Chapter 22 - Mariing Halik

1605 Words
Mariin ang halik ni Cole. Halos malunod si Nadia. Hindi na siya nakapalag. Biglang sumagi sa isip ni Nadia, Bakit ganito? Bakit hindi ako makapalag? Bakit hinahayaan ko ang lalaking ito na laplapin at galugadin ang bibig ko?Isa siyang estranghero para sa akin. Pinagbibintangan ako sa hindi ko naman ginawa. Naramdaman niyang pilit ibinubuka ni Cole ang kanyang labi upang ipasok ang dila nito. Napaungol si Nadia, at hindi niya namalayang nabitawan ang hawak na folder na puno ng mga papel. Kumalat iyon sa sahig at nilipad ng hangin, habang ang kanyang mga kamay ay kusang napahawak sa batok ni Cole. Pagbagsak ng folder, saka lamang natauhan si Nadia—at pati na rin si Cole. Ngunit hindi pa rin siya binitiwan ng lalaki. "See, your body agrees with me," bulong ni Cole, mariin pa rin ang tinig. Napatulala si Nadia, ramdam ang biglang init sa kanyang pisngi. Parang napahiya siya sa sariling reaksyon, lalo na’t alam niyang totoo ang sinabi ni Cole. Dagdag pa ni Cole, malamig ang boses, “Whatever I say, you’ll follow. Because if not—you already know what will happen. You’ll lose your license.” Namula si Nadia, halong galit at kaba. “Bakit ba ayaw mong maniwala na hindi ako iyon?” Halos pabulong ngunit nanginginig ang kanyang tinig. Diretsong tumingin si Cole sa kanya, walang bakas ng pagdududa sa mga mata. “Then prove it… prove to me that I’m wrong to accuse you.” madiin na sambit ni Cole. Nataranta ang mga tauhan ni Cole nang makita ang nagkalat na mga papel sa sahig. Agad silang nagsipulot, nagmamadali, para maibalik ang ayos. Samantala, nanatiling nakahawak si Cole kay Nadia, mariin at walang balak bitawan. Pagkatapos, malamig na nag-utos si Cole. “Drive her to the school. And make sure you watch her closely.” Agad tumango ang isang tauhan. Walang nagawa si Nadia kundi sumunod, kahit nangingibabaw sa kanyang dibdib ang kaba at panghihina. Sa isip niya, para siyang ikinulong sa isang sitwasyong walang kawala. Habang nasa daan sakay ng isang kotse, hindi mapigilan ni Nadia ang magtanong sa tauhan ni Cole. Medyo may kaedaran na rin ang lalaki, halatang sanay sa utos at trabaho. “Manong, matagal niyo na po bang boss ‘yong lalaking iyon?” maingat na tanong ni Nadia. Sumulyap ang tauhan sa rearview mirror bago sumagot. “Actually, ma’am, halos isang buwan pa lang namin nakasama si Sir Cole." Ang kilala po talaga naming amo ay si Sir Robert, pinsan niya. Pero siya po talaga ang pinaka big boss.” Napakunot ang noo ni Nadia. “Big boss? Ano ‘yon, mafia po ba siya?” Natawa ang lalaki. “Hindi po, ma’am. Mukhang mabait naman po si Sir Cole. Seryoso lang talaga siya. Sinamahan lang po kasi namin siya rito dahil utos iyon ni Sir Robert—na hanapin kayo. Dahil na-scam niyo daw po si Sir Cole.” Mabilis na umiling si Nadia, halos pabulong ngunit mariin ang tinig. “Hindi ako ang nang-scam sa kaniya. Ang stepsister ko ang may kagagawan niyan… at ang stepmother ko. Wala akong kaalam-alam sa mga modus nila. Nagulat na lang ako, ang dami nilang pinamili—mamahaling gamit, alahas. Kaya ang hinala ko, si Bridget iyon. Bakit ko naman gagawin iyon? Kahit