Kirsten's POV
Nasa mall kaming tatlo ngayon nila Harrah, para mamili ng mga kakailanganin naming gamit para sa school. At diretso na rin kami sa paghahanap ng maaari naming mapagtatrabahuan para naman hindi na mahirapan pa si Lola sa pagpapadala ng pera sa aming tatlo nila Harrah, dahil alam ko kung gaano kahirap ang hanap-buhay sa isla.
"Ano, okay na ba 'yan lahat?" Tukoy ni Minch sa mga pinamili naming mga gamit.
Cheneck naman kaagad ni Harrah ang mga pinamili namin at binusisi ng mabuti. Mayroong hawak-hawak itong papel sa isang kamay, habang cheni-checkan ang mga nabili na naming mga gamit. Samantala ako ay nakatayo lamang habang manghang-mangha na pinapanood ang iba't-ibang ginagawa ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko na inintindi pa ang ginagawa ng dalawa at nagpalinga-linga na lang ako sa paligid ko na parang isang bata na first time pumasok sa isang mall, in fact first time naman talaga namin itong tatlo. Wiling-wili ako sa panonood sa mga taong paruot-parito, pati mga stall ay hindi nakatakas sa paningin ko. Sobrang laki talaga ng pinagkaiba sa isla at sa syudad.
Wala kasing mall sa isla na kagaya nito, pero ang tanging maipagmamalaki ko sa isla namin ay ang napakagandang tanawin, sariwang hangin, at tahimik na lugar. Pero sa syudad naman sa amin ay may Mall.
At isa pa sa pinaka-nagustuhan ko sa probinsya namin ay wala kang malalanghap na kahit anong usok mula sa iba't-ibang sasakyan, hindi katulad dito sa Manila na puros usok na lang ng mga sasakyan ang nalalanghap ko.
"Wala pa tayong mga color materials and payong," rinig kong sagot naman nito. Kailangan ni Harrah ng mga gamit about sa arts kasi fine arts ang kinukuha niyang course sa college. Si Minch naman ay nursing. Ako naman ay Culinary ang kinuha ko. Gustong-gusto ko kasing mag bake at magluto ng kahit na anong pagkain. Ang balak ko kapag nakapagtapos na ako ay magtatayo ako ng sarili kong bake shops at restaurants with 'S' kasi marami akong ipapatayo na restaurants at bake shop in the near future. Kaya sana matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay, lagi ko 'yang ipinagdarasal at syempre kasama na roon ang dalawa kong bestfriend na sana rin ay matupad nila ang mga mithiin nila sa buhay.
Buti na lang ay hindi gaano karami ang tao ngayon kaya masarap gumala. "Pwede bang hintayin niyo na lang ako sa DooMac?" sabi ko sa kanila. Gusto kong lumibot ng mag-isa sa Mall 'yong walang kasama.
"At saan ka naman pupunta, babae?" Tanong ni Harrah habang nakakunot ang noo. Napakamot tuloy ako sa kilay ko dahil sa mala-nanay na tanong nito sa akin. I understand that Harrah is really concerned about my safety, kasi hindi pa naman talaga ako familiar sa ganitong lugar, at isa pa ay unang beses ko pa lang na makaapak sa ganitong kalaking mall.
"Pupunta ako sa bookstore at maghahanap ng magandang babasahin." I love reading books lalo na kapag mga sci-fi and fantasy.
"Hindi pwede, mamaya na, baka mawala ka pa." Mas napanguso ako lalo dahil sa sinabi nito.
Pinadyak-padyak ko ng mahina ang paa ko na parang isang 3 years old na bata. At dahil sa ginawa kong 'yon ay pinandilatan ako ng mga mata ni Harrah. Napatayo tuloy ako ng tuwid at bumusangot na lang.
