Chapter 3: Sir Uno

2672 Words
Kirsten's POV Sobrang lakas ng sigawan ng mga estudyante ng kumaway ang dalawang lalaki sa mga ito. Nakikisabay din ang mga kalalakihan para makapag-ingay lang din. Hindi pa rin ako makapagmove on sa buka ng bibig niya kanina. Baka namamalikmata lang ako o ano. Baka hindi naman talaga gano'n ang ibig sabihin ng buka ng bibig niya at ako lang talaga itong assumera. Matapos ang mahabang programa ay nagsibalikan na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga room. Magkasabay kaming pumasok ni Cholo sa elavator at sinundan naman ito ng iba pa naming kaklase, napunta kami ni Cholo sa pinakalikod ng elevator at para na tuloy kaming sardinas dahil siksikan sa loob. Ayaw kasing pumayag ng iba na sa sunod na lang sila, talagang pinag-pilitan nilang pumasok. Mabuti na nga lang at malaki ang Espasyo ng elavator, pero nakakatakot pa rin talaga. Malay ko bang marupok itong elevator at bigla na lang bumigay. Nasa loob na kami ng room habang naghihintay ng teacher. Siguro naman wala ng pakilala portion dahil college na naman kami. Ilang oras na ang nakalipas, pero hindi pa bumabalik ang professor namin. Kaya napa-ubob na lang ako sa desk at pinikit ko ang mga mata ko. Pinipilit ko ang sarili ko na matulog kahit sobrang ingay. Haist, nakakaburyo naman. Dapat pala dinala ko 'yong libro kong binabasa na 'The girl on the past' para naman may mabasa ako. Binigay iyon sa akin ng isa ko pang kaibigan na si Diem at hindi ko pa iyon nasisimulang basahin, naging busy kasi ako nitong nakaraang araw. "Ang swerte talaga natin dahil mismong may-ari pa ng school na ito ang teacher natin," rinig kong bigkas ng isa kong kaklase. Paano naging maswerte? Parang ang malas nga ee. "Sinabi mo pa!" "I will do my best para akitin si Sir kahit na ubod ito ng sungit. Mainggit ang ibang section dahil tayo ang tuturuan ni Sir Isaac at sobrang swerte talaga natin kung isa sa atin ang mabingwit ni Sir," ani naman ng isa ko pang kaklase. Malaking asa girl. Student and teacher affair. No the hell way! "Ehhh! Nakita mo 'yong mga muscles nila girl? Sh*t parang mapapasigaw ako ng 'hmm spank me Sir!'" "Akin lang si Sir, kaya 'wag na kayong mag-illusion diyan na mapa-sainyo si Sir Isaac. Sa pangit niyong niyan. Ew!" Ilusyunada ka rin ee. "Hindi talaga ako nagsisi na itong course ang kinuha ko." Ang iingay bwiset! Palibhasa kasi ay mayayaman kaya walang pakialam sa pag-aaral at puro kalandian lang ang inaatupag. Sayang lang ang pinapaaral sa kanila ng mga magulang nila. Kung sabagay ano pa ba ang aasahan ko sa elite school? Dahil sa pera nakakapasa sila, kaya saludo ako sa mga nag-aaral sa public school dahil talagang pinaghihirapan nila ang pag-aaral. Mas lumakas ang tilian ng mga kaklase ko kaya labag man sa loob ko ay itinaas ko ang ulo ko. Para kasing artista ang pumasok na kung makatili ang mga babae kong kaklase ay parang wala ng bukas. Napakagat ako sa labi ko nang muling tumama ang mga mata namin sa isa't-isa. May kung anong nagwawala sa loob ng tiyan ko na parang may umiikot-ikot na hayop. Mabilis kong inilihis ang mata ko at palihim kong hinawakan ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Bakit ba kasi ito pa ang professor namin? Kinukulang ba ng Teacher ang school na ito kaya kahit ang may-ari ng school ay nag volunteer na rin sa pagtuturo? Ibinalik ko ang tingin ko sa unahan, ngunit muli akong napalunok nang makitang nasa akin pa rin ang mga tingin nito. Kumunot ang noo ko dahil dito na ikinangisi naman ng huli. Sarap katayin ng buhay at ipakain sa pating! Itinapat niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi na parang sinasabi nito na manahimik kayong lahat. Kaya nagsitahimik naman ang mga kaklase kong babae. "Good morning class!" Bati nito sa amin na ikinatili ng mahina ng mga classmate kong babae. Para