marami akong responsibilidad simula nang mamatay si Papa, hindi ko inisip na manloko ng tao.” Sandaling natahimik ang tauhan, saka marahang tumango. “Sa tingin ko nga, ma’am… parang hindi niyo magagawa iyon.” Nag scroll si Nadia sa cellphone niya. Naalala niya ang dating app na pinakita sa kaniya ng lalaki. Hinanap niya ang apps na iyon at nag scroll sa mga profile. Tinong niya ang pangalan ng lalaki. “Manong, ano po ba ang buong pangalan ng amo niyo?” Saglit na nag-isip ang tauhan, saka sumagot nang diretso. “Cole Henry Rutherford po, maam.” Napasinghap si Nadia. Cole Henry Rutherford…agad na hinanap ni Nadia ang pangalang Cole Henry Rutherford sa search profile ng dating app. Mabilis lumabas ang resulta—at doon niya nakita ang mismong account ng lalaki. Engineer ito. 39 anyos. Kaya nagtanong si Nadia ulit. "Manong, kayo po ano pangalan ninyo?" Napatingin ang lalaki sandali sa rearview mirror. “Lucio po, Ma’am.” “Engineer po pala siya?” usisa ni Nadia habang muling tumingin sa screen ng cellphone. Napatingin muli ang tauhan sa salamin, saka marahang umiling. “Actually, Ma’am… hindi po engineer si Sir Cole. Ginawa-gawa lang daw po niya ‘yang profile na ‘yan—sabi ni Sir Robert. Multi-billionaire po talaga si Sir Cole.” Parang natigilan si Nadia. Nanlaki ang kanyang mga mata, halos mabitawan niya ang cellphone sa gulat. “M-multi-billionaire?” mahina niyang sambit, para bang hindi makapaniwala. Ibig sabihin wala talaga akong laban sa lalaking iyon? "Sana nga po, Maam mapatunayan niyo kay Sir Cole na hindi po kayo talaga ang ng-scam sa kaniya." "Ang problema ko nga po, Manong mukha ko iyong nakaharap niya mismo at nakakausap tuwing mag-vivideocall sila ni Bridget. Ang suspetsa ko po doon ay may ginamit si Bridget na apps na mukha ko ang lalabas at hindi niya mukha. Uso pa naman ngayon ang mga AI apps. Syempre ang paniniwalaan ng amo mong maniac ay yong nakikita niya." Napangiti na lang ng lihim si Manong Lucio, parang nakahanap ng butil ng katotohanan sa sinabi ng dalaga. Makalipas ang ilang minuto, narating na nila ang eskwelahan. Huminga nang malalim si Nadia, pilit pinapakalma ang sarili bago bumaba ng sasakyan. Sandali niyang nilingon si Mang Lucio at bahagyang ngumiti. “Manong Lucio, bilhan ko na lang kayo ng pagkain para sa tanghalian,” sabi niya nang mahinahon. “Maghapon kayong mag-aantay sa akin dito sa school.” Nagkibit-balikat lang ang matanda, saka tumango. “Salamat po, Ma’am Nadia.” Bitbit ang kanyang bag, pumasok si Nadia sa loob ng paaralan, saktong nakasabay niya rin sa pagpasok ang kaibigang si Jaden. Nagtaka ito. "May kotseng naghatid sayo? sigurado akong hindi iyan si Paolo." Nilingon niya ang kaibigan. "Hindi nga." Deretso lang siya sa paglalakad parang ang layo ng iniisip niya. Napansin ito ni Bakla. "Teka mukhang lutang kaya yata ngayon." anito nakakunot ang kilay. Napasinghap si Nadia. Bago nagsalita. "Pano kasi....may dumating na lalaki sa bahay kagabi." Nag-iba ang expression ng mukha ni bakla. Na-excite ito ng marinig ang salitang lalaki. "Lalaki?!......Gwapo?!" Napatingin si Nadia sa kaibigan. "Oo. Sobra. Sobrang gwapo." Napatili si