"Ano ka ba naman, Harrah! Malaki na 'yang si Kirst kaya na niya ang sarili niya, saka dahan-dahan ka nga lang sa pagiging over protective mo. Tingnan mo masasanay 'yan kung palagi mong pinagbabawalan? Hindi 'yan matututo hangga't hindi mo hahayaang gawin niya ang gusto niya nang siya lang. Madali lang naman natin 'yang mapuntahan ee nasa ibaba lang naman ang bookstore, huwag kang o.e please lang." Pagtatanggol naman sa akin ni Minchie. Ngiting-ngiti naman ako habang nagpu-puppy eyes kay Harrah Patotie. Sana pumayag siya—
"Fine, fine! Huwag ka lang masyadong lumayo, riyan ka lang sa baba at huwag na huwag kang aalis doon. Malaman ko lang kung saan-saan ka pa pumunta ay naku Kirsten sinasabi ko sa'yo! My gash, sobrang lawak ng Ocean Mall na 'to, kapag ikaw naligaw ay sasabunutan ko talaga 'yong buhok mo sa taas at baba!" Ilang beses akong napatango-tango sa bilin nito. Itinaas ko pa ang kanang kamay ko, sensyales na nangangako ako.
"Promise," seryosong wika ko. Hindi ko na hinintay na makapagsalita sila at tumakbo na ako papuntang escalator. Muntik pa akong matumba na ikinasigaw ng malakas ni Harrah, mabuti na lang at nahawakan ako ng isang lalaki kaya nagpasalamat ako rito.
Nang makababa ako sa escalator ay tinahak ko ang daan patungo sa bookstore. Ilang sandali ng paglalakad ko ay nakaramdam ako ng pagkailang dahil parang may nakatingin sa akin. Lumingon-lingon pa ako sa paligid, pero wala naman akong napansin na kakaiba. Lahat ng tao na nakakasalubong ko ay hindi nga ako tinatapunan ng tingin eh. Tapos ang iba naman ay busy sa ibang bagay. Baka guni-guni ko lang siguro.
Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng maliit kong shoulder bag, baka kasi target ng mga magnanakaw ang bag ko kahit na wala naman itong laman, pero may mga mahalaga pa rin akong gamit dito.
Nang makarating ako sa bookstore ay naghanap agad ako ng mga librong galing sa free reading apps na na-published na as books. Nagbabaka-sakali rin ako na may mahanap na magandang babasahin at 'yong mura lang sana. 'Yong kaya ng bulsa ko. Sa isla kasi ay nakahiligan ko ng gawin ang magbasa ng mga story mula sa Wotty Reading Apps. Nagpapasalamat nga ako kasi dahil sa 'W' ay nakakapag-basa ako ng magagandang kwento ng libro, hindi ko naman kasi afford bilhin ang mga mamahaling libro. Isa pa ay nanghihinayang akong bumili, dahil pagkain pa namin 'yon.
Ilang minuto na akong naghahanap, ngunit wala pa rin akong mapili kahit isa. At nang wala talaga akong makitang libro na nakapag-bigay interes sa akin ay pinili ko na lang na lumabas. Bukod sa wala akong makitang magandang libro ay hindi rin kasi pasok sa budget ko ang price ng mga libro. Muntik na nga akong mahimatay nang makita ko ang price ng isang libro, 5k ba naman. Jusko, ilang days na naming allowance 'yon. Pero maganda rin naman kasi ang libro, tapos makapal din at actually 'yon ang una kong nakita, kaya lang ang mahal.
Pupunta na lang ako sa DooMac at doon ko na lang hihintayin ang dalawa, tiyak kasi akong maghahanap pa ng coloring materials si Harrah. Pagkalabas ng pagkalabas ko pa lang ng bookstore na iyon ay muntik pa akong matumba dahil sa pag-uga ng tinatapakan ko. Sinalakay ng kaba ang dibdib ko sa isiping may lindol.
Mas lalong sinalakay ng kaba ang dibdib ko nang marinig ko ang sunod na sunod na pagsabog sa iba't-ibang parte ng Mall. Hindi ko alam ang gagawin at pinangunahan ako ng takot, napasigaw na lang ako nang marinig ko muli ang pagsabog. Sa sobrang takot ko ay napa-upo na lang ako sa sahig habang tinatakpan ko ang dalawang tainga ko. Ano ba ang nangyayari? Nilulusob na ba ng mga terorista ang pilipinas?
Marami ang mga nagtatakbuhang mga tao dahil sa pagsabog at nakailang beses na rin akong nabangga at natumba. Sobrang sakit na rin ng paa ko dahil sa naapakan ito ng isang tao dala ng pagmamadali na maka-alis lang dito sa loob ng Mall. Hindi na ako tumayo at niyakap ko na lang ang binti ko.