silang kiti-kiti. Pero in fairness ang ganda ng boses niya parang pang DJ sa radyo. "I know some of you know my name, but I will introduce myself again to those students who forget my entire name." May diin sa pananalita nito. Inilibot nito ang mga mata pagkatapos ay huminto ito sa gawi namin ni Cholo. Napatingin ako kay Cholo na tulala sa harapan. Baka nagugwapuhan rin sa Teacher s***h owner ng school. Napalunok ako ng ilang beses nang malakas itong tumikhim kaya bumalik ang tingin ko sa unahan. Taena Kirsten ano ba ang nangyayari sa'yo? Bakit ganito ka na lang kung kabahan? "I am Isaac Hindelthon, but you can call me Sir Uno, and I don't want some of you call me Sir Isaac. Understood class?" Eh 'di wow daming pakulo. Pa-simple ko itong inirapan na mukhang napansin naman nitong katabi ko, nginitian ko na lang si Cholo. "Yes, Sir Uno," sagot naman ng mga kaklase ko. Eh 'di wow number two! "I will be your teacher in sales and marketing." Pagkabangit ng sales and marketing ay para kaming nanlumo. Shete naman ayaw ko sa Math. Kaya nga nagculinary para maiwasan si Math 'yon pala ay wala ring kawala. "Now, If you have any question just raised your fuc—ehem your hands," ngiting-ngiti na anito, kulang na lang ay lumabas pati gilagid niya. Halata naman na peke ang ngiti nito. "Sir, can I ask a question?" Magtatanong lang, pero kailangan talaga na nakalip-bite? Isa pa ito sa pinagtatakhan ko sa mga mayayaman. Ang dami-dami ng pera, pero kinakapos sa tela, kaunti na lang talaga at lalabas na ang kaluluwa nila. Dapat pala nag dress making na lang ako para mag-do-donate ako sa mga babaeng kinakapos sa pagdadamit. "Yes what is it?" Cold na tanong sa kaniya ni Sir Uno. Kanina ngiting-ngiti tapos ngayon parang mangangain na ng tao. Bipolar ata 'tong si Sir. "Sir, how old are you?" Oo nga naman ilang taon na kaya itong si Sir? Mukha siyang nasa 30's kasi napaka matured ng mukha. No offense. "30," maikli nitong sagot. Wow nahulaan ko edad niya. Pero ang tanda na nga ni Sir. "It's okay, Sir. Age doesn't matter naman eh." Hirit pa nito na ikina-boo ng mga kalalakihan. "Next question," saad nito na parang deadma lang sa kaniya ang hirit ni Ateng na kinulang sa tela. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa amin and boom sa akin pa rin ang bagsak. Char! "Me." Sabay taas ng kamay ni Angelica. Narinig ko kasi siyang tinawag ng babae kanina kaya nalaman ko ang pangalan niya. "Hmm, Sir. Are you single or taken? If hindi ka pa po taken can I apply?" Isa pang atribidang palakang trying hard. Sarap ipag-untugan ng mga babaeng malalandi. Hindi na nila ginalang ang mga sarili nila. Respect lang kasi Proffesor namin 'yan, pero as in harap-harapan ang paglalandi? Wait, bakit ba ako nagagalit? As If I care! "I'm married," casual na sagot nito. Kung tinamaan ka nga ng lintik oh. May asawa na pala ang nagnakaw ng unang halik ko. Nanlumo naman ang mga kaklase kong babae nang marinig nila na kasal na pala ito. Bakit parang nanghihinayang din ako? Wait, what? Bakit ako manghihinayang? "So, miss what is your name?" Turo niya sa isa sa kaklase ko o ako ang tinuturo niya? Sa akin ba? Ako ba? Nag-si-lingunan ang mga kaklase ko patungo sa akin at puting tupa, ako nga. "M-me?" Utal kong tanong sa kaniya. Peste kitang-kita ko kung paano ito magsmirk. Napahawak tuloy ako sa baywang ko baka sakaling matangal ang panty ko. What the h*ck Kirsten isa ka ring malandi eh. Kahit wala naman akong gusto sa lalaking ito, pero nakaka-ano eh. "Yeah," husky niyang wika. 'Yong yeah niya parang ungol sa pandinig ko. Jusko naman Kirsten ang halay ng utak mo. Kanina ka pa galit na galit sa mga babae mong kaklase tapos isa ka rin, tonta ka! Lumayo ka sa tukso! "My name is Kirsten Aguilar, a-and that's all." Naka ilang lunok na ako, ano ba English bakit ba sa tuwing kailangan kita lagi kang nawawala sa isip ko. Kapag hindi ka naman kailangan napaka-fluent mong animal ka. "So do you have any expectations in this subject? Or do you have any expectations about me? What kind of teaching do you like?