Chapter 1: Her Comeback

3057 Words
Kirsten's POV Ang ganda talaga sa pakiramdam kapag ang maton mong kaibigan ang nambulabog ng gising mo, 'yong tipong mapapamura ka na lang dahil sa saya. Note the sarcasm. "Hoy impaktitang bruha ka kung ayaw mong bumangon diyan sa higaan, pwes diyan na kita papaliguan!" Ang sakit talaga sa ulo ng boses nito. Tinalo niya pa ang tilaok ng manok tuwing umaga. Hays! At bakit ba hindi na ako nasanay sa isang 'to, eh siya naman lagi ang taga gising ko tuwing umaga. Dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko at kinusot-kusot ito ng bahagya. Ayaw ko mang bumangon muna kasi inaantok pa talaga ako at sure akong napakaaga pa para bumangon, ngunit mas pinili kong bumangon na lang, baka hindi lang saboy ng tubig ang gawin nito sa akin. Baka pati sabunot ay gawin pa nito. Ang brutal niya 'di ba? "You don't need to do that Harrah, kanina pa ako gising." I yawn. Bago ako tumayo ay inayos ko muna ang mga unan ko at iniligpit ko, pagkatapos ay inayos ko naman ang mga nakakalat na mga papel sa sahig. Tumayo ako ng tuwid at pinagmasdan ang higaan ko. Gusto ko pa talagang matulog, parang hinihila kasi ng kama ang katawan ko, parang may sinasabi rin ito sa akin na 'hali ka rito matulog ka pa, alam kong puyat ka.' Nakaka-inis naman kasi itong si Harrah, minsan na nga lang makatulog sa malambot na higaan eh. Gusto ko tuloy na matulog ulit. Babalik na sana ako sa pagkakahiga ko nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Harrah, lumabas pala 'to? Napatigil tuloy ako sa pagsampa sa higaan ko. "Ano ba 'yan Kirst? Hindi ka pa rin naliligo, anong oras na oh!" Paninita sa akin nito habang nakapamaywang na parang isang nanay. "Inayos ko pa kasi ang hinigaan ko, saka hindi pa naman gano'n katagal simula no'ng ginising mo ako." Depensa ko rito at pasimpleng lumayo sa higaan ko, mahirap na baka malaman niya ang balak ko sana kanina, makurot pa ako. Ngumiti ako rito ng alanganin nang makitang seryoso lang itong nakapamaywang, habang nakamasid sa akin. "Ano pang inaantay mo, pasko? Bilisan mo at maligo ka na. Ang bagal! Pumasok kana ng banyo." Sabay hila nito sa akin, at pinagtulakan ako papasok ng banyo. Muntik pa akong madapa. Sh*t, ang brutal talaga! Pupungas-pungas kong binuksan ang gripo ng banyo, at nag-ipon ng tubig sa balde na hindi gaanong kalakihan. "P*nyeta ka! Bilisan mo riyan baka mahuli tayo. Ito pa naman ang unang araw natin, ayoko ma-late—" Hindi ko na ito pinakinggan pa, at naligo na lang. Napapaikot na lang talaga ang mga mata ko sa ingay ni Harrah, baka pati patay ay babangon sa ingay niya eh. Tinalo niya pa talaga sa kaingayan si Lola Esther. Kagaya ko rin si Harrah na wala ng mga magulang, tanging Lola niya lang ang nagpapa-aral sa aming dalawa. Simula nang makita nila akong duguan ay sila na ang nag-alaga sa akin at nag-asikaso. Ang totoo kasi niyan ay wala talaga akong naaalala simula noong kabataan ko pa. Ang tanging naaalala ko lang ay ang aksidente na may kasama akong babae at lalaki, at tinawag ko raw ang mga ito na Mommy at Daddy, kaya sigurado ako na ang dalawang tao na kasama ko sa kotse bago ang aksidente ay mga magulang ko. Sumalpok ang sinasakyan namin sa isa pang sasakyan, at hanggang doon lang ang tanging naaalala ko. Kahit papaano ay napakaswerte ko dahil may mga taong katulad nila Harrah na kahit hindi naman nila ako kadugo ay inalagaan at minahal pa rin nila ako na parang isang totoong kapamilya. "Oo na, mahal na Harrah!" tanging sagot ko na lang dito. Unang beses pa lang namin dito sa Manila, at