sa kanya sa babae—parang magnet. Ramdam niya ang t***k ng puso niya, mas mabilis, mas malakas habang nakatitig sa bawat galaw ni Nadia. Hindi niya maalis sa isip ang bawat detalye ng mukha at kilos niya. Si Nadia naman, ramdam ang bigat ng tingin ng lalaki. Halos gusto niyang umatras, ngunit may halong kaba at hiya ang pumipigil sa kanya. Alam niyang kahit gaano siya katigas, may epekto siya sa lalaki, at iyon ang lalo pang nagpapainit sa kanyang dugo. Napaisip si Nadia, nanginginig ang dibdib. Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito… Hindi niya maintindihan kung ano ang ginawa ni Bridget sa lalaki—kung bakit parang maniac kung umasta. Ramdam niya ang presensya nito, parang namamanyak sa kanya ang mga mata ni Cole. Ang init ng katawan nito, ang lapit ng harap niya sa kanya, halos hindi maalis sa isip ni Nadia. Bakit ganito? Bakit parang gusto niyang dumikit sa akin, at wala akong magawa? bulong niya sa sarili, habang pilit na pinipigilan ang kaba at hiya. Si Cole naman, tila hindi nakakaapekto sa takot ni Nadia. Halos nakangisi sa bawat galaw niya, ang matinding titig ay parang nagbabad sa kanya. “You’re thinking too much," malamig niyang bulong, dahan-dahang lumalapit pa. “Just stay….” Ngunit hindi pumayag si Nadia. Tinulak niya ng bahagya ang lalaki at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto. Pagkapasok, inayos niya ang kumot at unan, hinanap ang pinakamalinis na parte ng sahig at para mahiga. Napaupo siya sandali, huminga ng malalim, at dahan-dahang humiga, pilit na kinokontrol ang kaba at galit na kumukulo sa loob niya. Ramdam pa rin niya ang presensya ng lalaki sa labas ng kanyang mata, kahit na nakahiga na siya. Alam niyang hindi pa tapos ang gabing ito. Pumasok na rin si Cole sa kwarto. Nang makita niya si Nadia na nakahiga sa sahig, napahinto siya sandali, nakatingin sa kanya. “You’re really going to sleep like that?” tanong niya, halatang may halong pang-aasar at interes. “Nakapang-trabahong damit ka pa… hindi ka ba magpapalit?.” Napatingin si Nadia, napapula ang mukha sa hiya at inis. “Ano ba ‘yan!' Ngumisi si Cole, dahan-dahang lumapit sa kanya. “Relax, teacher… I’m just asking. But I can’t help noticing…" Napabuntong-hininga siya at tumayo, naghanap ng damit sa cabinet niya. Habang ginagawa niya ito, nakamasid lang si Cole, tahimik na tinitingnan ang bawat galaw niya. Palabas na sana si Nadia ng kwarto para pumunta sa banyo, pero biglang humarang si Cole sa pinto. “Where do you think you’re going?” malamig niyang tanong, habang nakatingin kay Nadia na parang may halong pang-aasar. Napahinto si Nadia, nanginginig ang mga kamay. Ngunit bago pa siya makagalaw, nagulat siya—biglang hinila ni Cole ang hawak niyang panty. “Ano ba?! Bitawan mo ‘yan!” sigaw niya, halatang nagulat at nahihiya. Ngumisi si Cole, malupit at bastos ang ngiti. “I just wanted to see… everything you’re hiding, teacher.” Hinablot pabalik ni Nadia ang panty mula sa kamay ni Cole, halos mabutas sa lakas ng kuha niya. Napangiti lang si Cole, tila nasisiyahan sa inis na ipinapakita ng babae. Padabog na isinara ni Nadia ang pintuan ng banyo at mabilis na naglinis ng katawan. Ramdam niya pa rin ang init ng kanyang pisngi—galit at hiya na hindi niya malaman kung alin ang nangingibabaw. Pagkatapos ay nagbihis siya at huminga nang malalim bago bumalik sa loob ng silid. Ngunit halos mapahinto siya sa pinto nang bumungad sa paningin niya si Cole. Nakahiga ito sa kama, nakatihaya, at ang dalawang kamay ay ginawang unan. Suot lamang ang boxer shorts. Kitang-kita ni Nadia ang matipuno at batak na katawan nito—halatang sanay sa gym. At higit sa lahat, hindi niya naiwasang mapatitig sa malaking umbok sa harapan ng lalaki. Napanganga si Nadia, hindi makapaniwala sa nakikita. Ngumisi si Cole nang mapansin ang kanyang pagkakatitig. “Like what you see?” malamig ngunit puno ng pang-aasar ang tono nito. Mabilis na umiwas ng tingin si Nadia at naglakad papunta sa kanyang higaan sa sahig. “Bastos ka,” malamig niyang bulong habang iniiwas ang mukha. Narinig niya ang mahina ngunit malinaw na tawa ni Cole mula sa kama. “Bastos? Eh ikaw itong nakatitig.” Napakagat-labi si Nadia, hindi alam kung paano sasagutin. Sa halip, inayos na lang niya ang kumot sa higaan niya at humiga nang nakatalikod sa lalaki. Pero kahit nakapikit na siya, ramdam niya ang bigat ng titig nito sa kanya. Ilang oras na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makatulog si Nadia. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas, kasabay ng hangin na humahampas sa mga bintana. Paminsan-minsan, nanginginig siya tuwing dumadagundong ang kulog, kasunod ang nakasisilaw na kidlat na sumasalamin sa dingding ng maliit na silid. Pabaling-baling siya sa higaan sa sahig, pilit pinipikit ang mga mata ngunit walang katahimikan. Ramdam niya ang lamig ng hangin na pumapasok sa siwang ng bintana, pati na rin ang bigat ng presensya ng lalaking nasa loob ng kanyang kwarto. Lumingon siya nang bahagya, at muntik na siyang mapasinghap. Nakita niya si Cole, nakaupo ito sa kama, nakasandal sa ulunan, at nakatingin sa kanya. Hindi ito natutulog—parang inaabangan lang siya. Napakunot ang noo ni Nadia. “Hindi ka ba natutulog?” mahina niyang tanong, halos kinakain ng kulog ang boses niya. Ngumiti si Cole, mabagal at parang may ibig ipahiwatig. “Hindi rin kasi ako makatulog… ang ingay ng ulan.” Umiling si Nadia, tumalikod, at tinakpan ng kumot ang sarili. Ngunit kahit anong gawin niya, ramdam niya pa rin ang titig ng lalaki. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang dibdib. Muli na namang kumulog, mas malakas kaysa kanina, at napasigaw si Nadia nang bigla itong dumagundong. Agad siyang napabangon mula sa higaan, at nang mapansin iyon ni Cole, bahagya itong tumayo, lumapit at yumuko sa kanya. “Natakot ka?” may halong biro ngunit malambing ang tono nito. Pinilit ni Nadia na itago ang kaba. “Hindi ah… nagulat lang.” Ngunit hindi niya maitatanggi ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay. Dahan-dahang inilapit ni Cole ang sarili, at sa kabila ng ingay ng ulan at kulog, malinaw niyang narinig ang bulong nito: “Kung gusto mo… pwede kitang tabihan. Baka makatulog ka na.” Napaisip si Nadia sa narinig niya. “Strategy lang ito… baka may pakay talaga siya,” bulong ng isip niya. “Gusto siguro niyang makascore. Pero hindi! Hindi puwede. Ano siya, bali? Hindi ko isusuko ang bataan ko.” Mariin niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kumot, pilit na pinapalakas ang loob. Kahit may halong kaba at kilig ang sitwasyon, pinapaalala niya sa sarili na hindi dapat siya bumigay. Napansin ni Cole ang pagtahimik niya, at lalo itong ngumiti, para bang nababasa ang isip niya. Lumapit pa ito, at nakaluhod na sa tabi niya. Ang malamlam na liwanag ng kidlat mula sa bintana ay sumilay sa mukha ni Cole—seryoso, ngunit may kapilyuhang nakatago. “Relax lang, Nadia,” mahinahong sabi nito. “Mukha kasing takot na takot ka.” Napakagat-labi si Nadia. Ayaw niyang amining totoo ang sinabi ng lalaki, kaya’t umirap siya at tumalikod. “Hindi ako takot. At kaya kong mag-isa.” Ngunit sa loob-loob niya, ramdam niyang kumakabog pa rin ang dibdib niya—hindi lang dahil sa kulog, kundi sa presensiya ng lalaking ngayon ay halos nasa tabi na niya. Bumalik na si Nadia sa higaan niya, habang si Cole nama’y dumapa at nag-unat bago tuluyang humiga sa kama. Sa wakas, matapos ang mahabang oras ng katahimikan na sinasabayan ng buhos ng ulan, kapwa sila nakatulog. Maaga nagising si Nadia. Medyo nananakit pa ang likod niya dahil sa sahig siya nakahiga. Dahan-dahan siyang bumangon, at bago pa tuluyang tumayo, sinilip niya muna ang lalaki sa kama. Mahimbing itong natutulog, bahagyang nakabuka ang bibig, ang amo rin pala ng mukha ng lalaking ito. Ang gwapo. Napangiti ng bahagya si Nadia. Ang sarap niyang titigan. May kung anong kiliti siyang naramdaman. Tinitigan niya pa ang hugis ng mata, ilong, at bibig nito. Ngunit ikinagulat ni Nadia ang sumunod na nakita niya—nakapasok sa loob ng boxer shorts ang isang kamay ng lalaki, nakahawak sa malaking bukol na kanina pa niya pilit iniiwasang titigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD