PROLOGUE
Hindi ko kayang salubungin ang mga nanlilisik nitong mga mata. Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ang pagkatao ko. Isang baliw ang taong ito.
"Puwede bang tumigil ka na, parang awa mo na! Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong kasalanan sa'yo para gawin mo sa akin ito!" Malakas kong sigaw sa kaniya, ngunit nanatili lamang itong nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kaniyang isip. Ano ba ang problema ng lalaking ito sa akin?
Ang huli kong naaalala ay siya ang aking professor, o kung totoong professor nga ba siyang maituturing? At isa pa ay napaka-misteryoso ng kaniyang pagka-tao. Matapos ang lahat ng ginawa niyang panloloko sa akin, ay ang lakas ng loob niyang ipagpilitan ang kasal na siya lamang ang may gusto!
Paano naman ako? Wala na ba akong karapatang magdesisyon kung gusto ko rin bang magpakasal sa kaniya?
Dinilaan muna nito ang kaniyang pang-ibabang labi bago ito magsalita. Sandali, inaakit ba ako ng lalaking ito? Kung inaakala niyang madadala niya ako sa paganiyan-ganiyan niya, puwes nagkakamali siya roon!
Hindi porque guwapo siya ay madadala na niya ako sa inaakto nito, oo nga't mayaman siya, guwapo, mayroong mapupu—teka lang bakit ko nga ba siya inilalarawan? Oo nga't nasa kaniya na ang lahat ng katangian na gusto ng mga kababaihan, 'yong tipong sinasamba na siya ng lahat, pero iyon na nga ba ang basehan para magpakasal ka sa isang tao?
"Hindi mo alam kung gaano ako kagalit ngayon, babae!" Nagtatagis ang bagang na singhal nito. At sigurado akong galit na galit na nga ang lalaking ito sa akin! At ang kapal naman ng mukha niya para magalit siya sa akin, na kung tutuusin ay ako dapat ang may karapatang magalit sa kaniya.
Hindi ako sumagot rito at nagkukunwaring walang naririnig. Ibinaling ko sa ibang direksiyon ang aking tingin, ngunit nang sinalubong kong muli ang titig nito ay bigla akong napaatras, dahil mas lalong sumama ang titig nito sa akin.
Isa pa, ay natatakot ako sa maaari niyang gawin sa akin, lalo na't kami lang dalawa ang tao rito, sa silid na ito. Mas matangkad siya sa akin, mas malaki ang katawan, at lalong mas malakas siya kumpara sa akin na sa isang ihip lang ng hangin ay tumba kaagad ako.
Anumang oras ay pakiramdam ko'y may gagawin siyang masama, kasi maaari niyang baliin ang napakaganda at napakakinis kong leeg. B-baka sakalin niya rin ako hanggang sa mawalan ako ng hininga. Meron sana akong dalang pabango na pwede kong gamitin sa kaniya, kaya lang ay napakalayo naman ng bag ko baka kapag tumalikod ako ay hahampasin niya ako bigla ng upuan o 'di kaya ay sasaksakin niya ako bigla.
Ang mas malala sa lahat ay babuyin nito ang pang modelo kong katawan kahit alam kong cute lamang ang aking hinaharap.
Malaki talaga ang posibilidad na patayin niya ako, lalo na sa nalaman ko patungkol sa pagkatao nito. Kahit kailan ay hindi ko masisikmura ang kaalamang marami itong pinatay na tao gamit ang makasalanan niyang mga kamay. Demonyo lamang ang nakakagawa ng mga ganoong bagay!
Nabigla ako nang mabilis nitong hinila ang aking braso, pagkatapos ay may kalakasan akong isinandal nito sa pader. Ang isang kamay niya ay nakapalibot sa baywang ko, samantala ang isa naman nitong kamay ay nakatukod sa pader sa itaas ng ulo ko.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na halos lumabas na ito sa katawan ko. Amoy na amoy ko na tuloy ang mabango nitong pabango na kinahuhumalingan ng kaniyang mga babaeng estudyante, at mga babaeng guro sa University. Kahit paulit-ulit kong isipin ay hindi ko talaga alam kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito. Sana hindi na lang ako lumipat ng paaralan, eh 'di sana maayos at tahimik pa ang buhay eskwela ko.
"Bitiwan mo ako! Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?!" Pilit akong pumipiglas sa pagkakayakap nito sa akin, ngunit mas malakas talaga siya. Ano ba naman ang laban ng isang maliit na cute na babaeng tulad ko sa makisig na lalaking ito?
"Marry me," namamaos nitong banggit, pagkatapos ay isinubsob niya ang kaniyang ulo sa leeg ko. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang mumunti nitong halik sa leeg ko. Sisigaw na sana ako, ngunit hindi ko naituloy dahil sa tinakpan nito ang bibig ko.
Napapikit ako ng mariin niyang sinipsip ng bahagya ang leeg ko. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa ginawa niya. Nakakapandiri dahil pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na.
"Kahit kailan ay hinding-hindi ako magpapakasal sa isang tulad mong demonyo!" Sigaw ko, nang mahawi ko ang kamay nito sa bibig ko. Naglakas loob akong itulak ito pagkatapos ay sinipa ko ang nasa pagitan ng kaniyang binti.
"Ahhhhh f*ck, sh*t d*mn it!" Nabitiwan ako nito habang sapu-sapo nito ang nasaktang alaga. Napangiwi pa ako nang makita ko itong namimilipit sa sakit. You deserve that as*hole! Wala akong sinayang na oras at kumaripas ako ng takbo papuntang pintuan, pero kung tinamaan ka nga naman ng kamalasan, hindi ko mabuksan ang pintuan. Sinipa-sipa ko na ito at kinalampag pero wala talaga.