Nag-aalala ako sa dalawa baka may masamang nang nangyari sa kanila, huwag naman sana. Dapat kasi ay hindi na lang ako humiwalay sa kanila kanina.
Nabibingi ako sa sigawan at takbuhan ng mga tao. May panaka-naka akong naririnig na putok ng baril. Jusko may gyera ba? Nasa Marawi ba ako? Tatayo na sana ako nang biglang may humablot sa braso ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay mabilis ako nitong nahablot, sa sobrang kaba ko ay parang nag slowmo ang lahat sa paningin ko, ultimo pandinig ko ay ganoon din. Ni kahit pintig ng puso ko ay naririnig ko na.
Paano kaya kung masamang tao ang humila sa akin? A-ano na ang gagawin ko?
Ngayon nga ay sumasabay kami sa mga taong tumatakbo sa kung saan. Tanging likod lang niya ang nakikita ko, pero sigurado akong isa itong lalaki. Hindi ko mahila-hila ang kamay ko dahil sa napakahigpit nitong pagkakahawak. Pero hindi ko maiwasan humanga na kahit sa likod lang ay alam kong sobrang guwapo ng taong humihila sa akin.
'Sige pa, nasa kapahamakan ka na nga't lahat-lahat ay nagawa mo pang lumandi!' Sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.
Lumiko kami sa isang pasilyo na wala ng tao, doon na nangarag ang buong kong sistema. A-anong gagawin niya sa akin?
"F*ck!" Kahit mura niya lang, pero napaka sexy pakinggan. Sh*t ano ba 'tong nangyayari sa akin?
"Te-teka lang po." Pilit kong binabawi ang kamay ko, pero mas hinihigpitan lang nito lalo ang pagkakahawak sa kamay ko. May shooting bang nagaganap? Hindi ba ganito naman ang mga nangyayari sa mga pelikula?
Sasabihin ko sana na nagkamali ito ng hinila, pero malakas na pagsabog muli ang narinig ko, kung kaya ay hindi ko napigilan ang mapatili at mapatakip ng tainga.
Nang makakuha ako ng tiyempo ay mabilis akong nakawala at tatakbo na sana ako nang...
"Aaah!" Halos lumuwa na ang ngala-ngala ko sa kakasigaw nang barilin niya ang nasa likuran ko. Ramdam ko talaga ang hangin na dumaan sa pisngi ko. Paano kung natamaan ako? Baka patay na ako sa oras na ito.
Kumunot ang noo nito sa akin na parang ine-eksamen niya ang buo kong katawan, kung may injured ba ako o something. Napalunok ako ng ilang ulit nang makita ang mukha nito. Halos malaglag ang panga ko. Parang namamalikmata ata ako kaya kung anu-ano na ang nakikita ko. Imposible naman na makakita ako rito ng isang napakaguwapong lalaki habang hinihila ako. Kilala niya ba ako? Sigurado akong isa itong artista. Sobrang guwapo na kulang na lang ay malaglag ang panty ko.
Magkasalubong ang mga kilay nito na tumingin sa akin. Ang mga mata niya ay samo't sari ang emosyon. Hindi ko maintindihan kong ano ba ang mararamdaman ko dahil para akong mahihimatay dahil sa sobrang kaba. Hindi sa barilan at sa kahit anong pagsabog na naririnig ko kung hindi sa isang lalaki na kaharap ko ngayon. Parang nakita ko na siya pero parang hindi. Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang baril na kinatakot ko bigla pagkatapos ay itinutok niya ito sa direksyon ko.
"Pa-pa-patayin mo ba ako, parang awa mo na bata pa ako. Marami pa akong pangarap sa buhay, hindi pa ako nakapag tapos ng college! Waahh!" Napapikit na lang ako ng mga mata habang hinihintay ko ang bala na tumama sa akin, ngunit ilang segundo pa ang nakalipas ay wala namang tumama sa akin. Pinakiramdaman ko ang katawan ko kung may masakit ba, pero wala naman. Thanks, Bro!
Napalingon ako sa likuran ko nang makita ko ang panibagong lalaki na nakahandusay na at walang buhay. Muli ako nitong hinila patakbo sa kung saan man. Hindi ko maiwasan ang mapasigaw kapag may nakakasalubong kaming mga goons at nagbabarilan sila. Feeling ko tuloy nasa isa akong pelikula na action movie.
"Sh*t! Can you stop shouting, woman?!" Matigas niyang sigaw sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang mapa-iyak. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung ano ang nangyayari tapos hindi ko pa makita sila Harrah.
Hindi ko alam kung ayos lang ba sila o hindi. Nanigas ang katawan ko nang maramdaman ko ang marahan na pagyakap nito sa akin. Bakit sa mga yakap niya ay pakiramdam ko ay ligtas ako? Bakit parang pamilyar sa akin ang yakap at amoy ng lalaking ito? Dahil yata ito sa barilan na nagaganap ngayon at kung anu-ano na ang nararamdaman ko. Dahan-dahan ko siyang tiningala na hindi ko na dapat ginawa dahil lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Akmang itutulak ko na sana siya para sampalin, pero bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Bago ako mawalan ng malay ay kitang-kita ko ang lungkot, pagkasabik at sakit sa kaniyang mga mata. Kung posible bang makita ng sabay-sabay ang tatlong emosyong iyon.
"Sleep tight, Sweetheart." Iyan ang huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.
***
Napatuwid ako ng upo nang sumigaw ito. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako habang nakatitig sa lalaking nasa harapan.
"Quite class." Ngunit walang sinuman ang nakinig sa mga kaklase ko at patuloy pa rin sa pagtitilian ang mga kababaihan.
"Ahhhh ehhhh!" Napatakip na nga lang ako sa tainga ko dahil sa sobrang ingay.
Natahimik ang lahat nang hampasin nito ang white board dahilan ng pagkabutas ng kawawang board. "I said Quite!" Bigla na lang tumahimik at kahit ako ay napalunok din dahil sa takot. Para siyang monster na kahit anong oras ay pwedeng mag-transform.
"All of you proceed to the Gymnasium immediately. The program will be start for a moment," walang emosyon niyang bigkas. Hindi ako magkakamali dahil bago siya lumabas ay tumingin muna siya sa akin o baka guni-guni ko lang 'yon. Tila bumilis ang t***k ng puso ko. Kaya hindi ko naiwasan na hawakan ang dibdib ko. Ano kaya 'yon?
"Sabay na tayo, Cholo," nakangiti kong saad.
"Si-sige," aniya rin nito saka nilagay ang libro sa kaniyang itim na backpack.
Nasa labas na kami ng Gymnasium ni Cholo, pero hanggang ngayon ay wala pa ang dalawa. Kanina ko pa sila tinatawagan, pero 'di naman nila sinasagot. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari sa Mall. Iisa lang kaya sila?
"Woah... dito ka lang pala namin... mahahanap. Oh hi you again," hingal na hingal na wika ni Minchie, katulad din ni Harrah na hindi na yata makapagsalita. Tumaas ang ulo nito para tingnan kung sino ang tinutukoy ni Minch. Nang masilayan niya si Cholo ay bigla na lang siyang tumayo ng tuwid at inayos ang magulong buhok. Aha! I smell something malansa. Mwuahahahahaha! I feel that Cholo and Harrah is a perfect combination, isang Nerd at isang Amazona.
"Ito nga pala si Prince Cholo, kaklase ko siya saka seatmate na rin. Siya nga pala Cholo sila naman ang mga kaibigan ko si Minchie at Harrah." Nakipag shake hands naman si Minchie, pero nang inilahad na ni Cholo ang kamay kay Harrah ay tinalikuran at kinabig lang nito ang kamay ni Cholo.
"Pasensiya ka na ha, ganiyan lang talaga si Harrah kasi alam mo na may masamang karanasan sa mga Nerd. Oh siya halina kayo baka mawalan pa tayo ng upuan gusto ko pa naman maupo sa unahan," nakangiting usal ni Minch, ti-nap ko na lang ang balikat ni Cholo saka namin sinundan ang dalawa.
"Bilisan niyo naman kailangan nasa unahan tayo uupo. Want kung masilayan ang angking kaguwapuhan ng mga may-ari ng school na ito!" Malakas na sigaw ni Minchie.
