Tumaas ang kilay ni Nadia, halatang nainis sa sinabi ni Cole. “Its a bad idea,” madiin niyang sagot, sabay irap. “Kaya huwag kang mangarap. Nakakainis ka!” Natawa si Cole, bahagyang umiling. “You know, a lot of women would love to be my wife,” nakangising sabi niya. Napataas ang kilay ni Nadia at nagkrus ng braso. “.....pero lahat ng naging asawa mo… dine-vorce mo rin naman.” Sandaling natigilan si Cole, nagdilim ang ekspresyon at napakunot ang noo. Paanong alam niya ‘yon? mabilis na sumagi sa isip niya, pero agad niyang tinakpan ng malamig na tugon. “Careful, Nadia,” malamig niyang sabi, ang mga mata ay nanunuot na parang binabasa siya. “Kung ako sa’yo, pipiliin kong huwag nang ungkatin ang mga bagay na hindi mo dapat malaman.” Napasinghap si Nadia, pero hindi niya hinayaang magpaki