"May tao ba riyan?! Parang awa niyo na tulungan niyo akong makalabas dito!"
"Kahit anong gawin mo riyan ay hinding-hindi mo mabubuksan ang pintuang 'yan. At kahit sumigaw ka pa ng sumigaw diyan, walang makakarinig sayo sa labas." Seryoso na pagkakasabi nito, kahit iniinda niya ang sakit sa pagitan ng kaniyang mga hita ay nagawa pa nitong ngumisi. Sobrang ganda ko ba talaga, para gustuhing pakasalan ng lalaking ito? Kung tutuusin ay hindi naman ako mayaman katulad niya. Kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako? Ano ba ang nakita niya sa akin?
"Nababaliw kana talaga, hinding-hindi ako magpapakasal sa isang katulad mong demonyong baliw!" Malakas kong sigaw. Wala siyang karapatan na kontrolin ang buhay ko, diktahan kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko, at ang panghuli ay walang nagmamay-ari sa akin kung hindi ay ang sarili ko lamang.
"Yeah, I'm f*cking crazy over you, Sweetheart! You are mine, Sweety. ONLY MINE!"
"Sir Isaac, pwede naman nating pag-usapan ito ng maayos, pakiusap itigil mo na itong kahibangan mo dahil hindi ako isang bagay na pwede mong gawing pag-aari. Sapagkat walang sinuman ang pwedeng umangkin sa akin," naiiyak kong usal sa kaniya, pero parang wala lang itong narinig at nagawa niya pang tumawa ng marahan na parang nakapagsabi ako ng isang nakakatawang bagay.
"Nah! Wala kang magagawa kung hindi ay ang pakasalan ako, dahil simula pa lamang nang ipinanganak ka ay akin ka na. Walang pwedeng magmamay-ari sa'yo na iba kung hindi ay ako lamang, naiintindihan mo ba Kirsten?!" May diin sa bawat salita na binitiwan nito. Hindi ko namalayan na malapit na pala siya sa akin. Hinagod nito ang pisngi ko, pero mabilis kong tinampal ang kamay niya. Sa halip na magalit ito sa ginawa ko ay tumawa lang ito ng marahan, pagkatapos ay tumalikod siya sa akin at naupo sa swivel chair na parang isang hari.
Oo aaminin ko na minahal ko siya at hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya pero... hindi tama na ipagpilitan niya ang isang kasal na iisang tao lang ang may gusto, lalo pa at hindi pa ako handa sa buhay may asawa. Gusto ko munang sulitin ang buhay dalaga ko, lalo na at hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Isa pa sa rason ko ay isa siyang guro at estudyante niya ako. Hindi ito tama lalo na sa mata ng ibang tao. Napa-iling na lang ako habang tumutulo ang luha ko.
"Madali lang naman akong kausap, Sweety. If you don't want to sign this f*cking paper, alam mo na kung ano ang maaaring mangyari sa mga kaibigan at pamilya mo. Kayang-kaya ko silang ipapatay sa isang iglap." Sabay hagis nito ng papel sa akin. Alam na alam ko kung ano ang kaya niyang gawin sa mga kaibigan at pamilya ko.
Nanginginig ang mga kamay kong pinulot ang mga papel sa lapag, pagkatapos ay tumayo ako ulit. Pero muntik na akong matumba dahil agad na bumungad sa harap ko ang nakatutok nitong baril sa akin.
"Choose. Sign that paper or ikaw na lang ang papatayin ko." Nilaro-laro niya pa ang kaniyang baril habang nakatutok ito sa akin. Isa talaga siyang baliw! Wala akong mababakas na emosyon sa mukha niya o pag-aalinlangan man lang, desidido talaga siya na patayin ako. Umiling-iling na lang ako rito dahil sa takot ko sa kaniya.
"Ahhh!" Malakas kong sigaw nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa buong silid. Hindi ko alam kung saan tumama. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, buong akala ko ay mamatay na ako! Kaunting-kaunti na lang talaga ay sa mukha ko na tatama ang bala.
"Come here." Utos nito sa akin. Sa takot ko na baka mabaril niya ako ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.
"Sit!" Wala akong nagawa kung hindi sundin ang gusto nito.
"Now, be a good lady and sign this paper," malambing na wika nito sa akin at parang umecho pa ito sa aking pandinig, nangilabot bigla ang buo kong katawan.
Naramdaman ko ang marahan nitong paghawak sa baywang ko. Pagkatapos ay para itong baliw na sininghot ang balikat ko. Naaasiwa ako sa kaniyang ginagawa, pero wala akong magawa. Buhay ng pamilya at kaibigan ko ang nakasalalay dito. Sa oras na lumapat ang dulo ng ballpen sa papel ay dala-dala ko na ang apelyido niya.
Ang simple kong buhay ay magbabago. Gusto kong punitin ang papel, pero hindi pwede. Pikit mata kong pinirmahan ang marriage contract, at sana ay hindi ako magsisisi sa ginawa ko.
Tapos na.
Wala na ang kalayaan ko. Dahan-dahan niya akong pinaharap na parang isang robot pagkatapos ay mabilis niya akong hinalikan, sa labi. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan, nag-aapoy ang mga mata nito ng pagnanasa.
"Hmp!" Napasinghap ako nang biglang pinasok nito ang dila niya sa loob ng bibig ko, na parang ginagalugad ang kasulok-sulukan nito. Hindi mapagkakaila na marami na itong karanasan pagdating sa pakikipaghalikan.
From now on, I'm not the poor Kirsten Aguillar dahil simula ngayon ay ako na si Mrs. Kirsten Aguilar Hindelthon. Ang asawa ng Multi billionare.
Ano kaya ang mangyayari sa buhay ko gayong asawa na ako ng pinakamayaman na lalaki at nagmamay-ari ng school na pinapasukan ko.