Pagkapasok namin ay nakita ko na agad ang dalawa na nakaupo sa unahan. Pagkaupong-pagkaupo ko sa upuan ay nagsuklay muna ako. Pansin ko rin na ang lahat ng mga kababaihan dito ay nagpapaganda. Pati nga sila Harrah at Minch ay nagme-make up din. Nag polbo lang ako para naman kahit papaano ay maging fresh ako tingnan.
"Good morning students and teachers. We are here to gather the 30th years anniversary of HU and of course to welcome the new students. Let's welcome the owner of this prestigious University, Mr. Ishmael Hindelthon and Mr. Isaac Hindelthon." Pag-a-announce ng Emcee. Gusto ko sanang personal na pasalamatan ang may-ari nitong school dahil sa binigay nilang opportunity para sa aming tatlo.
Bumukas ang malaking TV sa gitna ng stage, 'yong parang sa noon time show na napanood ko sa kapitbahay namin sa isla na palagi kaming pinagsasaraduhan ng bintana at pintuan. Ang astig talaga! Napaawang ang labi ko nang lumabas ang dalawang lalaki.
Ibig sabihin siya ang may-ari ng school na ito? Ang teacher ko na nagnakaw ng first kiss ko ay may-ari ng school na ito? Naupo ang dalawa sa malaking upuan sa gitna na parang mga hari. Magkamukhang-magkamukha talaga ang dalawa, ang kaibahan lang ay ang emosyon. Ang isa ay parang tamad na tamad at parang ayaw kumilos, pero mabagsik ang mga mata, 'yong tipong tititigan ka pa lang ay parang mahihimatay ka na.
"Ang guguwapo!" Mahinang tili ni Minchie. Hindi ko naman talaga maipagkaila na guwapo ang dalawa. "Siya 'yong sobrang sungit, saka marami na 'yang pinahiya na estudyante at ibinagsak, marami rin siyang pinaiyak na mga babae. Ang alam ko sa kaniya, nagtuturo rin siya. Katulad nung Isaac ba 'yon." Mahinang bulong sa akin ni Minch. Napagitnaan nila ako ni Cholo, katabi naman ni Minch si Harrah na antok na antok na.
"Lahat ng estudyante rito ay iniiwasan siyang maging professor," dagdag niyang sabi sa akin na ikinatango ko na lang. Kung sa bagay ay nasa mukha naman talaga ang pagiging masungit at strikto.
"Keybago-bago mo pa lang dito tapos ang dami mo nang alam." Ni wala pa nga kaming isang araw dito, tapos ang dami niya agad nasagap na information. Kung sa bagay tsismosa nga pala ang isang 'to. Kung nasa isla pa lang nga kami ay halos lahat ng kwento ng tao sa isla ay alam niya.
"Ako pa ba," anito pagkatapos ay humagikgik.
"Ano ba kayong dalawa ang ingay niyo. Tumahimik nga kayo baka 'di ko mapigilan na pagsisipain kayo pauwi sa bahay," bagot na bagot na saad ni Harrah habang nakacross-arm ang mga kamay at nasa unahan lang ang tingin. Humagikgik na lang kami ni Minch saka nanahimik na lang. Pansin ko rin na parang malikot ang mga mata ni Sir Isaac parang may hinahanap siya. Hanggang sa dumako ang tingin niya sa kinaroroonan ko.
Ako ba ang tinitingnan niya o baka si Minch o 'di kaya ang nasa likuran ko? Baka nagkakamali lang ako, minsan kasi 'di ba akala mo ikaw ang tinitingnan, pero hindi pala. Napatuwid ako ng upo nang magtama ang mga mata namin. What the! Halos kapusin na ako ng hininga.
"Bruha tinitingnan ka ni Sir Isaac oh. Para kang hinuhubaran, my gosh. Ang lagkit ng tingin," bulong sa akin ni Minch na halos maki-upo na rin siya sa upuan ko, kulang na lang ay magpapalit na kami ng mukha. Tumili nang tumili ang nasa likod namin habang nagcha-chant na tinititigan daw sila ni Sir Isaac. Mas lalong nagwala ang mga babaeng estudyante dahil sa buka ng bibig nito na parang nagsasabing 'I found you, Sweety' at kumaway pa ng kamay pagkatapos ay kumindat pa ito na ikinakabog ng dibdib ko. At hindi lang 'yon dahil ngumiti pa ito ng matamis. Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko kasabay ng pagkirot ng ulo ko.