sobrang ganda pala rito. Lumipat kami rito dahil natanggap kami sa in-aplyan naming scholarship sa isang tanyag na school. Actually, kadarating lang namin dito noong isang linggo. Mabuti na lang at nakapasok kami sa pinakamaganda at social na school sa buong Pilipinas. Sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil naipasa ko ang napakahirap nilang exam. At syempre malaki rin ang pasasalamat naming tatlo dahil sa pag-recommend ng principal namin sa may-ari ng HU, kaya isa ang dati naming school sa napili para sa Scholarship Program. Imagine libre breakfast, lunch, uniform, books, tuition, etc. Oh 'di ba ang bongga! Take note, hindi lang basta University iyon dahil ang mga nag-aaral doon ay puro mayayaman. Swerte talaga namin nila Harrah. Nang matapos na ako sa paliligo ko ay lumabas na ako sa banyo ng nakatapis lang ng towel. Kaagad akong naghanap ng maisusuot kong damit, wala pa naman kasing binigay na uniform sa amin kaya civilian muna kami ngayon. I choose denim pants and white t-shirt at pinaresan ko ito ng puting sapatos na 3 years ko ng ginagamit. Kahit matagal ko na siyang ginagamit ay puting-puti pa rin ito at hindi kumukupas, kaya lang ay may maliit na itong punit sa may gilid, pero hindi naman halata "Harrah, ba't ba kailangang maaga tayo? Ang lapit lang naman ng school, saka haller 6:30am pa lang kaya, mamaya pang 8:30am ang pasok natin." 'Yan agad ang bungad ko sa kaniya, nang makarating ako sa kusina. Kahit na maliit lang ang kusina namin ay kakasya naman ang apat na tao rito. Masyado kasing excited pumasok itong si Harrah. "Oh, mabuti naman at gising na 'yan." Napatingin kaming dalawa sa taong kakapasok lang sa kusina. Mayroon itong bitbit na kulay brown na supot. Siya nga rin pala ang isa sa makakasama namin sa apartment, siya si Minchie Torres. Kababata siya ni Harrah at magbestfriend silang dalawa bago pa ako makilala ni Harrah. "Hay naku! Kung alam mo lang kung gaano kahirap na gisingin ang babaeng 'yan," masungit nitong bigkas. Napanguso na lang ako. Kaya walang nagtatangkang manligaw sa kaniya kasi takot ang mga ito kay Harrah, kahit na taglay pa nito ang isang ganda ng pang Miss Universe. Ahh! Meron din naman palang nanligaw sa kaniya, iyong crush niya dati kaya lang nang makilala na siya nito't malaman ang ugali niya ay ayon ghinosting ang Lola niyo. Ang iba naman ay hindi na talaga nagtangka pa, ikaw ba naman manligaw diyan ee tingin pa lang ay aatras kana. Daig pa niya ang isang tunay na lalaki sa kaangasang taglay niya. Eh ako naman? Ito, ang beauty ko parang height ko lang, 'CUTE'. "Eh kasi naman ang aga niyong manggising," nakanguso kong sagot. "Ano kaba, kung hindi tayo maaga makapasok eh 'di mawawalan na tayo ng chance na makagala sa buong University." Gigil na paliwanag nito sa'kin kulang na lang ay hampasin ako nito sa ulo ng hawak niyang kawali. Sana lang talaga ay makalibot pa sila sa buong University mamaya. May ilang pasyalan kasi sa loob ng school. "Pwede naman natin gawin 'yon sa susunod na araw eh," ani ko sabay hikab. "B*ba! Hindi kana makakalibot sa ibang building kapag mag simula na ang unang klase kasi bawal na. Kung saan kang building hanggang do'n ka na lang. Pero ngayon pwede ka pang maglabas pasok sa ibang building." Kulang na lang ay lumabas ang mga mata ni Harrah sa pag e-explain sa akin. "Galit ka na niyan?" Walang buhay kong tanong. Kasi naman antok na antok pa talaga ako. Sila naman ang may kasalanan kung bakit ako antok na antok pa, nag-aya pa kasi silang manood ng horror, kaya madaling araw na ako nakatulog. Rinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Minchie sa amin. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko. "Aray!" Malakas kong sigaw. Hinagisan pala ako nito ng kutsara. Pakiramdam ko tuloy ay nagkabukol ang noo ko. Aruy ko ang sakit! "Sagutin mo pa ako ng gano'n, at ipapalamon ko 'yan sa'yo," masungit nitong saad. Napa-iling na lang si Minchie, saka naupo sa harap ko. Binigay niya sa akin ang isang tasa ng gatas at kumuha ako ng mainit na pandesal. 'Yon pala ang laman ng brown na supot. Maiyak-iyak pa rin ako na hinimas ang noo ko na natamaan ng kutsara. "Kayong dalawa bilisan niyo riyan kung ayaw niyong maiwan," anito saka kami iniwan at pumasok sa loob ng kuwarto. Ang atat masyado ni Harrah. Hindi ka sana makagala sa loob ng school. "Hindi ka ba mag-aalmusal?" Tanong ni Minchie. Ang sarap ng pandesal, lasang malunggay. "Hindi na," sagot naman ni Harrah. Tiningnan ko si Minchie na may pagtatanong sa mga mata, kung ba't gano'n ang asta ng babaeng siga. "Hindi ko alam kung napano 'yon. Baka may dalaw kaya mainit ang ulo," natatawa nitong usal. Sanay na talaga kami kapag ganiyan si Harrah. *** "Wala na ba kayong nalimutan?" Tanong ko sa kanila habang kinakandado ni Harrah ang pinto. "Ang kaluluwa ko, naiwan ko ata sa loob," pilisopong sagot sa akin nito. Ang lakas talaga ng topak at mang-asar nito, grabe rin manupalpal. "Halika Minchie, balikan natin ang kaluluwa ni Harrah na naiwan sa loob, kawawa naman kasi. Kaya pala ganiyan 'yan kasi naiwan pala sa loob kaluluwa niya. Baka pag hindi natin nabalikan 'yon ay mawalan ng kaluluwa si Harrah, kasi malay mo 'di ba maligaw 'yon?" pamimilisopong sagot ko rin sa kaniya. Napa-peace sign ako ng wala sa oras nang tignan ako nito ng nakakamatay na tingin. "Oh tama na 'yan baka saan na naman 'yan mapunta." Sabay akbay sa amin nito saka kami nag lakad papuntang school. Ilang sandali ng paglalakad namin ay sa wakas ay nakarating na rin kami. Ang problema lang ay hindi namin alam kung saan kami papasok na gate. Ano ba itong school na ito. Bakit ang daming gate! Mayroong gate 1 to 4. Eh saan kami papasok? "Anong gate ba tayo?" Tanong ni Minch sa amin. Pareho kaming nagkibit-balikat ni Harrah kasi hindi naman talaga namin alam. Kinuha namin ang I.D na binigay sa amin saka pumunta kami ng gate 1. Pero error daw. "Try mo ulit," sabi pa ni Harrah kay Minch, pero ayaw talaga. "May problema ba kayo mga Miss?" Tanong sa amin ni Ateng guard. Nasa loob siya samantala kami ay nasa labas. "Saan po ba Ate 'yong gate ng mga college?" Magalang na tanong ko. "Ay naku mga Ineng nasa gate 3 kayo, kasi itong gate one ay para lamang sa lahat ng Elementary. Pagkatapos ang gate two naman ay para sa mga Jr. at Sr. High school at ang para sa inyo ay sa gate 3, para sa college." Mahaba nitong paliwanag sa amin. "Iyong sa gate 4 po?" Tanong ulit ni Harrah "Para 'yon sa aming mga employee." nakangiting sagot nito. Eh 'di wow kayo na ang mayaman sa gate. "Sige po, maraming salamat po," sabay na mungkahi namin. Nang makapasok kami ay sobra talaga kaming namangha. Napakatalino nang nakaisip ng ganitong concept. Saan ka ba nakakakita ng nagtataasang building na parang sa ibang bansa, pero school pala. Sobrang lawak ng University na ito, tinalo pa ang mga eskwelahan ng ibang bansa. Siguro ang yaman ng may-ari nitong school. Take note, kasi may malaking TV as in super malaki talaga siya na parang mag o-order ka sa isang fast food chain, tapos para siyang 'yong nakita namin sa highway na malaking TV na nakadikit sa naglalakihang