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin. Kailangan ba ay English rin ang sagot? Malamang Kirsten tinanong ka ng naka-english sagutin mo rin ng English. Napalunok ako dahil kahit ang mga kaklase ko ay naghihintay ng sagot ko. Naghihintay na magkamali ako para may pagtawanan sila. Ngumiti ako dahil wala talaga akong maisip na maisagot. Ano naman kasing klaseng tanong 'yon. Grade 7? Para kasing tanga. Shut up Kirsten wala kalang maisagot kasi. "Hmm..." kunyareng nag-iisip ako, pero wala talagang pumapasok sa utak ko. "Never mind just sit." Sabi mo eh. Kaya naupo na lang ako. "Trip ka ni sir, kanina pa siya nakatingin sayo," pasimpleng bulong ni Cholo sa akin. Akala ko ako lang ang nakakapansin. Baka kaya siya laging nakatingin sa akin dahil naaalala niya ako? Tumawa ako ng mahina para hindi awkward. "Hindi naman baka guni-guni mo lang 'yon." Nagkibit balikat lang ito pagkatapos ay ibinalik muli ang tingin sa unahan. Bakit ba culinary ang kinuha nitong nerd na ito? Eh bagay naman dito ang scientist. Mukha kasing mahilig mag experiment. Pfft! "Since I will be your teacher for the whole year, I have some few rules in this class. First, I don't want loudmouth in this class. You can cheat, unless I didn't catch you so be careful. I don't tolerate flirting in this room. This room assigned for teaching and learning, so if I have sees some of you are flirting here. Prepare for your punishment. And last, class I did not allowed bullying, just treat your classmates as your friend or siblings. Is that clear class?" "Yes, Sir," sagot naming lahat. Napaayos ako ng upo nang may pumasok na magandang babae sa room. Ngumiti siya kay Sir Uno, pero hindi man lang nag-abalang ngumiti pabalik si Sir Uno sa kaniya. "I'm sorry Sir Uno if I didn't knock," aniya nito na ikinatango lang ni Sir. "What do you want?" Cold nitong tanong, pero 'yong mga mata ng babae ay daig pa 'yong kumikislap-kislap sa tuwa. Hindi ko nga alam kung teacher ba ito o walking coloring book dahil sa kapal ng make-up nito. Tsk, sayang maganda pa naman sana kaya lang nasobrahan sa make up. "Nandito na po ang mga uniform nila Sir Uno at ang mga susi ng dorm," sagot nito. Hindi kami kukuha ng dorm dahil balak namin na maghanap ng trabaho sa labas ng school. Kapag kasi mag-do-dorm kami ay hindi ka na pwedeng lumabas ng campus. Optional naman ang pagkuha ng dorm kaya ayos lang lalo na at libre naman ang apartment na tinutuluyan namin dahil sinagot rin iyon ng University. "Then bring that inside." Utos ni Sir. Tumalikod na ang babae at binuksan ang pintuan. Nang maipasok na ang lahat ng gamit ay umupo si Sir sa mesa sa unahan. Halos lahat kaming mga babae ay nakatingin sa mga galaw niya. Oh no! Isa na rin ba akong malandi? "Good morning everyone. I will introduce myself now so that you will know who I am. By the way, I'm Ma'am Freya Carmona. I will be your teacher in Housekeeping since BS HRM is your course." Huminto muna ito sa pagsasalita pagkatapos ay ngumiti. "And for those scholar students who will decided to live in the dormitory just get your dorm key from Sir Uno, later after class." Bakit parang ayaw ko itong teacher na ito? Napangiwi ako dahil feeling ko hindi naman talaga siya ang dapat mag announce ng bagay na iyon. "You can go Freya, ako na ang bahala rito," matigas na bigkas ni Sir. Wala siyang nagawa kung hindi ang magmartsa palabas. "You, Ms. Aguilar stop smirking." Halos lumaki na ang mga mata ko sa narinig. Lahat tuloy ng kaklase ko ay napatingin sa akin, Even Cholo. How did he saw that? "S-sir, I didn't!" I said calmly kahit hindi na ako mapakali. 'Yong mga tinginan ng ibang mga babae sa akin ay parang papatayin ako. Isa pa, paano niya nalaman ang apilyedo ko? Ay shunga, nagpakilala nga pala ako kanina. "Don't rolled you're eyes on me, Woman," ulit na anito. T*ngina na 'yan! Gusto ata ako nitong mapatay ng mga babae kong kaklase. "Tsk, bida-bida." "Papansin!" Ito na nga ang sinasabi ko. Tinawag ni Sir isa-isa ang mga pangalan namin. Kinseng kahon ang naroon na tamang-tama para sa aming lahat. "Iya Sandoval." Tawag ni sir sa leader ata ng ponytail girls. Nagpapa-sway sway pa 'yong pwet niya habang lumalapit kay Sir. Ang masama rito ay dahil plat na plat ang pwet niya. Nang maibigay sa kaniya ni Sir ang box ay muntik pa nitong mabitawan ang kahon na halata namang sinadya niya. Napasinghap kaming lahat sa ginawa niya dahil hinalikan niya lang naman si Sir malapit sa labi nito. Todo sigawan naman ang mga kalalakihan at hiyawan naman ng ibang babaeng kaibigan niya. Natahimik silang lahat nang hinila ni Sir Uno ang babae pagkatapos ay malakas na isinandal sa white board na butas na dahil sinuntok nito kanina. Napasigaw kaming lahat nang suntukin ni Sir ang gilid ng mukha nito. Hutik akala ko sa mukha ng babae tatama ang suntok. Grabe, nakakatakot! Kung ako siguro 'yon ay baka naihi na ako sa kaba. "Next time, this punch will hit you in the face, Even though I am still your teacher, and you are one of my female student, I will never hesitate to hit you in the face. Give yourself a d*mn Fastidiousness. Respect yourself so that other people and other men will not insult you. Now get back in your seat!" Natatakot kaming lahat sa kaniya dahil para talaga siyang papatay ng tao sa hitsura niya. Lahat ng kaibigan ni Iya ay namumutla na sa takot kahit nga ako ay parang natatakot din. Palihim akong napapunas ng pawis sa noo. "I'm the professor here and the owner of this school so you should respect me as your teacher. If you repeat that Ms. Sandoval or even one of you, I will not hesitate to expel you from my school. Is that clear?" Magkasalubong ang mga kilay nito at nang dumako ang tingin nito sa akin ay parang sinasabi nito na hindi niya ginusto ang halik na iyon. The eff, ano ba ito! "Yes, Sir!" labas sa ilong na sagot namin. "Now get your own boxes here, and i'll see you in my brother's office Ms. Sandoval." Kinuha niya ang isang kahon saka lumakad papuntang pintuan. At walang sino man sa amin ang nagtatangkang mag salita. I look at Cholo and his sweating, ganoon din ang iba pa. "Kirsten, follow me," walang emosyon na mungkahi nito bago ito lumabas ng room. Kirsten? May iba pa bang Kirsten sa amin? Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at hinanap ang kani-kanilang box kaya tumayo na rin ako at hinanap ko ang box ko. Kami na lang ni Cholo ang natira sa room dahil nagsialisan na ang iba naming kaklase pagkatapos nila makuha ang kani-kanilang box. Natakot yata! "Pinapasunod ka ata ni Sir sa office niya," usal ni Cholo sa akin habang bitbit niya na ang sarili niyang box. "Chols, asan ang akin?" Tanong ko kay Cholo. "Na kay Sir Uno ata naalala mo 'yong dala niya kanina. Sa'yo ata 'yon." Kung tinamaan ka nga naman ng lintik ba't niya dinala ang box ko? P*ste talaga! "Sasamahan pa ba kita?" Tanong nito sa akin. "Ayy naku wag na. Puntahan mo na lang sila Harrah at Minch, sabihin mo mauna na lang kamu silang mag lunch." Saka ko binitbit ang maliit kong bag. Pagbukas ko ng pinto ay isang lalaki agad ang bumungad sa amin. Muntik na akong mahimatay dahil parang nakakita ako ng sinaunang espanyol. Na-na-naginip tata ako, at kung ano-ano na ang nakikita ko. Perp Isang makisig na gobernador heneral. Nang makita kami nito ay kumalma ang nanlilisik nitong mata. Sino ang lalaking ito? Bakit naligaw siya rito? Nagtime travel ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD