Nagising si Nadia na mabigat ang ulo, tila binibiyak ng sakit. Lalong nagulat siya nang mapansin na pati ang kanyang katawan ay nananakit, bawat galaw niya ay may bakas ng sakit. Lalo na sa pagitan ng kaniyang hita. Pakiramdam niya ay mahapdi ang kaniyang kaselanan. Kaya napa tingin siya sa ilalim ng kumot, dama niya ang hubad niyang balat, dahilan upang mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang bumangon at napatingin sa tabi niya—naroon si Cole, mahimbing ang tulog. Napatulala si Nadia. Ano’ng nangyari kagabi? Sapo niya ang kanyang sentido, pinipilit alalahanin ang mga eksena. Unti-unti, bumalik ang alaala—ang init, ang bawat haplos, at ang mga dampi ng labi. Kasabay ng pagbalik ng alaala ay ang matinding hiya na tila baga’y lumulunod sa kanya. "Sh*t! May nangyari sa