bakla sa sinabi ng kaibigan. "Talaga girl?! Gwapo? Teka, na-b*****g ka ba niya?" Narinig iyon ni Nadia kaya mabilis niyang itinakip ang kamay sa bunganga ng kaibigan. Dahil may kasabay pa silang ibang estudyante baka marinig ang pinag-uusapan nila. “Hoy, huwag ka ngang maingay! Wala namang ganun noh,” iritadong bulong niya. Nagtaas naman ng kilay si bakla, halatang hindi kumbinsido. “Ay sus, halata sa mata mo na may something! Aba, kung sobrang gwapo gaya ng sabi mo, baka naman nahulog ka na agad? Spill the tea, girl.” Umiling si Nadia, pero hindi maitago ang pamumula ng pisngi. “Yun nga ang problema e…” “Ha? Bakit problema? Dahil ba hindi natuloy ang b*****g?!” mabilis na singit ng bakla, sabay tili pa ng kaunti. “G*g*!” singhal ni Nadia. “Hindi ‘yon! Ang problema, pinagbibintangan niya akong scammer!” Napatakip ng bibig si bakla, gulat na gulat. “Scammer? As in ikaw?!” Napahugot ng malalim na hininga si Nadia at napatingin sa kawalan. “Oo… kagabi pa niya inuulit-ulit. Ang sakit nga eh, kasi hindi ko alam kung saan niya kinukuha ‘yung mga pinagsasasabi niya.” Nagmartsa paikot-ikot si bakla na parang nag-iisip ng matindi. “Girl, wait lang. Gwapo na, tapos bigla kang tinatawag na scammer? Aba, mukhang may plot twist ang buhay mo! Baka naman may kambal kang hindi mo kilala, o baka naman may nagpapanggap na ikaw?!” Nanlaki ang mata ni Nadia. “’Yan din ang iniisip ko… na baka may gumagamit ng pangalan ko. Isa lang ang pumapasok sa isip ko si Bridget. Kasi bigla silang umalis ni Tita Lalaine at mag-aabroad. Saan naman sila kukuha ng pera pang-abroad tapos mamahalin na gamit at alahas na pinamili nila. Ang problema ko paano ko mapatutunayan na wala akong kinalaman dun? Dahil ako talaga ang tinututro ng lalaking maniac na iyon. May hawak siyang ebidensiya na ako talaga. Tapos sabi niya pa sampung milyon daw ang ini-scam ko sa kaniya." Nagulat si Bakla. Sa ikinuwento ng kaibigan. "What? Ten million?" "Oo, bakla. Pilit niya akong pinababalik ang ini-scam ko daw. Sinungaling ako. Kung ano pa ang pinagsasabi sa akin. Pag hindi ko daw binalik papatanggalan niya ako ng lisensya sa pagtuturo." Naawa naman ang kaibigan sa kaniya. Sabay hawak ni bakla sa kamay niya, seryoso na ang tono. “Girl, isa lang ang solusyon diyan. hanapin mo kung sino ang tunay na scammer. Kasi kung hindi, baka ikaw yong ma-scam niya. Baka mamaya modus niya rin iyon. Baka mamaya siya iyong scammer!” "Sa tingin ko hindi. Kasi pinahanap niya talaga ako. Pinahalughog itong buong Batangas. Tapos sabi ng isang tauhan niya, isa daw sa Multi-billionaire ang boss nila." Napamulagat ng mata ang bakla. "Talaga, Gurl? Billionaire?" "Oo raw." "Naku, freeny baka mamaya ikaw ma-scam. Ma-scam niya ang puso mo!" “Ulol!” singhal ni Nadia, pero hindi na niya napigilang mapangiti kahit litong-lito pa rin. "Hindi niya pwede ma-scam ang puso ko. Parang malabo. Gwapo nga siya pero sa tingin ko parang gusto niya lang umi-score sa akin. Parang gusto niya lang ng b*****g para makabawi sa Ten million niya. Akalain mo ba naman, ikiniskis ung matigas niyang harap sa puson ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD