Napasinghap si Nadia at mabilis na tinakpan ng kamay ang bibig niya, baka marinig ng lalaki.
“Grabe… ano ba ’to…” bulong niya sa sarili. Hindi niya alam kung matatawa, maiinis, o maiilang.
Nakatitig siya roon ng ilang segundo bago niya namalayan ang sarili niyang napapangalumbaba na, parang hindi makapaniwala. Agad niyang inilinga ang ulo at pinilit na umiwas.
“Nadia, ano ka ba…” mariin niyang bulong. “Hindi mo dapat tingnan ’yon. Wala kang pakialam.”
Pero kahit anong gawin niya, hindi maalis sa isip niya ang eksenang nasilayan. At sa hindi niya maintindihan, lalo pang bumilis ang t***k ng puso niya.
"Ano ka ba, Nadia… tigil-tigilan mo nga ’yan…” bulong niya, ngunit bago pa siya tuluyang makaiwas, bahagyang gumalaw si Cole.
Nagulat si Nadia at napatigil. Akala niya’y nanaginip lang ito, pero ilang sandali pa, unti-unting dumilat ang mga mata ng lalaki. Diretso itong tumama sa kanya.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nadia. Nahuli siyang nakatitig—at mas lalong ikinataranta niya nang mapansin ni Cole kung saan nakapako ang mga mata niya.
Isang mabagal pero mapanuksong ngiti ang gumuhit sa labi ng lalaki.
“Enjoying the view, hmm?” mahina pero buo ang tinig ni Cole, paos pa dahil kagigising lang.
Agad namula ang mukha ni Nadia at mabilis na umiwas ng tingin.
“H-hoy! Ang kapal ng mukha mo—wala akong tinitingnan!” depensa niya, sabay talikod.
Ngunit bago pa siya makalayo, naramdaman niyang bumangon si Cole mula sa kama. Mabigat ang mga yabag nito habang papalapit.
“Kung wala kang tinitingnan…” bulong ng lalaki, halos nasa batok na niya ang boses, “…bakit ka namumula?”
Napakagat-labi si Nadia, hindi malaman kung maiinis o matataranta.
Tumikhim si Cole, saka nagsalita—punô ng pang-aasar ang bawat salita.
“Gusto mo ba… himasin?”
Halos mapatalon si Nadia sa kinatatayuan.
“What?! Ano bang pinagsasabi mo?” mabilis niyang balikwas, pilit na hindi tinitingnan ang ibaba ng lalaki.
Ngunit si Cole, nakangisi lang, nakahalukipkip, parang natutuwa sa bawat reaksyon niya.
“Relax, sweetheart. You’re too easy to read.”
Dagdag pa ni Cole, nakangisi habang mas lalong lumalapit:
“Bakit ka umiiwas? Hindi ba’t we already have a relationship online? We already did....f*cked online. At ikaw pa mismo ang nagsabi na I could lick your… w*t p*ssy.”
Nanlilisik ang mga mata ni Nadia, “…ang bastos mo! Maniac ka! Hindi nga ako iyon. Si Bridget iyon!"
Sandaling natahimik ang kwarto.
Ngumisi si Cole, halatang hindi tinablan kundi lalo pang natuwa.
“Maniac? Maybe. Pero ikaw naman ang unang nagpapainit sa akin.”
Naiirita si Nadia at mabilis na naglakad palayo.
“Hindi ako katulad ng iniisip mo. At huwag na huwag mo akong lalapitan kung ganyan lang din ang mga sinasabi mo!”
Lumabas agad si Nadia ng kwarto, dala ang inis at kaba sa dibdib. Diretso siya sa kusina at kinuha ang mga gamit para makapagluto. Pinilit niyang ayusin ang sarili habang nagbabalat ng bawang at sibuyas, pilit na inaalis sa isip ang mga sinabi ni Cole.
“Hindi ako ‘yon… hindi ako ‘yon…” bulong niya sa sarili, para kumbinsihin ang sarili niyang walang katotohanan ang mga binibintang ng lalaki.
Pagkatapos niya magluto ay nagtimpla na siya ng kape para sa mga bisita niya. Tinuring niya pa ring mga panauhin ang mga ito.
Pagkalapag ni Nadia ng huling tasa ng kape sa mesa, sabay-sabay namang nagsilabasan ang apat na tauhan ni Cole mula sa kanilang silid. Diretso silang naupo at agad bumati sa kanya.
“Good morning po, ma’am. Pasensiya na po kayo, naaabala pa namin kayo.”
Nginitian lang sila ni Nadia kahit medyo naiilang siya sa mga ito.
Hindi niya rin kasi kilala ang mga ito. "Kumain na po kayo." Alok niya sa mga ito. Para makaalis na rin kayo sa pamamahay ko. Isip ni Nadia.
Habang nagsasandok ng sinangag ang isa, bigla itong nagbiro.
“Hindi pa gising si Boss? Mukhang naparami sa bakbakan kagabi, ah.”
Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kasamahan niya.
Pero halos mabilaukan sila nang bumukas bigla ang pinto ng kwarto at lumabas si Cole—nakasuot pa ng puting t-shirt at boxer shorts, sabog ang buhok pero lutang ang presensya.
“Anong bakbakan ang sinasabi n’yo?” malamig pero may diin ang tono ng boses niya.
Biglang natahimik ang mesa. Yuko agad ang isa, sabay tikhim.
“Ah eh, boss… wala po, joke lang po ’yon… hehe.”
Naiwasan ni Nadia ang mapatingin kay Cole, pero ramdam niya ang mga mata nito na nakatuon sa kanya.
Pinili niyang manatiling nakayuko habang tahimik na inuubos ang pagkain.
Pagkaraan ng ilang minuto, iniligpit na niya ang plato at mga kubyertos. Tumayo siya, pinilit maging kalmado, at nagtanong,
“Anong oras ba kayo aalis?” mahinahong tanong niya, nakatalikod kay Cole habang inilalagay ang mga pinggan sa lababo.
Sumandal si Cole sa upuan, nakataas ang isang kilay, bago sumagot nang mabagal, parang sinusukat siya.
“I change my mind.”
Napatigil si Nadia, napalingon sandali.
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya, medyo kumakabog ang dibdib.
Bahagyang ngumisi si Cole, malamig ang titig.
“We will stay.”
Umiling agad si Nadia.
“Hindi pwede. Hindi kayo puwedeng manatili dito sa bahay ko.” matigas niyang sagot, kahit nanginginig ang boses.
Nagtaas ng kilay si Cole, saka dahan-dahang tumayo. Lumapit ito ng bahagya, at sa malamig na boses ay nagsalita.
“I will stay here as long as I want… until you pay me back my ten million.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nadia. Napatitig siya kay Cole, hindi makapaniwala sa narinig.
Parang pinipiga ang dibdib ni Nadia sa sinabi ni Cole. Hindi na niya napigilan ang pagbagsak ng luha. Mabilis niyang pinahid iyon gamit ang likod ng kamay, pero patuloy pa rin ang pag-agos.
Wala na siyang nasabi pa. Tumalikod siya, halos mabilis ang mga hakbang papunta sa kwarto. Pagkapasok, agad niyang isinara ang pinto at isinandal ang likod doon.
Bumigay na siya. Doon na siya tuluyang umiyak, hawak ang sariling dibdib na parang pinipilipit ng kaba at takot.
Samantala, naiwan si Cole at ang mga tauhan nito sa hapag-kainan. Tahimik na nakatingin si Cole sa pintong sinarhan ni Nadia, walang bakas ng emosyon sa mukha. Kinuha niya ang tasa ng kape at uminom.
Isa sa mga tauhan ang nagsimulang magsalita, pero itinaas lang ni Cole ang kamay—isang senyas na manahimik.
Matapos maubos ang kape, tumayo si Cole nang walang imik. Mabigat ang bawat hakbang niya papunta sa sala, hawak ang cellphone. Umupo siya sa sofa, nakasandal, saka dahan-dahang nag-scroll down sa feed ng kanyang telepono.
Samantala, naiwan sa hapag ang mga tauhan niya na patuloy na kumakain. May isa na napailing, sabay bulong sa katabi.
“Alam mo, parang nanonood tayo ng teleserye…” sabi niya, may halong tawa sa boses.
Napatingin ang isa pa, sumagot nang pabulong din, “Oo nga eh. Bagay sila ni Ma’am Nadia at si Boss Cole. Para silang mag-asawa na nag-aaway.”
Napatawa sila ng mahina, pilit pinipigil na hindi mahalata ni Cole.
Ngunit hindi nakaligtas ang mahinang tawanan sa pandinig nito. Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin mula sa cellphone, malamig ang mga mata, at tumitig sa kanila mula sa sofa.
Bigla ring natigil ang tawanan ng mga tauhan, napalunok at nagkunwaring abala sa pagkain.
Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Nadia. Nakaayos na ito sa kanyang uniporme, dala ang bag at isang folder na puno ng mga test paper. Kita sa kilos niya ang pagmamadali.
Napakunot ang noo ni Cole nang makita siya.
“Saan ka pupunta?” malamig ngunit mariing tanong nito.
Medyo pabalang ang sagot ni Nadia habang inaayos ang strap ng bag niya.
“Saan pa? Syempre sa trabaho.”
Umangat ang kilay ni Cole. “Hindi ka pwedeng umalis. Baka tumakas ka lang.”
Napaikot ang mga mata ni Nadia sa pagkainis. “Bakit naman ako tatakas? Wala naman akong atraso sa ’yo.” Sabay talikod niya, handa nang lumabas ng bahay.
Ngunit bago pa siya makalayo, biglang tumayo si Cole mula sa sofa at mabilis na hinablot ang braso niya.
“Bitawan mo ako!” mariing sigaw ni Nadia, pilit kumakawala.
"You are not going anywhere." Matigas na boses ni Cole.
“Ano ba problema mo? Alam mo naiirita na ako sayo, e. Sumulpot ka lang dito at pagbintangan akong nang scam. May trabaho ako hindi ko kailangan mang-scam. At lalo na huwag mo akong manduhan na akala mo pag-aari mo ko. Hindi kita kilala, excuse me!"
Mahigpit ang kapit ni Cole, pero nakatitig lamang ito sa kanya, parang sinusukat ang bawat salitang binitiwan ni Nadia.
"Kaya pwede ba.....!" Hinatak ni Nadia ang braso para makawala sa pagkakahawak ni Cole.
Lalo siyang hinila ni Cole papalapit sa kaniya kaya halos magkadikit na ang mukha nila.
Nagsalita si Cole. Matigas ang boses. "Paano kung sasabihin ko nga sayo na pag-aari na kita at lahat ng gusto kong gawin sa iyo ay gagawin ko....."
Bigla siya hinatak pakabig ni Cole at hinalikan sa labi.