building. Tapos may ilang commercial ang lumalabas. Ang astig talaga! Sa malaking TV na ito, roon namin titingnan kung saan kang room at ano ang mga schedule mo at kung sino rin ang mga Teacher mo. Hawak-hawak ni Harrah ang Malaking cellphone o tablet para i-type ang mga pangalan namin at lalabas na sa TV ang lahat ng information. Mayroon pang malaking machine para i-print ng libre ang schedule naming lahat. Ang nakaagaw ng pansin ko ay ang malaking orasan at sa pinakababa nito ay rebulto ng ibat-ibang bayani sa pilipinas habang may mga hawak ng flag ng pilipinas. "E-e-excuse me." Sabay kaming napalingong tatlo sa lalaking nagsalita sa likod ko. "Yes?" Mataray na tanong ni Harrah. Ayan na naman siya. Napalunok muna ang lalaking nerd bago nagsalita. Natakot ata! "Ta-tapos n-na po ba kayo?" Tanong nito habang tinuturo ang tablet. "Sa tingin mo tatambay lang kami rito kahit tapos na kami? Nasaan ba ang utak mo? Nasa loob ng salamin mo?" Napayuko naman si nerdy boy dahil sa kahihiyan. Tinusok ko ang tagiliran ni Harrah, pero sinamaan lang ako nito ng tingin. D*mn, this girl. "Harrah! Your so mean." Saway ni Minch. "What?" patay malisya na anito. "Aheheh pasensiya kana sa kaibigan namin bad mode lang... ka-kasi may red tide." Bulong ko sa kaniya. "Oo nga, kaya 'wag mo ng pansinin." Bulong naman ni Minch. Napapakamot na lang ito sa ulo saka inayos-ayos ang nahuhulog niyang salamin sa mata. Napakaluwag ng damit niya saka ang kapal ng salamin niya ah. Guwapo naman sana si Kuya kaso 'yong style sa pananamit at pagiging payat lang talaga. "Anong binubulong-bulong niyo riyan?" Sa takot namin ay ngumiti kaming tatlo rito habang umiling-iling. "Iisang building lang pala tayo lahat at ikaw Minch nasa 4th floor. Ako naman 6th floor and ikaw Kirst sa 10th floor ka," aniya ni Harrah habang nakatingala sa malaking TV. Lumakad na kami papunta kung saan mang building kami. "Attention for all students please proceed to your designated room immediately." 'Yan ang paulit-ulit na sigaw no'ng lumilibot na kotse na kulay puti. Ang sakit sa tainga kasi napakalakas ng tunog ng speaker na gamit nila. "Ano ba 'yan akala ko makakagala na tayo," nakanguso na sabi ni Harrah kaya natawa na lang kami sa kaniya. "Oh siya hindi na kita ihahatid malaki ka na, siguro naman kaya mo na ang sarili mo." Napangiwi ako sa sinabi ni Harrah sa akin nang makarating ang elavator sa 6'th floor. Tumango na lamang ako rito, pagkatapos ay lumabas na ito ng elevator. Hindi man ako sanay sumakay ng elevator ay hindi naman ako natatakot. Pakiramdam ko nga ay sanay na sanay na akong sumakay dito, hindi ko alam pero napaka-overwhelming lang sa pakiramdam. Pagdating ng 8th floor ay biglang bumukas ang pintuan ng elevator kaya napaayos ako ng tayo. Napasiksik ako sa gilid dahil may mga lalaking naka uniporme na pumasok, bale nasa lima sila. Matatanda na ang apat, pero ang naka-agaw sa akin ng pansin ay ang lalaking nasa gitna. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi nakatalikod naman siya sa akin. Pare-pareho pala kaming 10th floor ang destinasyon. Walang nagsasalita sa kanila kaya sobrang tahimik. Ilang sandali ng pagmamatyag ko sa limang lalaki ay nakaramdam ako ng pagkulo ng tiyan, parang nauutot pa ata ako. Sa kaba ko ata kaya sumasama ang pakiramdam ng tiyan ko. Isang malakas na tunog ang siyang pumatay sa katahimikan. My gosh! Ang lakas ng tunog at talagang mapapalingon ka talaga. Gusto ko ng takpan ang buo kong mukha dahil sa kahihiyan. Pero dapat patay malisya lang dapat. 'Wag pahalata! Akmang lilingon na sila sa akin nang bumukas na ang pinto ng elevator. Kaya hinawi ko lahat ng nakaharang sa akin, saka ako tumakbo palabas habang nakayuko. Rinig ko pa ang mga pagmumura nila, but I don't care. Mas nakakahiya kung makilala nila ako. Pagpasok ko ng room namin ay tagaktak na ang pawis ko. Halos lahat ng tingin ng kaklase ko ay nasa akin, pero nang makita nila ako na hindi ako Teacher ay nagsi-irapan pa sa akin ang ibang mga babae, ang iba naman ay nakakamatay pa kung tumingin. As usual ang mga lalaki deadma lang. Sa bilang ko ay 15 kaming lahat na nandito, himala at madaming styudyante kaagad ang pumasok kahit na first day of class pa lang naman. Expected ko na kasi na kaukunti pa lang kami ngayon, lalo na't pang-mayamang school 'to. Karamihan ay babae, nasa lima lang ata ang lalaki. Naghahanap ako ng pwedeng maupuan at sakto naman sa pinaka-dulo meron kaya doon na ako dumiretso ng upo. Umaliwalas ang mukha ko nang makilala ang taong nasa dulo habang nagbabasa ito ng libro. Ang sipag naman. Ganoon yata kapag nerd, mahilig magbasa. At last may kakilala na rin ako at hindi na ako ma-o-op. "Hi! 'Di ba ikaw 'yong kanina." Kinalabit ko ang siko nito. Hindi ko inaakala na magkaklase pala kami. Kumamot muna ito sa ulo saka ngumiti sa akin ng alanganin. "Ako nga pala si Kirsten Aguilar, Kirst for short at kung tamad ka naman just call me K. " sabay lahad ko ng kamay sa kaniya. Tinitigan niya muna ito ng ilang segundo, pero kalauna'y kinuha niya naman ang nakalahad kong kamay at nakipag-shake hands. Gusto ko sanang matawa dahil sing pula ng kamatis ang pisngi niya. Hala ang kyut ng batang ere. "Ako si Pr-prince Cho-cholo," utal utal niyang sagot sa akin. Hanuraw? "Paki ulit?" Malamyos kong tanong. "Prince Cholo ang pangalan ko, pe-pero Cholo na lang." Pansin ko rin na palagi niyang inaayos ang salamin niya tuwing nagsasalita siya. Hindi naman nahuhulog ang salamin niya, pero palagi niyang inaayos baka mannerism niya talaga. "Ang ganda ng pangalan mo bagay na bagay sa'yo para kang Prinsipe." Nakangiti kong puri sa kaniya. Mas lalong pumula ang pisngi niya. Hala ang kyut! Sobrang puti niya kasi. "Sa-salamat ang sa'yo rin ang ganda ba-bagay sa'yo dahil maganda ka." Napatakip ako ng mukha ko dahil may unang taong nagsabi sa akin na maganda ako bukod kay Lola, kapag si Harrah naman kasi ay puro pangit ang lumalabas sa bibig. Pasmado kasi ang bibig kaya gano'n. "Pwede ba kapag nagsasalita ka ay iwasan mo ang mautal. Para kasing palagi kang kinakabahan tuwing kinakausap ka. Easy dude, okay? Hindi naman ako nangangagat." Natatawa ako sa kaniyang reaksyon dahil ilang beses pa itong napalunok. "Ito kasi ang unang beses na may babaeng kumausap sa akin na hindi ako nilalait at ikaw lang din ang nagsabi sa akin na maganda ang pangalan ko." Kumunot ang noo ko sa kaniya. Magsasalita pa sana ako nang may pumasok na isang lalaki na ikinabigla ko. Ang tindig nito. Ang mapupula nitong labi at makakapal niyang kilay. Ang matangos nitong ilong, 'yong magulo nitong buhok na kahit na sinong babae ay luluhod sa kaniya at sasambahin siya. Parang hindi siya Teacher dahil sa suot nito, mas papasa pa siya bilang isang modelo. Nakabukas ang unang tatlong butones ng kaniyang long sleeves. Halos sabay-sabay na nagsitilian ang mga babae naming kaklase. Naka-ilang kurap ako ng mga mata nang maalala ko kung saan ko ito nakita. Hindi ko siya makakalimutan! Sino ba ang hindi? Kung ang walang hiyang nagnakaw ng first kiss ko ay TEACHER ko pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD